(Horror-Thriller) Sticky Notes

61 10 0
                                    

First attempt on writing horror-thriller themed story.

---

"Sticky Notes"

Malaya na ako.

"Kumusta, tita? Opo, birthday po ng baby ko ngayon. Lahat sila pupunta kaya 'wag po kayong mawawala," ani ko nang kumikislap ang mga mata.

Balik sa harap ng laptop screen, excited akong nagtipa para balikan ang naiwan kong stories. Heto ang pinagkakakitaan ko mula pa man. Na-miss ko ito dahil ilang buwan din ako sa hospital para magpagamot.

"Liana, a mom of an only child is happily married to his spouse Matt. They live happily despite her son's condition." Inisa-isa ko pang basahin ang mga sticky notes na magkakapatong. Interes ay nakapinta sa mga mata habang kagat ang may sugat na labi.

"Mommy, will protect you, baby. No one's going to hurt you," madamdaming wika ko.

Nawala ang interes ko nang mabasa ang sumunod. Nayayamot na pinatay ko na lamang ang laptop. Tinulak ang inuupuan palayo rito saka marahas na napakamot sa magulo kong mahabang buhok.

Madali talaga akong mainis sa mga bagay-bagay at hindi ko nagustuhan ang sinulat ko noon. Nanggigil na balak ko sanang isarado nang malakas ang laptop ngunit biglang nagbukas ang screen nito ng kusa.

Nagdulot ito ng kakaibang kaba sa aking dibdib, saka ko pinakiramdaman ang paligid. Ang mata ay malikot na tumingin sa kanan at kaliwa.

Baka naman nag-mamalfunction lang?

Magkasalubong ang kilay at kalmado na, tumambad uli' sa akin ang maraming sticky notes.

Iba't ibang bulong, mga hanging humahapyo sa aking tainga ang nag-udyok sa aking magbasa muli.

"They are coming."

"Visitors will come and take away her baby. They'll hurt him. Liana must protect her child. Protect. Child. Her baby, at all cost."

Napakunot ako sa mensaheng ibig nitong iparating. Parang hindi ito isa lamang kuwento. Pinagkakagat ang sariling kuko at pinagsasampal ang sarili, agad akong napatayo.

Ramdam ang hapdi, pag-init, at pamamaga ng pisngi ako'y mabilis na naglakad.

Matapang na tinahak ko ang maliwanag at malawak naming pasilyo. Nabibingi sa katahimikan dahil kaming dalawa lamang ng anak ko ang nasa malaking bahay.

"Psssst!"

Ano iyon? Nababalisa akong lumingon.

"Psssst!"

Nandiyan na naman. Pikit-mata kong kinurot nang malakas ang sarili ko.

"Pssssst!" huling sitsit nito saka ako nakarinig nang pagkabasag ng gamit. Stiff at mabagal akong tumingin sa pintuan ng silid naming mag-asawa. Pati sarili kong balahibo ay tumataas na sumasalamin sa nararamdaman kong tensiyon.

Pagharap ko, wala akong nakitang kakaiba. Sarado ang pinto. Walang kahit ano.

Naiiling na pinilig ko ang ulo ko. "Ano ka ba! Guni-guni mo lang iyon! Walang mananakit sa kaniya. Walang nakatingin. Story lamang iyon," sigaw at pagkumbinsi ko sa sarili ko.

Walang talagang nakatingin.

Napayakap ako sa aking sarili sa lamig na biglang lumukob sa bahay. Nanginig ako ng 'di ko maintindihan. Saka pinagpawisan at nakarinig ng sunod-sunod na pagkabasag ng gamit sa kwarto ng anak ko.

"Chaaambi!" nag-aalala na sigaw ko saka tumakbo tungo sa silid niya. Narinig ko ang hirap na pagsisigaw niya.

Sa kuwarto, "Mommy! Help!" tawag niya sa akin saka subok na iniiwasan ang kilos ng mga nakatalikod na parehong nakaputi. Hindi ko maaninag ng husto ang ginagawa nila.

Coffee, Tea, or Ice cream?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon