CHAPTER 4

34 3 1
                                    

"Salo!" Sigaw ni Daphne sa'kin. Agad ko namang nasalag ang bolang ibininato ni Daphne.

"Gagi, masakit." Inda ko. Medyo malakas kasi at nalagyan ng pressure ang pagkabato. Imbes na sorry na tanggap ko ay tinawanan niya lang ako.

"Bakit ba absent 'yung mga 'yon?" Tanong ko kay Daphne.

"Sabi ni Clara may sakit daw siya. Si Ysabelle, uuwi raw sa Manila. Tapos si Javier, ewan ko lang. Wala namang sinabi e." Sagot nito sa akin habang papalit pali ng bola sa kaniyang magkabilang kamay.

Hinayaan ko nang maglaro si Daphe sa Gym at bumaba na lang sa classroom namin para kunin ang tubig ko. Panigurado, kapag naubusan s'ya ng tubig ay hihingi ito sa akin.

Pagkabukas ko ng pinto sa room, agad na tumambad sa aking ang mga lalaki. Lahat sila ay nagpupunas ng pawis at tanggal ang mga t-shirt.

"Sorry!" Sigaw ko at sinarado agad ang pinto.

Sobrang nakakahiya iyon! Sa susunod ay kailangan ko na  munang kumatok.

"Anong kailangan mo?" Si Khaiden, nakasilip sa bintana ng pintan.

"Tubigan lang." Nahihiya kong sabi, sino ba naman ang hindi mahihiya roon? Lumabas kaagad si Khaiden dala dala ang jug ko. Hindi siya nag palit ng damit dahil panigurado naglaro laang naman ito ng online games.

Habang paakyat ako sa gym, nararamdaman ko na mayroong naka-sunod sa'kin. Alam ko namang si Khaiden ito, hindi ko lang tinignan.

"Anong ginagawa mo sa gym?" Biglang tanong nito.

"Wala, pinapanood lang si Daphne." maikling sagot ko, hindi parin siya tinitignan.

"Hmm..." Tangin tugon nito.

Nang maka-akyat kami sa gym pumasok na kami sa may pintuan na nag kokonekta sa senior high building. Agad namang may bolang lumilipad papunta sa akin. Agad naman akong napapikit at inambang naka salag ang kamay ko. Ngunit sa tagal kong naghintay wala akong naramdamang bolang tumama sa'kin. Naghintay pako ng mga limang segundo bago ko buksan ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang kamay ni Khaiden na nakaharang, hawak na nito ang bola ng volleyball.

"Dahan-dahan naman sa pag-laro!" Sigaw ni Khaiden sa mga nag vovolleyball at ibinato pa balik sa kanila ang bola. "Bakit ba kasi ang daming nagkalat na mga tanga." Inis na bulong nito.

"Sama ng ugali mo!" Natatawang sabi ko sa kaniya. "Salamat pala." Tinannguan lang ako nito. 

Hindi na siya muling nagsalita at tumakbo sa mga kaibigan niya sa isang section. Yung section na pinanggalingan niya bago ang amin. Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na lang kay Daphne. Hingal na hingal na ito kakalaro.

"Chill ka lang, kung mag laro ka akala mo naman may kalaban ka." paalala ko rito, tinawanan nga lang ako.

Gumagawa na ako ng school works ngayon dito sa bahay. Si Uda, ay talagang napaka-kulit at ayaw akong tantanan. Gusto niyang malaman kung talagang nag break kami ni Max or hindi.

"Ate! Ate! Nag break ba talaga kayo ni kuya Max?" Aniya at niyuyugyug pa ang aking balikat.

"Diba nga iniyakan ko nung nakaraan? Kita mo naman diba? Edi wala na nga." Naiinis na sabi ko sa kaniya.

"Bakit?"

"Alam mo, Uda. Pag 'di ka tumigil sa iyo ko ipapassagot 'tong mga homework ko." Para bang natakot siya sa banta ko at umalis agad palabas ng kwarto.

Sinulat ko na ang sagot ko sa notebook at inilagay na sa bag. Pagka-angat ko ng notebook ay may nahulog na papel mula rito.

Azalea,

Maghihintay ako hanggang kailan, senyales mo lamang ang inaantay ko.

-M

Pagkabasa ko ng papel ay agad ko itong nilukot at tinapon sa basurahan. 

Nagising ako ng maaga kaya nakrating din ako ng maaga sa school.

"Morning," Biglang bati ni Khaiden. Nagulat ako ng bahagya kaya napaigtad ang balikat ko.

"Mor--" Naputol ang sasabihin ko ng may biglang sumigaw mula sa second floor.

"Khaiden!" Matinis na sigaw ng isang babae. Agad naman kaming tumingala ni Khaiden. Si Rhea, nakangiti pa. Akala mo naman maganda. Mula sa second floor ay dali dali itpng tumakbo pababa sa may quadrangle kung nasaan kami ni Khaiden.

"Khaiden! Paturo naman ak--" Diretso na akong nag-lakad, hindi ko na pansin na nakabunggo ko na si Rhea.

"Sorry." Tanging nasabi ko at umalis. Hindi ko muli sila dinapuan ng tingin.

Last period na namin ngayon, nag-aayos ako ng gamit ko nang maramdaman kong may kumalabit sa akin.

"Tahimik mo ata ngayon?" Si Khaiden, palagay ko kanina niya pa akong gustong kausapin pero wala talaga ako sa mood ngayon magsalita at magdaldal. Masyado ata akong na occupied doon sa letter kagabi.

"Wala." Sabi ko at dumiretso kila Javier.

"Uy, Mcdo tayo." Aya ni Daphne sa'kin.

"Hindi ako nakapag-paalam kay mommy eh." Napakamot ako sa batok ko. Baka magalit na naman si mommy dahil hindi ako nakapag-paalam tapos mag-antay pa yung service ko sakin.

"Okay na, na-paalam na kita kay tita." Sabi ni Daphne at kinindatan ako. Nginitian ko siya, hindi ko siguro mararansan 'tong ganitong klase ng buhay sa highschool kung hindi ko naging kaibigan si Daphne.

"Uy Clara, arat kain tayo." Pag-aya ni Ysabelle kay Clara. Agad namang nagulat si Clara kay Ysabelle, nabitawan pa nito ang tubigan.

"Hindi p'wede, may training ako." Nakayukong sabi nito at nag-ayos pa ng gamit. 

May training? Diba nag-quit na siya sa Volleyball Club? Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Javier.

"Hoy, Clara. Tigilan mo kami, rest month ng mga players ngayon anong sinasabi mo diyan?" 

"Chos lang, hindi kasi mayroon kaming usapan nila Janna ngayon, sorry." Pagtukoy niya sa isa niya pang kaibigan.

"Clara!" Sigaw ni Janna, Missy, at ni Sophia sa labas.

"Una na ako ah!" Pag-papaalam ni Clara.

"Mcdo na!" Sigaw ni Daphne.

Nang makarating na kami sa Mcdo ay agad na kaming naghanap ni Ysabelle ng uupuan. Sila Javier at Daphne ang nag order para sa amin. Ang katabing table namin ay tahimik, sakto lang dahil gusto kong i-open sa kanila 'yung letter.

"Ang gago naman!" Sigaw ng isang lalaki papaso sa entrance ng parking. Pagkalingon namin si Jairus iyon, kasama niya sila Malcom, Julius, Khaiden, Brennan, at Chris.

"Dito pala kayo!" Masayang sigaw ni Malcolm, nakipag apir sa kakarating lang na Daphne.

"Utang niyo sakin?" Masamang tingin ni Daphne kay Malcolm at Julius.

"Sakin din may utang kayo." Si Ysabelle kina Brennan at Chris.

"Walang babati sakin?" Nakakalokong sabi ni Jairus.

"Uy!" Si Daphne na nakipag fistbomb naman.

"Bakit parang kulang kayo?" tanong ko.

"Kayo rin eh!" Natatawang sabi ni Chris.

Kumakain kaming lahat ng malaglag ang cellphone ko. Nang pupulutin ko na ang cellphone ko ay may nakita akong papel. Hindi ko na sana ito papansinin ngunit napukaw nito ang istilo ng pagsulat, kahawig nito ang mga papel na palagi kong nakukuha sa bag ko.

Azalea,

Iyon pa lamang ang nakalagay. Pwede kayang kay Khaiden galing ang mga sulat na ito? Imposible, hindi naman siya letter M e.

----

04

Between Us(Between Series #2)Where stories live. Discover now