Revelations

88 1 1
                                    

-May 16 2016-

Nanaginip ako kelan lang sobrang lungkot.. Inisip ko na sana panaginip lang, pero totoo.

Gumising ako ng mayroon ng tumulong luha sa mata ko, mabigat ang pakiramdam tuluyan na akong umiyak..

Di ko pa naranasan yun sa tana ng buhay ko, ngayun palang mahilig ako matulog, kahit nga dilat na mga mata ko ay tulog parin ako.

Magulo ang utak ko ang daming pumapasok na mga kaalaman mga ideya na wala naman mahalagang pagagamitan, ang laki kasi ng ulo ko.

Minsan nga naisip ko baka alien ako pero hinde, masyado akong gwapo para maging alien.

Isa akong "menoposal babies" sinilang ako kung kailan malapit ng mag menopose ang mommy ko.

May mga nagsasabi daw na ang mga menopose babies ay mga talented or gifted, kaso karamihan yata sa kanila ay sakitin.

Baka nga totoo kasi marami din akong talent gaya ng pag papagalaw ng tainga, pag abot ng dila sa siko, kaya kong gumawa ng kotse ni batman gamit ang goma, magaling ako sa larong langit-lupa, marunong akong sumipol, kaya kong manghuli ng langaw, kaya ko rin gumawa ng origami, kaya kong magpalobo ng laway, kaya ko magpalobo ng sipon at kaya kung magpalobo ng laway at sipon ng sabay!

Pero joke lang..

Magaling ako magdrawing, marunong akong magitara, sumusulat ako ng kanta, sumusulat ako ng kwento, marunong ako sumayaw, marunong ako mag moonwalk, marunong akong kumanta?
Marunong akong mag magic, marung ako mag fliptop?
Marunong ako manahi..

Pero aanhin mo mga talentong yan kung hindi mo mapapakinabangan sa buhay..

Kung construction worker ka magagamit mo ba ang galing mo sa pag gigitara?

Kung driver ka magagamit mo ba ang talento mo sa pag sayaw?

Kung pulis ka magagamit mo ba ang galing mong sumulat ng kanta?

Kung janitor ka magagamit mo ba ang galing mong magdrawing sa pag lilinis?

Kung magtataho ka magagamit mo ba ang talento mo sa pag kanta?

Ang sagot ay nasa "social media"

Dahil sa social media lahat posible na! talaga?!

May sumusikat na sicurity guard na maganda ang boses

May sumisikat na constraction worker na rakista

May sumisikat na traffic in forcer na magaling sumayaw

At marami pang iba, dahil kung talentado ka talaga ay lalabas at lalabas ang kakayahan mo itago mo man o hinde..

Pero may sumisikat na wala namang talent..

Of course siguro sa gandang lalaki gaya ni carrot man o nang kung sino man..

Kung di talented ehh gwapo ka o kung di kanaman gwapo ehh talented ka.. Pantay lang...

Pero pantay nga ba talaga?
Bakit may mga taong may talent na nga gwapo pa tapus mayaman may magandang trabaho, maganda ang kalusugan, matalino at kumpleto ang pamilya..

May pinoproblema pa kaya sila? bakit kaya?

Baka Hindi pantay-pantay ang tao, parang ngipin ko lang.

-may 30 2016-

Muntik na ako ma pa-away, badtrip kasi yung lalaki sa sakayan ng jeep.

Gusto ko kasi umupo dun sa unahan katabi ng driver yung jeep kasi parang L300 meron syang pintuan, bunubuksan ko pero ayaw bumukas nakalock ata, wala pa yung driver sa loob.

blankoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon