Awarded as 2nd placer out of fourteen contenders in Shibo Writing and Editing Group (with 30 pesos worth of load, critiques and a promotion. Feedbacks of the judges will be place in the comment section, drop yours too.
Warning, read at your own risk.
----------
"666 Malaya"
"Magandang gabi, bayan!"
"Sa ulo ng mga nagbabagang balita, pamilya ng sikat na siyentistang mananaliksik na si Alberto Martin, patay pagkatapos 'di uma-
Natigil ang ingay na nililikha ng maliit na radyo nang patayin niya ito. Ang kaniyang paghihinagpis sa loob ay masasalamin sa kaniyang mas magulo pa sa pugad ng ibon na itim na buhok, mga bilugang mata na nangangalumata, at natatakpan ng basag na salamin, habang dala-dala ang kulay uling na bagahe kasabay ang ekspresyon na napakatiim.
Tila tinakasan na siya ng pagiging makatao.
Lutang na tinadyakan niya ang radyo kaya dumagdag ito sa walang kaayusang maliit na bodega. Mga nagkalat na basyo ng bote ng alak, upos ng sigarilyo, marijuana, at mas matataas pang kalidad ng pinagbabawal na gamot ang nagkalat sa kadiliman. Pati na rin mga delikadong kagamitan tulad ng kutsilyo, palakol, at mga babasaging metal at glass. Ang ilan pa sa mga iyon ay may bakas pa ng sariwang dugo.
Naghahari ang amoy na kakaiba at nakakawala ng katinuan sa mabigat na hangin, tulad ng kaniyang isip na nagbuhol-buhol na at nahulog na sa kawalan. Ito ang amoy ng kamatayan.
Kamatayan na sa kaniya ay ipinagkait kahit hinihiling.
Susuray-suray na naglakad siya sa kadiliman habang paulit-ulit na tumatawa hanggang sa nilamon siya ng lupa at nawala.
"Chairman Feitan, you're under arrest for committing the highest treason, and all sorts of obnoxious crimes you committed. You have the right to remain silent, but the Underground Society took your case and see to it that you'll never access freedom by using your filthy wealth. You should peacefully submit to the law," ani nito at handang-handa na pindutin ang gatilyo.
Pagak namang tumawa si Feitan at tiningnan lang ang mga lalaki na kasama nito sa likuran. Lahat ay may nakatutok sa kaniyang baril at kompleto ang kagamitan para sa isang mabigat na laban.
Sila ang mga opisyal ng 'di kilalang organisasyon, sanay na sa pagtugis sa mga kriminal na gaya niya. Wala silang bansang kinabibilangan dahil tago ang kanilang pagkakakilanlan.
Siyang pagwasiwas ni Feitan ng kaniyang matatabang daliri na may sandamakmak na mga makinang na alahas, ang naging hudyat upang ang kaniyang pinakamatitinik na tatlong tauhan ay maging alerto at magsipagkasa ng mga baril.
"Don't you dare, old man! You'll make our job easier by giving us the reason to instantly slay you," aniya ng opisyal sa mabigat na tono.
Nakakairitang halakhak lang ang sinagot ni Feitan, kasabay ang pag-alog ng kaniyang matabang pisngi, pagsilip ng kaniyang gintong ngipin, at matang aliw na aliw.
Tila sanay na sa mga ganitong sitwasyon.
"Easy, boy," ani nito at saka ngumisi nang nakakairita.
"Ibaba niyo na iyan mga bata, sasama na ako sa kanila. I'll prove to this dogs that money could buy anything, even those worthless souls I killed for boredom. Even my lowly slut of wives, these pups loyalty, and their precious so called Underground Society!" aniya na may kasiguraduhan at pang-uuyam.
Para kay Feitan, laro lamang ang lahat. Lumaki siyang 'di lang gintong kutsara ang isinusubo sa kaniya, maging isang kontinente kayang bilhin ng yaman nila.

BINABASA MO ANG
Coffee, Tea, or Ice cream?
عشوائيCollection of short pieces (one shots or poems) she passed in mini and big writing contests. Expect mature themes and mind boggling plot twists. Highest Ranks Achieved 📎 59/8.06 K - Short 📎 70/3.6 K - Unexpected 📎 66/6.15 K - Hot 📎 80/ 3.48 K...