"blanko the beginnings"

112 2 1
                                    

Meron akong katanungan na matagal ko ng gustong malaman ang kasagutan.

Isang palaisipang matagal ng sumasagi sa isip. Misterio ito para sa akin o baka narin sa iba. Walang nagtatanong walang napapaisip.

At ako lang yata ang unang nakapasin sa kababalaghang nagsimula sa kantang madalas awitin ng mga musmos.

"Asawa ni marie araw-gabi walang panty."

bakit yung asawa ni marie walang panty?

Sino yung asawa ni marie?

At lang hiya naman !oh !!Alam ba ni marie na ang asawa nya ay nagsusuot ng panty?

Pero ang mga katanungan na misterio sa akin dati ay nasagot na! Ng maring ko ang kantang

. . . .

"jollibee,jollibee umutot si jollibee nag palit ng panty!"

-end-

lesson: hindi lahat ng joke nakakatawa at hindi lahat ng nakakatawa ay joke.

meron akong inspiring na kwento tungkol sa lovelife ko? na siguradong mag papagoodvibes sa inyo.

para sa mga taong nasaktan sa pag-ibig. at nabroken heart at nabasted..

meron ako trivia...

nung elementary days nagka-crush ako sa classmate ko.. maganda sya at tsinita. pero napakabata ko pa noon kaya di ko pa alam na crush na pala ang tawag dun..

at ang maganda pa dito yung crush ko, crush naman ang kaibigan kong member din ng f4...

cool..!!!!

pag tungtong ko ng highschool 2nd year ako nun ng magka crush uli sa isang kaklase. maliit lang sya pero ang cute nya may kamukha syang artista na maganda, sexy ,maputi at cute din kaso patay na..

itong crush ko na ito ang nagpatunay sakin na pag may inspirasyon ka ehh gaganahan ka mag-aral at pumasok sa eskwela, Kahit na walang baon at walang pasok..

sabi ko sa sarili ko.. "ito pala yun ang sarap ng feeling kahit na di ako makatulog.. at di na makakain, tagyawat sa ilong pati sa pisngi.....

sa kakaisip sayo tigyawat lumalakiiiiiiiii..."

repeat refrain.

gumanda mga grades ko nun dahil inspired ako.. perfect din ang attendance... ayos na ko nun kaso...

may dumating na bagyo ang pangalan. "history repeats its self" nang magakadevelopan ang crush ko at ang kaibigan ko...ulit!

buti nalang at naging sila.. sa harap ko pa sila nagliligawan.. ANLUPIT!!!!...

grabe ang hirap sa pakiramdam na yung project mo na pinaghirap eh hindi tinangap ng titser mo dahil deadline na.... pinagpuyatan mo pa man din.

ang saya yung tropa ko syota na yung crush ko... san ka pa!

tandan-tanda ko nun hinihingi na ng kaibigan ko dun sa crush ko ang matamis nitong oo.. pero pinag iisipan pa talaga nya,

Kaso kitang kita ko sinusulsulan pa sya ng classmate naming sulsulerang -babae! " sige na sagutin mo na sya uyy sige na."

balak ko na sana i "uppercut" yung kaklase namin na sulsolera. ng na pansing ko napatingin sa akin yung crush ko. seryoso yung mukha nya. tinignan ko rin sya pero iniwas nya ang tingin nya sa akin... nung mga sadaling yon.. bulong ko sa sarli..." wag wag mo sanang sagutin.. wag mong ibigay ang matamis mong oo ako.. nandito lang ako matagal nang nagmamahal sayo.. di mo ko kailangang mahalin.. dahil para sa kin hindi give and take.. kundi give ang give more.. ng dahil sayo gumanda grades ko lalo na pag pinapakopya mo ko. ng dahil sayo natuto akong sumali sa poster making contest.. at hindi nanalo.. dahil sayo natuto akong mag aral ng mabuti.. natutong magmahal natutong ngumiti at natuto akong maligo... sana lang malaman mo...

blankoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon