teenage love affair

73 0 0
                                    

Highschool ako nun (of course lagi naman eh)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Highschool ako nun (of course lagi naman eh). ng mangyari ang nakakaboring na mga pangyayari sa buhay ko.

pa piyok-piyok ang boses at hair-style na pa palit-palit,
Pulbos sa mukha konting bling-bling at pimples , dahil pimples ang pangunahing id or requirements...

At...

VOILA!!! Congrats!!!

teenager kana! Sa wakas tapos na ang bangungot mo sa pagpapa-tuli, Na tinagurian kong "summeryexecution". Dahil summer o bakasyon nangyayari ang bangungot ng karamihan sa mga kabataang lalaki.

PERO CHANGE TOPIC NA AGAD!

Baka kasi kung saan pa mapunta ang kwentuhan....

Saan ko ba sisimulan?...
Ok first day of school (as usual.)

Ang una kong inisip pagaka-pasok sa bagong room ay kung sino yung pinaka-magagandang babae na pwedeng makatabi.

Pero di ko nagawa umupo parin ako katabi ng lalaki na mukhang nakahanda nang maging top 1 ng klase.

Ayus naman yung mga nakatabi ko nung first day, ay sila rin naman ang naging mga katropa ko kalaunan.

Itago natin sila sa pangalang troy,dennis at ryan si troy ang pinakamatalino at minsan matalinaw din, si dennis ang pinaka friendly, "friendly neighborhood spiderman" at si ryan ang matured at "romantikong unggoy."

Isang boring na araw nagsimula ang boring na kwento.

Recess time nun, kwentuhan habang nag kakainan ng kanya-kanyang baon. Ng si dennis tinukso itong si troy ...

Dennis: pssst.. Uy troy nakatingin na naman sya dito. Oh tsk! tsk!

Troy: sino? Sino nanaman. Aber?

Dennis: si ano. Siii .. jen. Tingnan mo pansinin mo.

Troy: ha? Si jen?! Oh ano namang masama dun ha?

Dennis: kasi napapasin kong madalas sya tumingin dito sa pwesto natin. Hehe

(si jen isang napaka tahimik pero matalino at higit sa lahat maganda. "Apple of the eye" ika nga nila)

(Nakaupo kami sa likod tapus si jen sa front row. )

Troy: minamatyagan mo ba sya? May gusto ka yata sa kanya ehhh!?

Dennis : tanga! Wala no! Nagagandahan lang ako sa kanya.

Troy: edi inamin mo din?! Kupal kadin no?

Dennis: Pero sa tingin ko ikaw ang tinitingnan nya dito, baka ikaw ang gusto!

(pumasok na ako sa usapan. )

Nickira: sino? Sinong may gusto? Sali naman ako dyan sa tsismisan nyo!.

Dennis: alam mo kasi, pansinin mo madalas sumulyap dito sa pwesto natin si jen, sa tingin ko si troy yung gusto nya. Hehe

Troy: gago! mga palusot mo! Sus! May gusto ka kasi dyan kay jeeeen.... kaya lagi mong pinapanseeen. Wehhh.

blankoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon