CHAPTER 7

24 3 2
                                    

"Tangina seryoso yon?" Tawang-tawa si Javier.

Nasa K-hub na kami ngayon. Nang malaman namin na mag pinsan sila Rhea at Khaiden halos magiba yung Pancake House. Pinaliwanag na rin nila sa amin na lately lang nila nalaman na mag-pinsan sila. The time they have now ay ineenjoy nila as cousins. Hindi raw kasi sila masyadong nagka-bond noong mga bata sila.

"Baka naman cover lang nila 'yon." Si Daphne habang binubuklat ang songbook.

"Feeling ko totoo. I mean, never ko silang nakitang magka holding hands or kahit halik sa cheeks ganon, wala." Paliwanag ni Ysabelle.

"Ako wala akong napapansin, wala naman kasi akong pake sa kanila." Natatawang sabi ni Clara.

"Uy, Azalea. Aminin. Natuwa ka nang malaman mo na magpinsan sila." Pambubuyo ni Javier. Agad naman akong umangil.

"Asa ka!" Binelatan ko siya. Hindi naman kasi totoo na natuwa ako nang malaman kong mag-pinsan lang sila. In fact, wala akong pake.

Pero actually, totoo sila. Medyo nakapante ako nang malaman ko na mag-pinsan silka Rhea at Khaiden. Sinabunutan ko ang sariling buhok. Nakaka frustrate to ah.

"Nga pala." Tawag atensyon ko sa mga kaibigan ko.

"Matagal ko na kasing nakukuha 'to. Hindi ko nga lang alam kung kanino galing." Aniya at ipinakita sa kanila ang tatlong sobreng nakuha ko. "Palagi na lang, pag-uwi ko may bagong sulat."

"M. Baka si Max." Si Javier, pagtukoy niya huling bahagi ng sulat.

"Imposible." Apila ni Clara . "Hindi puwedeng kay Max manggaling to. Hindi naman yon pumapasok ng room. Kahit na sabihin natin na breaktime yon eh may natitirang tao sa room. Wala namang lakas ng loob pumasok ng ropom natin yon para lang maglagay ng sulat sa bag ni Azalea." Paliwanag nito. Agad naman kaming napatango lahat.

"Kung hindi si Max , sino?" Si Ysabelle. Curious na curious sa kung sino ang nagbigay ng mga liham.

"May kilala ka pa bang ibang M bukod kay Max?" Tanong sakin ni Daphne.

"Si Malcolm kaya?" si Ysabelle. Lahat kami napatingin sa kaniya. "Ay joke lang, pangit pala sulat non." Agad naman niyang bawi.

Lahat kami ay naiwang nagiisip sa kung sino ba ang nagbibigay sa akin ng mga message na ito.

4 months na nung huli kaming nagkita ni Khaiden. Never naman kaming nag-usap after namin malaman na mag pinsan sila ni Rhea. And kay Rhea, good terms naman kami. 

1 week from now ay simula na ng pasukan namin. First week as a senior highschool student. Malaki ang paghahanda na ginawa ko rito. Laht ng major projects ng journal club ay tinanggap at kinuha ko. Gusto ko kasi talaga na makapasa ako sa scholarship exam. Kaya sa laht na oppurtunities na dumating ay kinagat ko na.

"Hi." Bati ng katabi ko. Ako lang kasi ang nahiwalay ng strand sa mga kaibigan ko. 

"Hello!" Balik na bati ko. Gusto ko rin magkaroon ng sarili kong circle of friends maliban kina Daphne. Gusto ko rin palawakin ang mundo ko.

"Si Azalea ba 'yon?" Isang matangkad na lalaki ang tumuro sa akin mula sa dulo ng corrider. Mag-isa ako ngayon at balak puntahan sila sa Clara sa Open Field. Hindi ko naman agad maaninag kung sino yon. Ang nakikita ko, may kasama siyang isang lalaki na medyo maliit sa kaniya. "Azalea!

"Jairus?" Pag aalinlangan ko sa pangalang tatawagin ko.

"Sabi sayo pre eh!"Hinampas nang bahagya ni Jairus ang likod ng kasama niya. Habnag lumalapit sila ay napapansin ko na kung sino ang lalaking kasama nbi Jairus. Sino pa ba? Edi si Khaiden!

"Uy." Bati sa'kin ni Khaiden at nakipag-apir.

"Sino nga pala kasam mo sa UST? Ikaw lang? Nasan sila Daphne?" Sunod-sunod na tanong ni Jairus.

"Chill." Natatawa kong awat sa kaniya. Para kasi siyang hinahabol kung tanungin ako eh. "UST din sila. Si Ysabelle nga lang hindi, nasa La Salle siya."

"Anong strand?" tuloy-tuloy nitong pagtanong sakin. Hindinko naman agad nasagot ang tanong niya dahil biglang tumawag sa akin si Javier. Kanina pa raw sila nag aantay sa open field. Sobrang inet na raw. 

"San ka ba galing?"Iritang sabi sa akin ni Javier.

"Nakita ko kasi sila Jairus. Same building kami." Paliwanag ko. "Nasan si Daphne?" Tanong ko sa kanila. Si Clara at Javier lang kasi ang nas aopen field. 

"Busy na raw agad sa kanila. Mga kawawa." Asar ni Javier. Humagalpak naman ng tawa si Clara.

"Kain tayo, nagugutom ako." Si Clara.

"Ikaw puro ka kain." Masungit na sabi ni Javier.

"Paki mo ba. Sabihin ko nga kay Jagger na h'wag kang replyan dahila ang sungit mo." Inirapan ni Clara si Javier.

Nagtawanan kaming lahat. Kahit noong highschool kami siya palagi ang nag-aaya ng kainan. Never rin naming nakitang tumaba siya. Lahat napupunta sa height! Sana all.

If you know, si Clara ang pinaka matangkad sa amin, sumunod si Javier at next naman si Daphne. Kami lang talaga ni Ysabelle ang hindi blessed sa height. Bawing bawi naman kaming dalawa sa ganda. Okay na yun!

"Pahingi." Si Javier, gusto niya nung fries ko.

"Buti, Az pinayagan ka nila tita dito sa UST." Si Clara habang ngumunguya ng hamburger nya.

"Actually, ayaw talaga nila mama. Kinumbinsi ko lang na kapag 'di ako nakapasa sa scholar e sa Valenzuela na lang ako. Ayon nga lang maliit ang allowance ko ngayon." Paliwanag ko.Kwinento ko rin sa kanila na ayaw talaga ni mama ako mag chef dahil mahirap kumita ng pera roon. Mas gugustuhin niyang mag engineer, doctor, or abogado ako. Hindi namna ako magaling sa ganon. Baka kapag iyon ang kinuha e magkanda bagsak bagsak lang ako at hindi na ako umusad.

Wala akong minamaliit na course. Naniniwala ako na kapag nasa tamang lugar ka, at nasa mga tamang tao ka na mag susuporta sa iyo. Ay maabot mo talaga lahat ng pangarap mo.

Nauna na kaming umuwi ni Javier. Si Clara kasi ay may sariling condo sa Q.C. kaya hinid niya na kailangan pang umuwi sa Valenzuela.

Pagka-uwi ko sa bahay ay agad akong nakatanggap ng mensahe. Galing ito sa Messenger.

Khaiden: Still up?

Azalea: Hello.

Nasapo ko ang noo ko sa nireply ko. Talaga, Azalea? Hello? Sure ka an diyan sa reply mo. Aakmang buburahin ko na ito ng mag message sa uli.

Khaiden: Hello amp. Hahahaha!

Napangiti naman ako sa nabasa. He never change, huh. I hope he wouldn't.

----

07

Between Us(Between Series #2)Where stories live. Discover now