Chapter 4

136 5 0
                                    

Chapter 4
Heartbeat

Natataranta na ako dahil hindi ko mahanap ang cellphone ko! Saan ko naman kaya itinago iyon? Think Rielle! Fuck this! Bakit ba sobrang makakalimutin ko na eh ang bata-bata ko pa naman?

Inisip ko ng mabuti kung saan ko huling nilagay iyon. Agad akong lumabas ng kwarto ng naiwan ko iyon doon sa gubat kasama ng pantali ko!

"Nay! Aalis muna ako saglit!" Sigaw ko. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Nanay.

Tumama pa ang siko ko sa pintuang kahoy sa labas dahil sa sobrang pagmamadali.

"Ate Rielle!" Hindi ko na pinansin pa si Andeng at ang mga kasama niya dahil tumakbo na ako sa loob ng gubat.

"Damn it!" Mura ko matapos ang ilang oras na paghahanap. Inabot na ako ng gabi pero hindi ko nakita ang cellphone ko. Pwedeng may dumaang tao dito at napulot iyon, but fuck! Mukhang wala namang taong dumadaan o naliligaw dito dahil nga private property ito!

Umuwi ako ng bigo. Sermon pa ang inabot ko kay Nanay dahil hindi daw ako nagpaalam sa kanya tapos gabi pa ako umuwi. Letse naman oh!

Naramdaman ko ang ilang pares na matang nakatitig saakin simula ng bumalik ako dito sa bahay. Si Andeng at ang dalawa niyang tropa na sina Fernan at Ralph. Nakatunganga habang titig na titig saakin. Anong problema ng mga ito?

"A-ate? Gumanda ka lalo kapag nakalugay ang buhok mo. Ngayon lang kita nakitang hindi nakatali!" Manghang sabi ni Andeng at hinaplos pa ang mukha ko.

"Pahiram ng pantali." Sabi ko. Mabilis naman niyang ibinigay ang pantali na nasa palapulsuhan niya. Ang dalawa niya namang kasama, nakatitig pa rin saakin. Kung hindi ko lang sila pinandilatan ng mata, hindi pa sila kikibo at kumaripas ng takbo palabas.

"Ate, may inuman kami diyan sa may tindahan. Bigla ka nalang umalis no'ng isang gabi eh."

Pinagmasdan ko si Andeng. Hanggang balikat ko lang siya, medyo chubby at maangas tingnan. Pansin ko din na palagi niyang suot ang itim na sombrero. Kadalasan, mga lalaki ang nakikita kong kasama niya.

Sa kabilang eskinita ang bahay nila. Malapit lang dito kaya palaging naka-tambay sa kanto.

"Ilang taon ka na nga ulit?" Mataman kong tanong. Napaatras naman siya dahil sa lamig ng pagkakasabi ko no'n. I don't want to scare her, alright? It's just that, everytime I speak in a serious manner, natatakot sila. Ano nalang ang gagawin ko? Should I shut up and don't talk anymore? Baka naman mapanis ang laway ko neto?

"S-sixteen, ate." She stuttered.

"Sixteen? And you're allowed to drink?"

"Katuwaan lang naman, Ate. Saka, minsan lang, kapag may okasyon. Bakasyon naman ngayon kaya hindi na kami makakainom kapag pasukan na." Katwiran niya. "Labas ka nalang mamaya ah? Birthday kasi ni Sofia kaya iinom kami."

Aalis na sana siya nang tawagin ko.

"May mga tao bang dumadaan doon sa loob ng gubat?" Tanong ko.

"Gubat? Sa may El Dorado?" Tumango ako ng bahagya. "Wala namang nangangahas na pumasok doon eh. Bakit, Ate? Doon ka ba galing kanina?" Nahimigan ko ng takot ang kanyang boses.

"Wala namang nagbabantay."

"Ate naman! Bawal pumasok doon. Kung hindi ka pagmumultahin, baka makulong ka! Paano kung may nakakita sayo doon? Lalo na kung ang nakahuli sayo ay ang may-ari? Ano nalang ang mangyayari sayo?" Sunod-sunod na sabi niya, nag-aalala.

What? Si Cross lang naman ang nakakita saakin doon eh? Paano kung isumbong niya ako sa may-ari? Mukha pa namang tsismoso ang lalaking iyon. Teka...pumasok din naman si Cross ah?

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon