alpha omega

20 1 0
                                    

Sino bang hindi gustong maibalik ang nakaraan? Lalo na yung kabataan mo.. pa,

Siguro meron mga taong hindi ganun kasaya ang buhay nila nung mga bata sila,

Meron ding may masamang karanasan sila nuon kya ayaw na nila alalahanin pa..

Pero ako halo halo, ang mga naranasan ko noon, may sobrang lunkot at may sobrang saya..

Ito kasi yung mga panahong buhay,  masigla at malakas pa ang aking mga magulang..

Sobrang saya ko tuwing inaalala ko yung kabataan ko eh, yung hindi pa ako depressed yung hindi kopa iniisip yung pera, yung hindi ko pa naiisip yung sakit ng mabigo sa pag-ibig, yung hindi ako napepressure kung ano ba ang gagawin kong career sa buhay..
Marami eh..
Madami akong prinoproblema ngayun..
Itong mga panahong ito...
Nagkakaroon na ako ng depression, hindi ito imbento lang, nakawala na ako nun sa aking depresyon pero ngayun bumabalik nanaman..

Naiisip kong tapusin ang aking paghihirap.. tutal
Nandun na naman sa kabilang buhay yung mga pinakamamahal ko sa buhay..

Nawawalan akong ng gana sa maraming bagay, ni hindi na ako nakakapagtrabaho ng maayos.. di na rin normal ang oras ko ng pagtulog..

Minsan alas tres ng umaga o alas kwatro gising pako..

Hindi ko alam.. anong mangyayari sakin pag lumala pa to..

Baka tuluyan akong mabaliw, oh baka makipag kita ako sa lubid na naka tale sa kisame..

Wala rin akong nakakausap..
Wala akong kaibigan na masasabihan ng problema.
Kinalumutan narin nila ako..

Kasi wala silang mapapala sa akin.
Ayoko din magsabi sa mga kapatid ko kasi marami din silang prinoproblema..
Ayoko na dumagdag..

Sinulat ko ito kasi baka ano mang oras, ay mawala na ako..

Lalo na ngayun

May salot na bumabalot sa buong mundo..
Epidemia..

covid19, abril na ngayun pero, pataas parin ng pataas ang bilang ng mga kaso at namamatay..
Parang gusto ko sumabay sa kanila..

Marami pang dadarating na sakuna, at di hamak na mas nakakatakot pa..

Lahat yan ay nakikita ko nuon pa sa mga panaginip ko..

Mga premonisyon..
Pero wala na akong pakialam, kasi diko naman yun mapipigilan.

Isa pa ito sa nakakadagdag ng problema ko, mga panaginip ng sakuna at trahedya. Mga di maipaliwanag
Tingin ko gawa na rin ito ng depression ko. kya kung ano ano napa-panaginipan ko.

Ewan.. koba
Gaya nga ng sabi ko sa sitwasyon ngayun ng mundo walang kasiguraduhan ang kaligtasan ng buhay mo..

Ngayun ay 17 ng oktubre
Gusto kolang magpasalamat ng marami sa special na tao na dumating sa buhay ko..

Maraming salamat at nandyan ka hiling kolang sa maykapal na gabayan ka at ilayo ka sa sakit at karamdaman..

Maabot mu lahat ng pangarap mu magtiwala ka sa kakayahan mu,
Kya muyan kaya natin to..
Laban pa laban pa.

Ps nag mamahal "nick"

"Ano man ang mangyare maging kami man sa huli oh hindi pagdarasal at hinihiling ko maabot nya pangarap nya..
At Magkaroon ng magandang buhay"

Kapag gusto mo ang isang bulalak pipitasin mo ito ay i-uuwi.
Pero kapag love mo ang isang bulaklak di muyun kukunin.. tutulungan mo itong
Lumago .
.( tinagalog kolang yung quotes. Pasensyahan nyu na .)

Matagal nakong nagiisa sa buhay..
Akala ko talaga wla ng darating ih.. tang ina.. natatawa nlang ako sa sarili ko..

Kahit ilang beses ako ma reject di parin ako nawawalan ng pag-asa..
Di nga ba? Syiempre naisip korin wag na maghanap at isarado na ang pagkakataong makakilala pa..

Diko naman akalain may darating,
Hindi man kasing romantic ng telenovela ang pagkakakilala namin..

Masasabi ko paring its destiny.

Pag pasensyan nyu na Kung medyu cheesy ako ngayun..
Muntik narin nga ako tukain ng daga..

Pwede nyo ko ipalo sa pader. Kung gusto nyu..

Ano na nga ba lagay ng mundo ngayun?
Ganun parin. Masalimuot wla naman pinagkaiba ..

Yung mayaman ay mayaman padin
Ang mahirap ay mahirap parin
Ag pinagkaiba lang,  ngayun ay may pandemya.
Halus buong taon ganito tayo..
Sa ngayun lumalabas kung sino ang tunay na madeskarte at sa hindi..
Kase mahirap na kumita ng pera noon
Mas mahirap lalo ngayun.

Pagkatapos ng pandemyang ito malaki ang mababago sa pananaw ng bawat isa
Kung pano sila mabuhay.. ang kung pano nila pahahalagahan..
Ang mga bagay na meron sila.

Isipin mu milyon milyon ang nangamatay sa pandemya..
Pero maswerte ka kung nababasa mopa to ibig sabihin buhay ka pa..
Kung sakali nga namang mabasa nyu to..
Malamang patay nako nun..
Diba sumisikat ang nobela kapag patay na ang author?

Ang tanong ano bato?
Sinusulat ko? Nobela? Biyograpiya?
Diary? Diarhea? Ewan wala na ako pakialam sa punctuation oh sa grammar at sa miss spelling nito..

Wala naman magbabasa nito..
Kaya kung sino man nagkainteres basahin ito salamat, At patawad kase wala kang napala.

Pero gwapo ako..
Dun palang panalo kana.


Ano ba Nagustuhan kya sakin..
Na hindi nakita ng iba?

Yan ang gusto malaman sa ngayun.

At gusto korin malaman kailan...
Kailan ko matatapus itong aking sinulat
Walong taon kona itong sinusulat..
At palagi ko sinasabi na tatapusin kolang ito kapag sinakal nako ay este kinasal.. nagkapamilya na.

Ang tanong ay bakit?
Bakit ko tatapusin ang pagsusulat nito..
Kapag may asawa nako at anak..

Ang titulo ay blanko..
Blank, wala, walang laman , empty.. may "kulang"

At sa panahon na may sarili nako pamilya ..hindi nako "kulang" hindi na "blanko".
Hindi na blanko ang buhay ko..
Kumpleto na..
Kya nga fill in the blanks _____

Nasagot na ang tanong.. may fill na yung blanks . Kumpleto na
I chechek na ni teacher yung test paper ko..

Tatakan pako ng tatlong star sa kamay..

Naalala ko tuloy dati..

Nung kindergarten days..
Pag may tatak ako star.. pinapakita ko agad kay mama ko. Pinagmamalaki ko tatlong star sa notebook ko.. tapos sabay hingi ng tatlong piso.
















Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

blankoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon