BLACK BLOOD ACADEMY: RAIN JENSENS IS NOW UP FOR PREORDER! CLICK THE ORDER FORM IN THE EXTERNAL LINK AND FILL UP THE FORM. ACCEPTING OF ORDERS AND PAYMENTS WILL LAST UNTIL OCTOBER 19, 2017.
BOOK DETAILS:
PAPER: WHITE
SIZE: 5X8
EXTRAS: TOLD IN A DIFFERENT MANNER. BOOKMARK INCLUDED. LIMITED EDITION (NO BATCH 2 IF BATCH 1 WILL ONLY REACH SINGLE DIGIT ORDERS). NO MAXIMUM ORDERS FOR BATCH 1.
FOR CONCERNS DO CONTACT ME AT HEARTRUINER AT GMAIL.COM OR VISIT THE FOLLOWING PAGES FOR UPDATES:
BLACK BLOOD ACADEMY: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM/BLACKBLOODACADEMYSERIES
HEARTRUINER STORIES: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM.HEARTRUINERSTORIES
WEBSITE: HEARTRUINER.WEEBLY.COM
ORDER FORM CAN BE ACCESSED ON THE EXTERNAL LINK OR SIMPLY VISIT http://bit.ly/2veeEZK
***
PILIT na hinahatak ni Vina ang kadena sa mga kamay niya. Ngunit gaya ng mga ilang pagkakataong sinubukan niyang gawin iyon,
walang nangyari. Napipikon na siya sa kalansing ng bakal niyon. Kada galaw ay tutunog, mag-iingay. Pakiramdam niya'y masisiraan na siya ng bait. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na makukulong siya sa isang mansyon na panay taong-lobo ang nakatira at ikinadena pa siya sa kama!
"It'll hurt you. Stop pulling it like that."
Tinignan niya si Rain, galing itong banyo. Muntik siyang tumili nang makitang nakahubad ang binata at tanging tuwalya lamang ang nakatapis sa baywang nito. Pakiramdam nga niya'y mahuhulog pa iyon.
Hindi niya tuloy maiwasang mapatitig sa katawan nito. My but he's really fit. Akala niya'y namamalik-mata lang siya noon sa kakahuyan. But he really has that body of a GQ model. Broad shoulder, six pack abs. Shit. The abs. Man but he's very ripped down there!
Sayang nga lang. Baliw kasi. Sayang ang katawan kung may sayad naman ang utak.
"Ibuhol mong maigi 'yang tuwalya na 'yan at baka dumulas. Magkakasala pa ang mga mata ko," hirit niyang nginisian lamang naman ng binata.
"Wala namang problema kung ibabandera ko sa 'yo ang katawan ko. It's free, all yours." Pagkatapos ay parang akmang tatanggalin nito ang buhol ng tapis.
Nanlaki ang mga mata ni Vina. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Shit na malagkit! Balak niyang maghubad sa harapan ko!
"H-hoy! Ano'ng gagawin mo?"
"Magbibihis," tila wala lang na sagot ni Rain. Napangiwi si Vina.
"What? H'wag sa harap ko!"
"Why not? That would be very fun, don't you think?"
"Ano'ng fun? Fun-fun-in ko 'yang mukha mo! H'wag mong tatanggalin 'yan! Rain! Utang na loob! H'waaaag!"
Pinikit niya ang mga mata niya. Sa isip-isip niya, hindi siya maaaring magkasala! Hindi pweeeede! May bahid-dungis na nga ang labi niya dahil sa paulit-ulit na pangha-harass ng lalaking ito, eh. Aba, sobra naman na kung hahayaan niya pang pati ang utak niya'y dungisan nito ng kahalayan.
"Are you decent now?" mayamaya'y tanong niya. Nanatiling nakapikit ang mga mata niya. Ayaw naman kasi niyang basta na lang magdilat at baka may kung ano pa siyang makita.
BINABASA MO ANG
Black Blood Academy: Rain Jensens (Published)
Werewolf"Walls have ears. Doors have eyes. Trees have voices. Beasts tell lies. Beware the Rain. Beware the snow. Beware the man you think you know." Vina Ray Castalia hates the rain. She has an unexplainable aversion to rainy days - something she didn...