CHAPTER 10

18 3 5
                                    

"Azalea sinasabi ko sayo, dudukutin ko 'yang mata mo." Nanggigil na sabi ni Javier. "Nandito tayo para magsaya, teh. Hindi para makipaglandian sa ka-chat mo." Umiirap na sabi nito.

"Eto na nga, sorry na." Biglang tago ko sa cellphone ko. Hindi na kasi ako tinatanan ni Khaiden sa kakachat sa akin simula nang maging magkabutihan kami.

"Shot?" Si Clara. Nang t-trip na naman.

"Gaga ka." Pag suway ni Javier kay Clara. Siya pa lang kasi ang pwedeng uminom sa amin. "Kita mong minor pa 'yan. Pasaway ka."

"Boring niyo." Nakabusangot na sabi ni Clara. Sila lang kasi ni Javier ang umiinom.

"Laro na lang tayo, game?" Si Ysabelle na naglabas ng cards.

"Durugin ko lang kayo." Mayabang na sabi ni Daphne.

"Sus, nagyabang ka na naman." Umiikot na matang sabi ni Javier. "Ako, mananalo."

"Ang kapal ng mukha niyo! Ako ang pinakamaganda-"

"Hep! Pinaka- boba!" Si Javier at Daphne, natatawa.

"Mga basher!" Nauubusang pasensya na sabi ni Ysa. Pinagtulungan na naman kasi siyang asarin.

"Nag-talo ang mga bata." Si Clara na natatawa.

"Gurang!"Balik ng tatlo sa kaniya.

"Ina n'yo!" 

Mabuti na lang at nag Christmas Break. Nagkaroon kami ng mga kaibigan ko ng time.

"SM tayo bukas." Biglang aya ko.

"Libre mo?" Si Daphne ang nagtanong.

"Libre lang laman ng isip mo!" Asar ni Ysabelle.

"Game ako."  Sagot agad ni Clara at Javier.

Matagal na rin nung huli kaming nag usap lahat at nakapag bonding ng ganito. Kung mag-usap kami before ay 'yun ay halos tungkol sa school. Masyado kasi kaming nabulaga sa mga gawain nung nag SHS kam. Kaya grabe talaga ang adjustment na ginawa namin.

"Clar." Tawag ni Daphne sa kaniya. "May naalala ka pa ba sa mga classmate nating nung junior high?" Out of the blue nitong tanong.

"Huh? Wala. Wala akong pakielam sa kanila. Di ko na nga maalala mga pangalan nila e." Deretsong sagot ni Clara. Parang ang kaninang lasing niyang mukha ay nawala.

"Boba! I-shoot mo!" Pag cheer sa akin ni Daphne. Sweet niya no? Sa sobrang sweet niya gusto ko syang i shoot sa ring.

"Ikaw na lang dito! Bakit kasi ako, alam mo namang anliit ko para rito." Reklamo ko.

Si Javier at Clara ay naroon sa may stage. Tumutula. May cash prize kasi ang mananalo. Naging Assistant nila si Ysabelle. Inaayusan ni Ysabelle ang mga equipment na gagamitin nila para sa tula. Habang ang dalawa ay gumagawa na ng tula.

"Patuloy kang tumatakbo, maabot lang ang pangarap na inaasam mo." Pagbato ni Clara ng linya niya.

"Sa bawat takbo, ay mayroon sa iyong naka abang na latigo." 

"Na mapupunta sa kadiliman ng palad mo." Bigla nilang pagtatapos sa tula.

Binigay nila sa amin ang script, para raw kung may malimutan sila ay itaas lang namin. Kahit na tapos na ang isnulat nilang tula ay patuloy pa rin sila sa pagbigkas hanggang sa wala na silang maitugma sa mga linyang nakaabang.

Walang kupas talaga ang dalawa, kahit gaano na katagal na wala silang performance magkasama ay hindi nila kami napigilang ma mangha muli.

"Uy, alis muna ko. Sorry, pero kailangan na raw kasi ako sa bahay." Pag-papaalam ni Clara sa amin. Hindi na namin siya hiniritan pa na sumama pa rin sa amin dahil alam namin kung gaano ka strikto ang pamilya nito.

Between Us(Between Series #2)Where stories live. Discover now