This is A Rant, Not An Update!

5.3K 109 11
                                    

Pissed off.

Bakit? Hindi ko ine-expect na gano'n pala talaga kagaling ang mga readers sa Wattpad. Imagine, hindi na ako nag-distribute ng soft copy, meron pa ring naglabasan? Sa 4shared pa lang sangkatutak na ang copies ng The Life Of A Secret Agent, The Cyathea, How To Be A Princess 101 at Princess Enemy. Doon pa lang ako tumingin, wala pa sa ibang site.

Ang sakit lang kasi sa loob.

Mag-a-update dapat ako today. Pinipilit kong tapusin ang Black Blood Academy para mabigyan kayo ng panibagong kwento, hoping that you will enjoy it too despite my toxic schedule. Ang hirap pong gumawa ng update sa totoo lang lalo na't wala kang time mag-type dahil sa nag-eedit ka kasabay ng pag-aaral. Pero para sa inyo at para sa ikatutuwa ko ginagawa ko 'yon. Pinipilit ko. Pero bakit gano'n?

Ang sakit lang kasi sa loob, guys. Bago ko naman pinost sa compilations ang finished stories ko, nasabihan naman kayong bawal i-distribute iyon into a soft copy hindi ba? Bakit ginagawa n'yo pa rin? Libre na nga dito oh. Internet na lang ang kailangan n'yo. 'Yong TLOASA, kahit na-publish na hindi ko pa rin tinake down dito ang kopya dahil may konsiderasyon ako sa mga hindi makakabili. Bakit kailangan n'yo pang gawan ng soft copy ang mga pinaghihirapan kong kwento? Hindi pa ba sapat na published na ang mga ito at pwede nyo nang mabasa kahit anong oras n'yo gustuhin? Kung hindi man kayo makabili, basahin n'yo sa Wattpad ng libre. Hindi ko naman inaalis iyan d'yan.

Kayong mga naglagay ng copy na 'yan sa 4shared, alam n'yo kung sino kayo. I-take down n'yo na po, please. Kapag ang mga iyan ay nai-surrender ko na sa publishing ko at nalimbag, mas lalo kayong mapapahamak. That's a serious breach of copyright infringement. 

Sana wala nang gumawa muli nito. Stop disappointing me, guys. Pumasok ako sa Wattpad to share beautiful things and stories with you to make you happy. I hope you return that same favor to me. H'wag ganito.

Black Blood Academy: Rain Jensens  (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon