B.L.A.N.K.O

257 3 0
                                    

warning: UNDER CONSTRUCTION.

Ako nga pala si nickira kung di nyo natatanong ako'y isang simple at ordinaryong binatang lalaki na merong hindi ordinaryong kwento...

"Nung bata pa ako maliit pa lang ako.. pero nung nagbinata na ako maliit parin ako".
.
kitams! sampol palang yan, sabi ko sayo hindi nga ordinaryo..

Nung bata pa ako madalas akong maglaro magisa, kahit maglaro ng tagu-taguan ako lang din magisa, (introvert)

masaya ako pag ako lang magisa kahit na ngayon na malaki na ako gusto ko parin laging nagiisa.( God of introvert), masaya ako kapag walang nanggugulo sakin maglaro o gawin ang mga bagay na alam kong tama pero sa mata ng iba eh mali.

tulad ng paglalaro ng buhangin at gawing sand castle na akala moy naglalaro lang sa tabing dagat at kahit na hinihika na ay patuloy parin sa halukay ng buhangin.

Matapus kong pagtripan ang mga buhangin dun naman ako makikipag laro ng "hangin" sa kaibigan kong "mahangin" dahil palagi syang nagyayabang at iniingit kaming mga kalaru nyang ang laruan lang ay gulong ng bike samantalang sya ay may imported at mamahaling laruan. syiempre alam nyo naman.. may mga bata naman talaga ganyan kayayabang..

Malaki ang tiyan nya..
Puno rin siguro ng hangin..
Na aalala ko umutot sya.. isang beses.. tumagal ng 30 seconds yung utot nya.. akala ko mamamatay na sya..
Dami kasing hangin ng tiyan nya.. eh..
Masama at mabahong hangin..

(Pero mabalik nga tayo sa batang si nickira..)

Meron ako noong kababatang babae na madalas ku ring kalaro cute sya tisay,maputi. pero wala akong pakialam..

"NUON", dahil bata palang naman ako nun siguro mga seven years old. Di kona rin masyado maalala..

Di ko sya malilimutan dahil..
Sya lang ang kauna-unahan at ka-isa isang babae na nagsabi sakin ng "I, L O V E,Y O U"

Ganito kasi yun..

Isang umaga mapayapa ang paligid, asul at puti ang langit.. tahimik at kalamado ang kalooban. Tamang tama ang klima para MANGULANGOT..

NGUNIT... habang ako'y
"NANGUNGULANGOT" sa balkunahe namin may cute na boses ang sumisigaw sa tapat ng bahay namin.

"NICK! NICK! HOY! NICKOY!! NICK ILABYO! ILABYO!!"
Nang marinig ko ang sinabi nya ay narindi at sumama ang loob ko! kaso narinig din ng mga kapatid kong mga "Mapang-asar" ang sinabi nya!

At ayan na ang pinakahihintay kong komento mula sa kanila...

"UUuuyyy!! Si nickira! UYyy crush ka pla nun ah!! ".

at sabay halakhak..
"HAHAhaha!!! HIHI!! HahaHAHA!! NAMUMULA NA..!! AHAHAHIhiHI!!" ...Supot Pa Yan Pero May Gelpren Na!!! Hahhaha!!."

Mga tawang nagmumula sa kanilang malaki at mabahong bunganga.

Buti nalang at inulit pa ng kababata kong cute ang sinabi nyang maduduming salita.

"Nickira I LOVE YOOO!! Lumabas kana dyan.."

Gusto ko na syang barilin para matigil na ang kahibangan ng batang mangkukulam...

Kaso..
wala akong baril..

Kaya naman..

lalong tumindi ang pang aasar ng mga kapatid ko sa akin.
"NAKS!! MAY GIRLFREN NA SYA BWAHAHAHA!!"
Tawang tawa sila palibhasa walang nagsasabi ng "i love you" sa kanila...

Napuno ng tawanan, halakhakan at "laway" ang bahay namin.

Grabeng kahihiyan ang inabut ko.

Lesson: kaya mula noon hinding-hindi at HINDI, na ulit ako "Nangulangot" sa balkunahe ng bahay namin.

**CHAPTER 1** -NICKIRA AND FRIENDS-

Name: nickira Age: 8 Hieght:5'11 (with ladder)

Play Experience:
basketball in uncovered court 1pm in the afternoon, langit-lupa, mata-mataya/tagutaguan(kasi nagtaago para di mataya.),wrestling, boxing,taekwondo,ufc,kungfu,kick boxing,karate and judo.

-Play Achivement-

world chinese garter champion.

Nung akoy bata pa ang paborito ko talagang laru ay MATA-MATAYA, oo tama ka "MATA- YATAYA". hindi ko rin alam kung bakit hilig ko ang makipag habulan hangang maubusan ng hininga. Kahit na lagi ako pinag bibigyan ng mga kaklase ko, dahil nakikita nila na ang bilis kong hingalin kaya nag papataya na lamang sila sa akin.

Kaya minsan yung mataya-taya naging doktor-doktoran, dinala ako sa doktor dahil hini-hika nako.

F4 ang tawag ko saming magkakalaro dahil apat kaming "poging" mga lalaki, 74 naman ang tawag samin ng mga titser namin dahil laging bagsak ang grade naming f4 a.k.a 74.

Si Mark allen si aljon at si mark jay mahigit 4 na taon na kaming magkakaibigan. 4 na taong habulan 4 na taong galaan 4 na taong lokohan 4 na taong harutan,asaran, balibagan,suntukan,tadyakan,yakapan at kung minsan... .halikan.

Nung akoy 6 years old meron akong naging kalarong makapatid si hansel and gretel... Si hansel at si gretel ay nasa fairy tale kaya imposibleng makilala ko sila. Ibig sabihin nagjojoke lang ako ibig sabihin naloko kita... Kaya tawa ka. Mga lima.

.... matagal din bago ko ulit nadugtungan itong walang kwentang kwento na ito. maraming nangyari sa mga lumipas na araw... kasabay din nito ang pag lipas ng mukha ko...

paalala : bago ka magpatuloy sa pagbabasa siguraduhin mong natuwa ka sa mga nabasa mo sa nobela na to.. INTRODUCTION PALANG ITO..
KAYA

BABALA!!

ngayon..

sigurado kana talaga..

na magaaksaya ka pa rin ng oras

sa pagbabasa nito.. ehh

magsisimula na ako

in

5

4

3

2

1

0

Next page please?!

blankoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon