"Uy, nagka-balikan na sila Khaiden at Rhea ah!" Imporma sa'kin ni Kyree.
"Ows?" Hindi ako makapaniwala.
"Oo nga, flex na flex nga ni Rhea sa room e. Pero 'di naman siya finiflex ni Khaiden! Hahaha!" Natatawang sabi nito.
"Ang sama mo!"
"Totoo naman e!" Mas malakas na ang tawa nito ngayon.
"Bawal maingay!" Yung librarian na masungit.
Nasa library kami ngayon dahil mainit sa labas, sarado ang mga room. 2 months na nung huli kaming nag usap ni Khaiden nang matino.
"One month na ata sila bukas." Dagdag pa ni Kyree.
"Alam mo ba?" tanong ko sa kaniya, lumapit naman ito na para bang sobrang importante ng sasabihin ko. "Wala akong pake." Irap ko at tinutok ang aking mata sa libroong binabasa.
"Napaka mo, Az." Tinarayan ako nito. "Uy, sila Javier. Ayain mo, dali!" pagkuntsaba nito sa akin ng maita ang kaibigan ko kasama si Clara sa labas ng library.
"Shh, may jowa na 'yan tumigil ka nga." Saway ko sa kaniya. Alam ko namang wala na talagang pag-asa si Kyreee kay Javier dahil sobrang loyal nito kay Jagger eh.
"Friends lang naman eh." Pag pa pacute pa nito.
"Duda ako." Sagot ko, na agad naman niyang ikinatawa.
"Az, tawag ka ni sir." tawag sa akin ni Daphne. Sila Ysabelle aya naiwan sa labas at hindi na pumasok sa library.
"Bakit raw?" Tanong ko nang makalabas kami.
"Gagawa ka raw uli bagong cover ng intrams." aniya Daphne.
"Clar, sumali ka intrams?" tanong ni Ysabelle.
"Gago, bawal." tumawa lang si Clara.
"May chismis ako." Sabi ko sa apat. Agad namang tumigil sa paglalakad ang mga ito at tinignan ako ng seryoso.
"Ano?" mga seryoso ang mukha at boses ng mga ito.
"Nagkabalikan daw si Khaiden at Rhea." Mahinang bulong ko. Agad namang sumimangot.
"Te, may sagap din ako." Si Ysabelle naman ngayon.
"Never naman daw naging sila according kay Khaiden, at dati inaamin niya na nagkagusto siya kay Rhea, pero nung nalaman niya na gusto siya neto hindi niya na gusto." dugtong ni Ysabelle.
"At, yung ngayon. Si Rhea na lang ang may gusto sa kaniya. Misconception ng mga tao, akala nila silla na, pero ang totoo nagiging mabait lang si Khaiden kay Rhea. Yung iba nga nakita nila kung paano tannggihan ni Khaiden si Rhea e. Pero syempre, babae si Rhea kaya naisip ni Khaiden na maging mabait na lang sya sa kaniya." Paliwanag naman ni Daphne.
"Pero hindi kami sure ah. Pwede rin namang sila na, or nagiging mabait lang talaga si Khaiden." Si Ysabelle ulit.
"Saan niyo nakuha 'yan?" tanong ko.
"Secret!" sabay na sigaw nung dalawa.
Habang naglalakad papunta sa room ng journal club. Parang lumuwag yung dibdib ko sa nalaman ko na hindi naman naging sila ni Khaiden in the first place. Hindi ko alam pero, parang may masakit sa akin nung malaman ko na may posibilidad na maging sila.
Agad ko namang pinagalitan ang sarili ko.
Azalea, tumigil ka. Huminahon ka.
Malalim ang paghugot ko ng hininga ng nandoon na kami sa journal club.
"Sir, hanap niyo raw po ako?" tanong ko sa aming club adviser.
"Yes. In fact, wala kasi si Mae, ikaw na lang muna ang mag cover ng intrams. Absent kasi, nag out of town kasama family." sabi nito at nag abot ng camera. "Okay lang ba?" tanong nito.
"Yes po." tinanggap ko ito. Dahil una sa lahat, napaka boring na talaga. Pangalawa, mauutusan ko pa yung apat.
Tinignan ko ng nakakalokong tingin ang apat at ibinalik ang tingin sa mga bag ng camera.
"T*ngina." Si Clara.
"P*nyeta." si Daphne.
"Pag bubuhatin mo kami ganon?" masungit na sabi ni Javier.
Ngisi ang binigay kong tugon.
"Nak nang putsa." Malulutong na sabi nila Clara, Daphne, at Javier.
"I love you too!" Sigaw ko at lumabas na.
Sinimulan kong kumuha ng litrato sa basketball game. Ang team namin ang may laro ngayon. Kalaban nila ang grupo nila Max.
"Bakit nandoon si Malcolm?" Tanong ko sa mga kasama. Nandoon kasi siya sa bench ng mga players ngayon. "Hindi ba bawal sumali ang mga varsity?" Naguguluhan kong tanong sa kanila.
"Nag co-coach lang siya dyan." Preskong sagot ni Ysa. Tinanguan ko ito at nagpatuloy sa pagkuha ng litrato.
Umalis na kami roon at pumunta sa gymansium. Dito naman naglalaban ang volleyball;. Kasalukuyang naglalaban ang mga higher years, senior highschool.
"May tubig kayo riyan?" Tanong ko ay Daphne. Umalis na kasi ang tatlo at si Daphne na lang ang natitira.
"Teka it-" naputol ang sinasbai ni Daphne, napalitan ito nang malutong na mura. "T*ngina." aniya at nagpunas gamit ang bimpo nito.
"Sorry!" Si Jairus. Hinahabol nito sila Khaiden at... Rhea.
"Khaiden, ano ba!" Maarteng sigaw ni Rhea. Tawa lamang ni Khaiden ang naging responde nito.
"Ang haharot niyo." Naiinis na sabi ni Jairus, patuloy na sinusundan ang dalawa.
"Puny*ta." Hindi na maipinta na ngayon ang mukha ni Daphne. Marami kasi ang tubig na natapon sa kaniya.
"Sorry." Pagpapaumanhin ko. Kunga hindi ako humingi ng tubig edi sana hindi siya natapunan ngayon. "May extra ka bang damit?" Tanong ko rito, dinadaluhan na siya sa pag punas ng damit nito.
"Nasa locker ata." Bumaba na agad kami ni Daphne sa second floor papuntang veranda. Naroon kasi ang locker niya. Salamat sa Diyos at mayroong spare t-shirt na natira.
"Ako na." Pag presenta ko para buhatin ang natitirang gamit. Pinapasok ko siya sa isang classroom na walang tao at binantayan na lang ang pinto nito.
Sinimulan kong tignan ang mga litrato na nakuha ko sa camera. Nahagip ng atensyon ko ang isang litrato sa may quadrangle. Sa likod ng mga players naroon sila Rhea. Nagtatawanan at magkayakap nila Khaiden. Tinignan ko pa ang mga duplicate pictures nito. Habang patagal nang patagal ang pag scroll ko ay pa sweet sila nang pa sweet.
"Psst." Si Daphne. Agad namang akong tumingala para makita siya. "Tara na, inaantok na ako." Inayos ko na ang mga gamit ko. Ang mga camera ay ibinalik ko na sa journal room.
Pasakay na kami ni Daphne sa isang jeep, ngunit agad namang naunang ang isang grupo ng banda. Mayroon silang mga dala na iba't ibang instrumento.
"Dito na lang tayo." Turo ko sa isang bus na pa parating.
Nang makasakay na kami sa bus ay mula sa bintana. Kitang kita ko si Khaiden, naka-akbay siya kay Rhea at nagtatawanan.
So totoo nga, sila na nga...
----
05
![](https://img.wattpad.com/cover/234894053-288-k63175.jpg)
YOU ARE READING
Between Us(Between Series #2)
Teen FictionBetween Series #2 Azalea Suliman. One of softest girl you can meet. She's known for being the kindest girl in school. Azalea was once from a not-so-good relationship from his past lover, Max. Azalea wasn't supposed to enter a new relationship and ju...