(Slice of Life) Tama na! Gusto ko pa!

14 4 0
                                    

SWEG writing task for a cause.

-----

TAMA NA! GUSTO KO PA!

"Tulong! Bente kami rito! May mga matatanda at bata. Aabutin na kami ng tubig!" tangis ng residente sa ilang parte ng Cagayan at Isabela.

"Wala na pong bakanteng espasyo para sa mga positibo sa COVID-19. Hindi na namin alam ang gagawin sa mga pasyente namin. Paano ito?" hinaing ng isa sa mga unang alagad ng medisina na rumesponde para maagapan ang pagkalat ng nakakamamatay na sakit.

"Wala naman siyang ginagawa. Wala silang ginagawa!" impit na pag-ani ng mamayang Pilipino na nakakulong lamang sa kani-kanilang bahay dahil sa pandemiyang nagbabanta. Nakakuyom ang mga kamao subalit hindi na makahinga sa walang tigil na pag-iyak dahil wala silang magawa.

"Tingnan mo si Vice, may updates tungkol sa mga nasalanta. Eh siya, nasaan?  Natutulog . . ." pikit na aniya ni Gido. Nasa teresa ng bahay at humithit ng sigarilyo ambon ng partidong kinabibilangan nito.

"Share nang share ng mga post sa FB. Tweet nang tweet... may ambag ka? Mag-donate ka na lang," mapagpanggap na apila ni Pedro habang ang savings sa bangko ay nag-uumapaw ngunit siya'y nanatiling hindi gumagalaw.

"Inuuna pa kasing magtabon ng dolomite sa Manila. Babalik daw ito nang maganda sa ekonomiya pero matapos lang ng bagyo, nawawala na. Sana nabigyan niyo rin kaming mga siyentista ng pansin. Kami'y eksperto ngunit kakarampot na pondo para sa pananaliksik madalas inyo pang pinagkakait," saloobin ni Einstein na ginagawa lamang watcher ng gobyerno. Research doon, research dito, ngunit siyaw ng isang Pilato, "Bakit kasi panay pa kayo research nang research!

"Kayang bumangon ni Juan, tingnan mo nga at nakakangiti pa rin babad sa tubig baha habang mahigpit ang kapit sa isang poging marino. Ang harot!" pambubuska ng isang manonood habang humihigop ng mainit na kape sa kaniyang bahay na bato.

"Bitawan mo na ko, Selmo."

"Bumitaw ka na, mahal... Mabuhay ka para sa akin at sa ating mga apo. Tingnan mo kung paano babangon ang bayang nilulubog na ng sariling mamamayan nito," huling aniya ng isang lola na nakangiti habang namamaalam sa kaniyang sing-irog.

"Hindi! Hindi! Mahal kita, Milinda! Mahal kita!" pilit na sigaw at puno ng sakit na pamamaalam ng lolo habang walang magawa nakikita ang  mahinang katawan ng asawa na papalayo nang palayo na. Tangay-tangay nang mabilis at mabangis na agos ng kulay putik na tubig.

Tunog ng nakakabinging busina ng kotye ang sa akin ay nagpagising. Mata ko'y hilam sa luha, ilalim nito'y kasing itim ng uling. Nanginginig, halos maubusan na ng hininga ang kamay ay tila inaabot ang langit.

Napupuno ng sari't saring kwento mula pa ng umpisa. Hinaing, pagtangis, papuri, pagbingi-bingihan, pagbubulag-bulagan, walang tigil na pagbabangayan, at sakripisiyo para sa bayan.

Ako'y parang sasabog na kasabay nang aking pag-agaw hinga sa natitirang espasiyo sa kotse kong inutang ko pa. Gusto ko na lamang iwaksi ang aking panulat at lente ng kamera. Bitawan ang huling maliit na gamit, ang huling koneksiyon ko sa mundo upang may magawa pa.

Ngunit gusto ko pa . . .

Gusto ko pang iulat ang mga sigaw at pagpupumilit nila.

Gusto ko pa . . .

Gusto ko pang isiwalat ang kwento sa bawat mga tanong, sa bawat letrato sa balita, at ibang plataporma aming hinahatid ang tunay na pangyayari sa inang bayan tinalikuran ng iba.

Gusto ko pa . . .

Gusto ko pang kumapit sa liwanag ng pag-asa na hinaharangan ng madilim na bubong ng kotse pilit inaabot ko pa.

Gusto ko pa . . .

Gusto ko pang kumilos at ipagsigawan sa mundo na tama na. Tama na . . .

Itigil muna lahat ng ating pansari-sariling interes. Tama na . . .

Tayo'y tumigil muna sa pagbabangayan. Pakinggan ang bawat hinaing ng kapwa natin mamayan. Iwaksi ang sigalot ng kani-kaniyang paniniwala, tayo muna'y kumilos para sa bayan.

Sa atin magsisimula. Sa 'yo magsisimula.

Sapagkat tayo'y iisa lamang ng lahi, pare-parehas ng hanging hinihinga, at iisa lamang ng lupang tinatapakan. Tayo'y kapwa mga tao ang buhay ay hiniram lamang. Kaya tama na muna. Tayo'y magkapit-bisig at bumangon muna, saka tayo bumalik nang mas matalino na.

Tama na, dahil gusto ko pa . . .
Gusto ko pa sanang makita kung paano nating lahat gagawin iyon.

Subalit sa 'yo ko na ito ipapasa. Tanggapin mo ang huling lakas at katas ng ulat ko para sa mamayang Pilipino.

"B-Bangon... babangon tayo," huling aniya ko habang unti-unti ng walang marinig. Tubig ay pinasok na ang buong katawan at hangin na'y pinagkait. Ngunit sa isang telepono, huling pagpindot alay ang huling lakas para iulat ang lahat. Para sa sumisilip na pag-asa ng sambayanang Pilipino.

SIDE NOTE: WRITE NOW WITH A PURPOSE. PAUSE FOR A WHILE AND LET'S REFLECT AND EMPATHIZE WITH THE GRAVING SITUATION OUR COUNTRY HAS.

WE NEED IMMEDIATE ACTION TODAY.

#BANGON TAYO

Coffee, Tea, or Ice cream?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon