Chapter 3
StunnedDays passed. Hindi ko namalayang mag-iisang buwan na pala ako dito sa probinsya. Araw-araw sumasagi sa isip ko kung nag-aalala ba si Mama saakin at pinapahanap niya na ba ako o ano? But I know the answer to that questions.
Si Mama? Mag-aalala saakin? What a stupid question! Tinawanan ko nalang ang sarili. She never cares for me. Mas gusto niya pa na nasasaktan ako kaysa nasa maayos na kalagayan.
"Rielle!" Napalingon ako sa tumawag saakin. "Halika! Samahan mo ako!"
Sa loob ng isang buwan ko dito, hindi ako lumalabas ng bahay. Nakaupo lang sa isang malaking bato, tanaw ang napakagandang Isla sa gitna ng dagat sa di kalayuan. Nanay Wilma said that's a Trinity Island. The name of the island was derived from the number of islands, tinatawag din nila itong Puro. It was a calm and peaceful paradise and it has exciting overlooking hills with stunning views.
All I can say is that, that was undoubtedly attractive!
"Wala akong trabaho ngayon sa hacienda kaya babanlawan ko lang ang mga ito sa sapa. Gusto mo bang sumama?" Tanong niya ng makalapit na ako.
Binigay niya saakin ang isang basket na may lamang mga damit para bitbitin at sa kanya naman ang malaking palanggana. Ito na ang trabaho ni Nanay simula no'ng umalis siya saamin. Nalaman ko na nagttrabaho siya sa isang Hacienda dito sa Sta. Ines at tuwing sabado't linggo naman ay naglalabada.
"Huwag mo akong titingnan ng ganyan, Rielle. Masaya ako sa ginagawa ko at hindi naman marami ang trabaho ko eh. Magaan lang ang mga ito." Depensa niya nang makita ang titig ko sa kanya.
"May pera ako, Nay. Kaya kon—"
"Itago mo nalang ang pera mo, Rielle. Kakailanganin mo 'yan lalo na at malapit na ang pasukan. Ipagpapatuloy mo ang pag-aaral mo dito. Hindi pwedeng dito ka lang sa bahay."
"Look, Nay. Alam mo naman na hindi ako interesado—"
"Mag-aaral ka, Rielle. Tapos ang usapan."
Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya. She really knows what's best in me so I will let her decide. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad kahit sobrang init. May mga taong dumaraan ang napapatingin saakin,may ilang lalaking kinausap pa si nanay dahil gustong makipagkilala pero hindi ko sila pinansin.
Kahit mainit, mahangin naman kaya hindi ako masyadong pinagpapawisan. Pinagmasdan ko ang mga batang naglalaro sa gilid ng daan, ang pagsayaw ng mga pananim at ang mga taong abala sa kanilang mga ginagawa.
Inilabas ko ang cellphone ko at kinunan sila ng litrato. Kahit mahina ang signal dito, may silbi din pala ang pagdala ko nito.
Nang dumako ang tingin ko sa isang maliit na talyer, nahagip ng mata ko ang isang nakatagilid na lalaking puno ng grasa ang suot na pantalon at walang pang-itaas na saplot kaya kitang-kita ko rin ang pagdaloy ng makikintab na pawis sa katawan niya.
Abala siya sa pagkukumpuni ng isang sirang sasakyan kasama ang isang matandang lalaki.
"Ang tapang talaga ni Chairman Aguirre. Basagin ba naman ang sasakyan ni Senyorito Kier? Ibang klase talaga!" Narinig kong sambit ng matanda. Sinuklian lamang iyon ng lalaki ng isang simpleng ngiti at nagpatuloy na sa kanyang ginagawa.
"Rielle! Dalian mo na!" Hindi ko namalayang tumigil na ako sa paglalakad dahil naagaw ang atensyon ko ng isang walang kwentang bagay.
"Opo! Andyan na!" Sabi ko. Tumingin ulit ako sa talyer at nakitang nakatitig na saakin ang seryosong mukha ng lalaki. Nagsasalita ang kasama niya ngunit tila wala siyang naririnig. His brows almost on straight line now most especially when his eyes drifted on my body.
BINABASA MO ANG
Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)
RomanceLA TIERRA DE CONDE SERIES Series 2 Breaking the StoneHeart SYNOPSIS "No matter how strong a person you are, there's always someone who can make you weak." Balewala lamang kay Rielle ang mga natatamo niyang sugat sa katawan sa araw-araw na pakikipag...