Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
12th of June
Rose Point of View
It was 12th of June, 8 o'clock in the morning. Nakatingin ako sa labas ng bintana habang nag-iisip kung ano ang magagawa ko sa araw ngayon. Wala naman kaming araw ngayon dahil sa holiday na ipinagdadaos ng buong Pilipino ngayon. Ang 'Araw ng Kalayaan'.
Napatingin ako sa study table ko. Ando'n ang mga gamit ko sa skwela, kaya agad kong kinuha ang bond paper ko para gumawa ako ng isang papel na barko. Madalas ko kasi itong gingawa simula no'ng nasa probinsiya pa 'ko.
Nang matapos kong gawin ang barkong papel ko ay pininturahan ko ito, para naman magmukha pang maganda at 'di madaling masira sa tubig.
Lumabas na 'ko sa kwarto ko at bumaba sa salas. Nakita ko na nagluluto si Mama ng siningang, 'yun kasi ang nakagawian namin pag malamig ang panahon. Nagpaalam ako sa kanya na maglalaro ako sa labas at 'di naman siya nagdalawang isip na pumayag.
My Mom, supports me always, while my Dad? His very strict. I don't know why, pero baka dahil sa nag-iisang anak lang nila ako, at... babae pa.
Sinumulan konang ilagay ang barkong papel ko sa nagraragsang tubig baha. Halos magtalon-talon ako sa saya dahil sa patuloy na pag-andar nito sa tubig.
"Yes! I made it!" sigaw ko sa tuwa.
I follow the paper ship. Masaya akong sinundan ito. Hanggang sa, napahinto ako sa tapat ng isang bahay. Tumigil kasi ang barkong papel na gawa ko sa tapat nito kaya tumigil din ako at tiningnan ang bahay na 'yon.
Hindi gaanong kaganda ang bahay nila. Marami ang sirang, walang kasigla-sigla ang mga kulay ng pader, at sira-sira rin ang mga bubong nito. Nanatili akong nakatingin do'n habang sa may narinig akong ingay.
"Pa, tama na po. Nasasaktan na po ako!" rinig kong sigaw ng isang batang lalaki. Rinig ko ang pagsigaw niya nang pagmamaka-awa at ang boses niyang tila nasasaktan na sa ginawang kanyang ama.
"Anong tama na? Nakalimutan mo naba na ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng Mama mo at ang dahilan ng pagkawala ng mga negosyo ko!? Huh!?" sigaw ng kanyang ama. Kahit na malakas ang ulan ay naririnig ko pa'rin ang mga sigaw nila. Lalo na ang pag-iyak ng batang lalaki na 'yon.
"Do'n ka sa labas! Tuturuan kita ng leks'yon!" Nakita ko ang pagbukas ng pinto sa kanilang bahay habang kinakaladkad ng isang ma-edad na lalaki ang kanyang anak na halos mapunit na ang damit nito.
"Pa, tama na po, Pa." patuloy na umiiyak at naghihingi ng kaawaan ang kanyang anak.
Parang bingi naman ang kanyang Ama at tila di narinig ang paki-usap niya rito. Habang itinatali ng Ama niya ang mga kamay nito sa isang poste sa bakuran nila, ay nakaramdam ako ng awa sa kanya.
Parang dinurog ang puso ko nang makita ang kawawang bata na 'di ko alam kung may kasalananba talaga o wala.
"D'ya kalang! At wag na wag mong tatangkaing umalis d'yan kundi, papatayin kita!" pagbabanta ng kanyang ama sa kanya.