DESTINED TO BE HIS

42 9 0
                                    

Mellitus' POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mellitus' POV

Hi! Ako nga pala si Mellitus Felix Gonzales. Isang estudyante sa unibersidad ng Orange Horizon View University. Simpleng mang-aaral lang ako. Nakakatung-tong naman sa top 10 minsan. I'm already in my last senior years of highschool sa class ng HUMSS.

I'm already 18 years old. Marami na akong naging jowa at halos kapwa lalaki ko sila. Oh, sorry for not telling you early about that. I'm gay or bisexual. Don't hate me. We all know the saying that Love Has No Gender. And I'm one of them believing and proving that.

As of now, single ako ngayon at may nililigawan ako. Isang bottom sa isang section ng grade 10. Shet lang noh. Na-Love-At-First-Sight ako nung nakita ko sha rito sa campus namin. He has cute features. Makinis, maputi at malaporselanang balat. Mapupulang labi na parang ansarap halikan. Medyo maliit sha sakin noh. Tas ang cute ng lahat nyang gawin. Like umupo lang sha or sumusulat. Basta. Shet. He's totally the guy that all you dreamt of.

Ang pangalan nya ay Clydric Tyrus Nueva. Inaamin ko, ini-stalk ko sha sa every social media accounts nya. Kahit anong anggulo, ang cute nya na ano. Yung sa sobrang gwapo ay naging maganda rin ang mukha nya. Gets nyo ko? Manamit ito ay panlalaki rin naman. Halos naka jacket, sweater at longsleeve lang ang suot nito pag nakikita ko. Baka fetish lang yata nya yung mga balot na balot na garments. Tas simple lang itong tao si Clydric. Mapagkaibigan, mapagtulungin, mapagkumbaba, maasikaso at iba pa. Saan pa ang hahanapin mo?

Currently, sa pagkakaalam ko ay single ito. Eh narinig ko ngang NBSB rin ito. Walang jowa kahit isa. Eh iniisip nya kasing di sha karapat-dapat mahalin, di sha bagay sa kahit kanino at iba pa. Wala nga naman akong nakikitang lalaking umaaligid sa kanya except sa bestfriend nyang bakla rin at barkada nya. Pero ladlad na ladlad itong bestfriend nya. Si Daniel Kirk Perez. Inshort Niel. Okay naman sha pero di ko type. Ang dalawa sa kaibigan nya ay si Rafael Luis Rosales kilala sa tawag na Raf. At si John Lester Fuentes. Puro rin ito mga bakla. Medyo ladlad pero mas ladlad si Niel sa kanila.

Marami na rin akong alam tungkol sa pagkatao nitong si Clydric my baby in the future. Hehe. Eh parang ultimate stalker na nya ako eh. 16 years old na ito. Nasa poder sha ng kanya mommy kasi hiwalay na ang magulang nya nung bata pa sha. Orange ang favorite color nya. White chocolate, milk or vanilla ang kanyang favorite flavor. Dream country nya ay Japan. Hehe. Nababasa ko every post nya sa Facebook. Pangarap nya talagang makapunta dun. Pwede ko naman shang dalhin dun kung saka-sakali. Kung kami na.

Maganda ang boses nito pero di ko sha gaanong naririnig kumakanta. Nahihiya at sinasabi nyang ang gaspang at ang pangit daw ng kanyang boses. But for me, it's like angels voice singing towards me. Yung marerelax at mapapanatag ka talaga kung marinig mo boses nya.

As of now, wala akong naririnig na ideal type ng boyfriend nya. Kahit isang katiting na clue ay wala akong alam. Pero alam kong ultimate crush nya si Gray ng Fairytail. Kainis lang eh noh. Eh kung maghubadero nalang rin kaya ako para magustohan nya? Tas magpa-tattoo nalang rin ako ng Fairytail guilt symbol? Sasagotin na ba nya ko?

The Love ExperimentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon