"Hawakan mo, huwag mong ibagsak." Utos ko kay Khaiden. Hawak kasi nito ang camera bag, nandoon din ang mga lente. Kinakabahan ako dahil baka masira ito, hiniram ko lamang ito sa office.
"Ano ba 'to? Bato?" Barumbadong sagot nito.
"Bakit? Puso mo ba nandyan? Joke." Biro ko at agad namang binawi.
Tingin lamang ang bawi nito sa akin. Hanggang ngayon ay nagtataka parin ako kung paano siya pumayag sa gagawin na ito. Isang buwan siyang magiging taga-bitbit ko.
"Bakit ka ba pumayag?" Tanong ko habang kinukuhaan ng mga litrato ang papasok na mga players, kinuha ko na rina ng maliit kong notebook at isinulat ang mga school at teams na naroon.
Kinuha niya muna nag camera sa'kin bago sumagot. "Okay na 'to. Kesa sa naman suspension." Naiinis na sabi nito.
"Ano ba kasing ginawa n'yo?" Kinuha ko muli ang camera sa kaniya.
"Wala, kumuha ka na lang ng mga pictures diyan!" Masungit na sabi nito.
Habang nasa kalagitnaan ako nang pagkuha ng mga litrato ay may naalala ako.
Hindi pa pala ako na kakapagsorry sa kaniya mula noong tinapunan ko siya ng gatas. Ililibre ko na lang ito ng Mcdo.
"Hi ate!" Sigaw nung isang player sa ibang school. Kumaway naman agad ako. Nagulat na lang ako ng may humatak bigla sa braso ko.
"Puro 'yan na pinipicturan mo. Tignan mo yung kabilang side wala pang kapicture picture." Masungit na sabi ni Khaiden hanggang ngayon hawak pa rin niya ang braso ko.
"Sige, basta tanggalin mo 'yang kamay mo." Sabi ko at tinignan ang mga kamay nito na naka kapit sa braso ko. Bigla naman itong natauhan at tinanggal ang kamay.
Tinuloy ko ang pagkuha ko sa mga litrato. Nawala na rin sa tabi ko si Khaiden siguro ay may nakitang kakilala.
Agad ko namang nilapitan ang Volleyball team ng school namin. Nakita ko rin na wala roon si Clara.
"Si Clara?" tanong ko kay Lorelei. Isa sa mga kaibigan ni Clara sa Volleyball team.
"Huh? Hindi ko 'rin alam e, baka--" naputol ang sinabi nito dahil dumating si Audrey, yung pinakabata sa team.
"Hi ate Az!" Masayang bati nito. "Ano pong nangyari kay ate Clara?" tanong nito.
"Hindi ko alam. Bakit ba siya wala?"
"Ate, bigla na lang po siyang umalis kahapon sa training. Nag-announce na kasi si Coach, siya dapat bagong captain. Kaso umalis siya may tumawag sa phone nya 'tas bigla na lang siyang nag walk-out." paliwanag nito.
"Edi sino captain niyo ngayon?"
"Si Ate Lorelei po. Nag-chat po kasi si ate Clara sa GC namin, quit na raw po siya sa team."
Bahaagya akong nagulat sa narinig. Hindi ko namna alam at wala akong makitang rason para umalis si Clara sa team. In the end, iniwan ko na lang sila roon at kumuha na ng mga litrato
Dumiretso na ako sa McDo dahil ililibre ko nga si Khaiden. Apology sana sa ginawa ko nung nakaraan.
After kong bumili ay pumunta na agad ako sa puwesto namin. Doon ko nakita si Rhea. Ex ata ni Khaiden. Naghaharutan pa sila at mukhang natutuwa pa si Khaiden. Napa irap ako.
"Oh." Masungit na sabi ko kay Khaiden at inabot ang pagkain niya. Kunot-noo niya naman itong tinanggap.
"Oh, sayang naman 'yan, Azalea. Dinalhan ko na si Khaiden ng food eh." Maarteng sabi nito.
"Ayun naman pala eh. Akin na, bigay ko na lang kay Daphne." nahihiyang sabi ko. Feeling ko kasi ay napahiya ako ng sobra. Sino ba naman ako para bigyan ng pagkain si Khaiden. Mayroon namang karapatan si Rhea dahil kahit papaano ay naging ex niya ito at naging parte sa buhay ni Khaiden. Samantalang ako, ako lang naman yung tumapon ng gatas sa kaniya.
"Eto na lang kakainin ko." May pinalidad sa boses nito. Binuksan nito ang Mcdo na dala ko at kinain sa harapan ni Rhea, hindi pinapansin ang baunan sa harapan nito. Tuloy tuloy ito hanggang sa maubos niya lahat.
"Salamat," Ngumiti ito sa akin. "Sayo na lang 'yan, Rhea. Busog na'ko." aniya at iniwan si Rhea sa upuan at hinatak ako paalis.
Binigay naman niya sa akin ang camera at sinenyasan na kumuha na lang ng litrato. Sumunod naman ako na para bang wala na akong magagawa.
Tinuloy ko na ang pagkuha ng litrato hanggang sa matapos na ako. Sinimulan ko na rin mag-isip ng puwedeng isulat sa aking news article.
"Sabay na tayo umuwi." Si khaiden. Bitbit parin ang mga camera.
"Sasabay ako sa service."
"Umalis na sila, puno na. Mag-commute na lang tayo." may pinalidad sa boses nito.
Wala na rin akong nagawa kung hindi ang sumunod. Agad naming hinanap ang sakayan ng jeep. May iilan akong nakitang kabataan na mukhang taga-rito para mapag tanungan ngunit hinatak agad ako ni Khaiden sa isang bus.
"2 po. Sa Malinta exit," Sabi ni Khaiden sa konduktor. Nagaambang maglalabas na sana ako ng pera ko ngunit pinigilan ako nito. "Libre ko."
Sobrang awkward ng buong byahe dahil wala ni isa sa amin ang gustong magsalita. Sa rami ng ginawa ko ngayon araw isa lang ang masasabi ko. Gusto ko nang matulog.
Walang pag-aalinlangan ay natulog ako. Nagising na lang ako sa balikat ni Khaiden. Naabutan ko naman itong nakatitig sa'kin ngunit nag iwas din ng tingin.
"Malapit na tayo." Sabi nito sa akin. Siguro para hindi na ako matulog ulit. Inayos ko naman agad ang mga gamit ko at nag-antay makapunta ang bus sa Puregold.
"Salamat nga pala." Aamabang aalis na sana ako nang pigilan ako nito.
"Hatid na kita sa sakayan." Nang makarating na kami sa sakayan ang mahaba ang pila ng mga tao. "Taga saan ka?" tanong nito.
"Assumption," sabi ko'.
"Ate, assumption po kayo?" Tanong ni Khaiden sa isang matandang babae. Tumango namang ang babae. "Manong, assumption nga ho. Apat." Pagkasabi ni Khaiden ay naglabas muli ito ng pera. Pinasakay niya kami noong dalawang babae. Tumingin ako sa may salamin sa likod ng inuupuan ko. Nang makalayo ako ng kaunti sa terminal ay nakita ko si Khaiden naglakad na patungo sa sakayan ng mga jeep.
Pagka-uwi ko ng bahay ay agad akong nagpalit ng damit. Hindi na ako nag buklat ng aking telepono kaya natulog na agad ako.
---
03
![](https://img.wattpad.com/cover/234894053-288-k63175.jpg)
YOU ARE READING
Between Us(Between Series #2)
Teen FictionBetween Series #2 Azalea Suliman. One of softest girl you can meet. She's known for being the kindest girl in school. Azalea was once from a not-so-good relationship from his past lover, Max. Azalea wasn't supposed to enter a new relationship and ju...