(Love Poetry) Hinay, Hintay, Habambuhay

15 3 0
                                    

Hinay, Hintay, Habambuhay
By: CTRLtInk
012921, 12:20 am


Hindi pa naman hinihiling,
Ngunit biglang may dumating,
Nangangatok kaya sinubukang papasukin,
Mata'y napaningning tulad ng kaniyang na parang bituin,

Palitan ng letra'y 'di papapigil sa 'yo magpapatili,
Pagulong-gulong sa higaan tila kinikiliti,
Parehong tingin ay sa hinaharap,
Mula umaga hanggang gabi na pag-uusap,

Sa biru-biroan--dalawa ang tinamaan,
Pusong walang tiwala sa kaniya yata'y pilit napataya,
Sa dating hawla ay napalaya,
At sa ngiti niya nakulong at napatulala,
Sariling matagal na iningatan sa kaniya'y ipinagkatiwala,
Heto na naman kaya nagawang mapatula,

Siya at ako ay nabuo at naisiwalat sa mga saknong,
Ngunit mahihintay at maghihintay ba ang aking tanong?

Sana'y ang sagot ay ganoon na lang kadali,
Ngunit marami pang aabutin hindi yata mapapanatili,
Parang kaniyang boses na nakakatunaw subalit nagsusumigaw,
Kailangan ng atubiling tugon ngunit 'di yata ako iyon, dahil ang kulay na nag-isa ay unti-unti ng pumupusyaw,
Kislap ay nauubos na at iba na ang pupukaw,

Ikaw at ako patuloy na mawawalan ng ilaw,
Ngiti at tagong tawa iba na ang magiging dahilan araw-araw.

Subalit tandaan, kahit hindi nadaan sa hinay-hinay,
Hindi kaya ang dahan-dahan at maghintay,
Ikaw lang ang tinayaan sapagkat ang saglit sa atin ay para ng habambuhay.

Coffee, Tea, or Ice cream?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon