Chapter 21

55 4 2
                                    

Chapter 21
Jealous

"Umuwi ka na." Malamig na utos ko sa kanya.

"Come with me." Seryosong sabi niya.

"Ano? Bakit ako sasama sayo?" Mataray na bulyaw ko.

"Come on, Rielle. Don't make this hard for me. We need to talk."

"We don't need to talk, Senyorito. Saka anong pag-uusapan natin? Umuwi ka na para makapagpahinga na ako." Pagod ako sa pagluluto kanina na hindi mo naman tinikman manlang. Tss.

"Please, Rielle. Be with me. Just...today." Pagmamakaawa niya.

"Ayoko nga diba? Bat ba ang kulit mo! Sabing ayoko eh! A. Yo. Ko!" Sigaw ko sa kanya.

"Please..." Inirapan ko siya at tinalikuran para kunin ang gamit sa loob ng kwarto.

"Tss!" I murmured. Padabog na pinatong ang paa ko sa upuan at saka sinuot ang sapatos sa harapan niya.

"Magpalit ka muna, Rielle."

"Fuck  you, Senyorito!" Hindi ko napigilang murahin siya at nauna nang lumabas. Pero bago pa ako makalabas, nakita kong may sumilay na ngiti sa kanyang labi.

Sumakay siya sa dala niyang motor sa harapan ko. He was about to put a helmet on me but I grabbed it. Gago!

"Ako na!" Masungit na sabi ko at padabog na umangakas.

"Hold tight, Rielle. Please." Napilitan akong yumakap sa kanya saka umandar na ang sasakyan. I heard him chuckled kaya tinampal ko ang tiyan niya na kasing-tigas pa ng bato. "Sorry."

Mahigit bente minutos ang naging byahe namin. At nang makarating kami sa taas ng burol, bumaba agad ako at tumingin sa paligid. Tanaw ko ang kulay asul na dagat sa ibaba, rinig ang mga huni ng ibon sa himpapawid, ang pagsayaw ng mga halaman at ang malamig na simoy ng hangin ay damang-dama ko.

"I'm sorry, Rielle." Si Senyorito Cross. Nawala ang ngiti sa aking labi at napalitan iyon ng pait.

I laugh mockingly then turned my face to look at him. Sorry for the food I made 'cause it didn't even tiltillate your taste buds? What?

"Bakit ka nagso-sorry, Senyorito?" Hindi ko na napigilan ang sarili kahit alam ko naman na kung bakit. "Dahil ba matabang 'yong niluto ko? Forgiven. Tsk." Mapait na sagot ko sa sariling tanong.

Akmang tatalikuran ko siya nang inangat niya ako at ipinatong sa manibela ng motor niya paharap sa kanya.

"Cross, ano ba?!" Pagpupumiglas ko. Medyo umangat ang suot kong damit revealing my legs kaya nagmadali akong ibaba iyon at tumulong din siya. Fuck! Dapat pala nagpalit ako!

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya but he held my chin making me look at him. Nakatingin lang ako sa aking mga kamay na nakasuporta sa dibdib niya.

"Sorry for not showing up on you for months. Sorry for making you wait for me. Sorry for making you cry. Sorry for being a jerk. Sorry for being so insensitive not to realized that—"

"That what, Senyorito? And who told you I waited you? You don't have to say sorry for me!" Sinuntok ko ang dibdib niya ng isang beses.

"Don't shout, baby please..."

"Galit ako, Senyorito!"

"Galit din ako, Rielle!" Mariin na sambit niya. See? Siya ang nagsabing huwag akong sisigaw pero siya din pala. Gago talaga.

Pumikit siya ng mariin at pagmulat ng kanyang mga mata, ay mapupungay na ang mga iyon.

"Lumuwas ako ng Maynila dahil galit ako. And I regretted it, okay. I realized that I should have talked to you first." Doon na ako napatingin sa kanya.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon