BLACK BLOOD ACADEMY: RAIN JENSENS IS NOW UP FOR PREORDER! CLICK THE ORDER FORM IN THE EXTERNAL LINK AND FILL UP THE FORM. ACCEPTING OF ORDERS AND PAYMENTS WILL LAST UNTIL OCTOBER 19, 2017.
BOOK DETAILS:
PAPER: WHITE
SIZE: 5X8
EXTRAS: TOLD IN A DIFFERENT MANNER. BOOKMARK INCLUDED. LIMITED EDITION (NO BATCH 2 IF BATCH 1 WILL ONLY REACH SINGLE DIGIT ORDERS). NO MAXIMUM ORDERS FOR BATCH 1.
FOR CONCERNS DO CONTACT ME AT HEARTRUINER AT GMAIL.COM OR VISIT THE FOLLOWING PAGES FOR UPDATES:
BLACK BLOOD ACADEMY: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM/BLACKBLOODACADEMYSERIES
HEARTRUINER STORIES: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM.HEARTRUINERSTORIES
WEBSITE: HEARTRUINER.WEEBLY.COM
ORDER FORM CAN BE ACCESSED ON THE EXTERNAL LINK OR SIMPLY VISIT http://bit.ly/2veeEZK
***
HUMIMPIL ang sasakyan sa tapat ng napakatayog na gate. Awtomatikong bumukas iyon. Agad na ipinasok ni Rain ang kotse at
tila gusto pa nga nitong paliparin iyon sa sobrang bilis ng pagpapaandar.
Gusto na ba niyang patayin kami? Marami pa akong pangarap, aba! At hindi kasama ro'n ang mamatay kasama siya! Paghihimutok ni Vina sa isipan.
"Get down."
Hindi gumalaw si Vina mula sa kinauupuan kahit malinaw sa kanyang pandinig ang kalakip na utos sa sinabing iyon ng lalaki. Mukha rin namang walang balak makipagbiruan si Rain sa kanya at sadya nga yatang umigsi na ang pisi ng pasensya nito.
"I said get the hell down!"
Napakurap si Vina sa sigaw na iyon ni Rain. Ngunit patuloy siyang nagmatigas. Bakit naman kasi siya bababa ng sasakyan? Malay niya ba kung ano'ng meron sa loob ng mansyon na iyan? Baka mamaya tsugiin siya r'yan ng wala sa oras. Ay, ayaw niya no'n. Marami pa siyang pangarap sa buhay.
"O-oy! Ooooyyyy!" Napatili si Vina nang biglang bigla ay buhatin siya ng binata.
Pipiglas sana siya nang makita niyang may mga nanonood sa kanila at ang iba roon ay binabati pa nga siya. Hindi niya malaman kung ano'ng magiging reaksyon doon kaya't nanahimik na lamang siya at nagpadala sa trip ng binata. Si Rain naman ay deadma lang, tila sanay na sa ganoong klaseng pagbungad.
Nang pagpasok sa mansyon, may isang lalaking sumunod sa kanila. He was smiling politely at her ngunit nang tawagin ni Rain ang pansin nito'y napapitlag ang lalaki na para bang bigla ring natakot.
Ah, feel you, buddy. Same here.
"Roy," untag ni Rain sa lalaking sumusunod sa kanila papasok. Ang tigas ng boses ng binata. Naikunot ni Vina ang noo. Kapag ganoon ito magsalita, parang nakakatakot kausap si Rain.
"Y-yes, Alpha?"
"Get the chains from the dungeon, install them to my bedroom."
Nanlaki ang mga mata ni Vina sa narinig at sumasal ang kaba sa dibdib niya. Ano'ng ibig sabihin niyon?
"Po... Alpha?" At mukhang hindi naman siya nag-iisa sa reaksyong iyon. Parang hindi rin naunawaan ni Roy ang sinasabi ng kanyang Alpha.
BINABASA MO ANG
Black Blood Academy: Rain Jensens (Published)
Werewolf"Walls have ears. Doors have eyes. Trees have voices. Beasts tell lies. Beware the Rain. Beware the snow. Beware the man you think you know." Vina Ray Castalia hates the rain. She has an unexplainable aversion to rainy days - something she didn...