"Xzyry! You wouldn't believe what I just saw!" I look back to Piper who's catching her breath. Paano eh tumakbo na naman siya. Parang sira talaga 'tong babaeng 'to.
"Of course, inaasahan mo bang papaniwalaan ko pa din iyang sasabihin mo tulad ng dati? Haler? Sinong maniniwala sa isang sinungaling na tulad mo?" I said as I rolled my eyeballs. Piper is my bestfriend. NOON. Sinira niya ang pagkakaibigan namin, kaya ano pang rason para maniwala pa rin ako sa kanya? Matapos niya akong siraan sa lahat ng mga nakapaligid sa'kin. Ipinagkalat niya na may naka-sex na daw ako. SERIOUSLY?! NAKA-SEX?! EH KAHIT ISANG LALAKI MAN LANG WALA NGANG LUMALAPIT SA'KIN! hindi naman ako pangit. Average girl lang ganun. Pero 'yung kahit isang lalaki eh wala talagang lumalapit sa'kin ay iba na. Yes may lumalapit naman sa akin. Pero mga kamag-anak at pamilya ko lang. Ewan ko kung bakit ilag ang mga lalaki sa'kin dito sa campus eh 'di naman ako nangangagat! Isipin mo! Ni tingnan nga ako ng crush ko ay 'di niya magawa. Grabe! Feeling ko tuloy eh ang pangit pangit ko na!
"Xzy, ginawa ko lang naman yun pa--"
"Para sa kapakanan ko ganun? Tangina. Anong naidulot n'un sa'kin? Alam mo ba na dahil sa ginawa mo ay napilitan sila mommy na ipakasal ako sa ka-negosyo namin?! SALAMAT HA?! SALAMAT TALAGA NG SOBRA PIPER!" Nanlalaking mata kong sigaw sa kanya. Tiningnan naman ako ni Piper nang may nanlalaking mga mata.
"A-anong sabi mo? Sigurado ka dyan?"
"Kingina! Sigurado! 'Di ako tulad mo na isang sinungaling. Duh!"
"P-pero papaano na yung p-plano namin ni...." bulong niya sa sarili niya.
"Anong ibinubulong bulong mo d'yan!? Anong plano?!" Asik ko. Ano? Pagtutulungan na naman nila ako? Eh wala na ngang kahit isang estudyante na lumalapit sakin dahil sa ginawa niya!
"H-huh? W-wala." Pag sisinungaling niya.
"Ano pa bang aasahan ko sa'yo? Sinungaling ka nga pala." Niligpit ko na ang mga gamit ko at tumayo. Makauwi na nga lang.
"Xzyry, s'an ka?" Pahabol na tanong ni Piper.
"Aba saan pa? Makikipagkita na ako sa ka so called sex ko. Duh"
"H-hey!" Di ko nalang siya pinansin at nagtuloy tuloy na sa paglalakad. Pagdating sa parking lot ng kotse ay agad kong tinungo ang sasakyan ko at pumasok
"Putanginang araw na naman.Argh!" Sigaw ko at aksidenteng nahampas ang busina. Napatalon nalang ako sa inuupuan, hindi dahil sa gulat galing sa busina kun'di dahil nakatingin sa direksyon ko si Elton, ang crush ko! Na conscious tuloy ako kung nakikita niya ba ako dito sa loob kahit na tinted itong salamin ng sasakyan ko. Agad kong binuksan ang pinto ng driver seat, akmang lalabas pero natigilan ako dahil bigla nalang umalis si Elton.
"Elton sorry!" Sigaw ko. Sinarado ko nalang ang pinto at pina andar ang makina ng kotse. Agad naman akong nagmaneho pauwi.
"Nandito na 'ko!" Sigaw ko. Wala naman akong nakuhang tugon. Baka nasa study room sila mommy at daddy at si kuya naman ay hindi pa siguro nakakauwi galing sa eskwelahan. Agad akong umakyat ng kwarto at 'di man lang nag abalang magbihis. Agad akong sumalampak sa kama at kinuha ang phone na nasa bulsa ng palda ko.
BINABASA MO ANG
The Love Experiment
AcakA collaboration of aspiring writers. An Anthology by Different Author. Short stories with different Genre