Chapter 14

104 3 0
                                    

Chapter 14
Gift

"Hi Ate Rielle!"

Tinanghali na ako ng gising. Paglabas ko naman ng kwarto, tumambad sa akin ang hindi inaasahang mga bisita. Nataranta akong inayos ang aking sarili. Sinuklay ng daliri ang magulong buhok, pasimpleng hinaplos ang mukha at inayos ang damit.

Senyorita Venice is wearing her beautiful smile. Beside her is a very elegant and gorgeous woman,Ma'am Alena. Prenteng nakaupo naman si Senyorito Cross sa upuang kahoy, at nang makita ako ay bigla siyang tumayo. Pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. I saw him touch the side of his lips then smirked tapos nag-iwas ng tingin.

"Good morning, hija."

"Good morning,Ma'am. Senyorita Venice, glad you're fine now." Pareho ko silang kinamayan at nag-alinlangan pa akong bumaling kay Cross. "S-senyorito C-cross." Ngumisi lang siya saakin na para bang may nakakatawa. Syempre, ngayon ko lang nagawang igalang siya.

"Kanina pa sila dito, Rielle. Bakit ang tagal mong gumising?" Si Nanay.

"Hayaan niyo na ho, Nay Wilma. Kami naman ang may sadya sa kanya." Si ma'am Alena.

"Pasensya na ma'am. Anong oras na po kasi natulog itong si Rielle kagabi. Ewan ko ba kung ano ang pinagiisip. Simula no'ng gabing umuwi dito, tulala na at hindi makausap—"

"Nay!" Pigil ko sa kanya. Nagkamot pa ako ng ulo dahil sa kahihiyang natamo.

"Baka naman ho, Nay maraming manliligaw itong si Rielle kaya nalilito na kung sino ang pipiliin?" Biro ni Ma'am Alena.

It's not funny, woman!

Dumako ang tingin ko kay Cross. Mariin ang titig niya kay Ma'am Alena papunta saakin. Umiwas agad ng tingin pero naka-kunot pa rin ang noo kaya kinabahan ako.

Isang linggo na no'ng huli kaming magkita tapos ngayon naman na nagkita kami, hindi niya naman ako matingnan sa mata. Is he mad at me for turning him down? And heck! I know that he was just bluffing when he said he likes me! And I don't give a shit if he's telling the truth or what, I don't care!

"Babalik na lang kami. You can sleep again, Rielle." Malamig na sambit ni Cross at umambang tatalikod nang magsalita ako.

"Maupo na muna po kayo, Ma'am." Sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya pero naramdaman kong tumigil siya sa hamba ng pinto.

Nagtimpla ng kape si Nanay Wilma para saamin at umalis din agad para magluto ng tanghalian. Ako naman, kabado sa kung ano ang mapag-uusapan namin.

"We're sorry about the last time we talked, hija. We didn't mean to offend you. Gusto lang namin tumulong sayo bilang kabayaran sa pagligtas saamin. Hindi tayo masyado nagkaintindihan noon, at humihingi kami ng tawad sa nangyari." Si ma'am Alena.

"Ayos na po, ma'am. Hindi naman kailangan. Tulad ng sinabi ko, ginawa ko lang ang tama. Gagawin ko din naman iyon sa iba pang nangangailangan ng tulong ko. Pasensya na rin po sa inasta ko." Sabi ko naman.

Hindi inaasahang dumako ang mga mata ko kay Senyorito Cross at nakita ang pagparte ng kanyang mga labi.

"Thank you, hija. Pero hindi sapat 'yon. So we decided to give you full scholarship. Hanggang sa maka-graduate ka ng college, hindi mo na po-problemahin ang tuition fee mo."

"P-po? Naku, ma'am. Hindi naman po kailangan. Hindi naman na ho ako mag-aar—" Natigilan ako. Naisip ko si Nanay. Sabagay,kung tatanggapin ko ito, hindi na mahihirapan at mamomroblema si Nanay sa babayaran sa tuition fee ko. Ubos na ang pera ko dahil nagbayad na ako ng tuition ngayong taon. Paano sa mga susunod? Saan na ako kukuha? Hindi naman pwedeng umasa ako kay Nanay.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon