Chapter 10
Mad"Nay, mauuna na po ako." Nagpaalam na ako kay Nanay na ngayon ay naghuhugas ng mga pinaglutuan. Siya ang head ng mga kasambahay kaya palaging pagod sa tuwing umuuwi.
"Mauna ka na doon, tatapusin ko lang ito." Sabi niya at lumabas na ako.
"Even though you're mad, you should be at least polite." Natigil ako saglit. Pero nagpatuloy parin sa paglalakad hanggang sa makalabas na ako.
I shouldn't be here. Anong karapatan niyang bigyan ako ng seguridad without my consent! He should've talked to me first, hindi 'yong nagd-desisyon siya ng hindi ko alam.
"Nasa akin ang mga gamit mo. Kunin mo nalang bukas." Doon na ako napatingin sa kanya. Nasa kanya?
"Bakit hindi mo pa ngayon saakin ibigay?"
"Bumalik ka nalang buka—"
"Bumalik ka sa loob at kunin mo. Hindi na ako babalik dito." Fuck Rielle! How dare you command a Senyorito?!
"Bukas, Rielle."
"Fine!" Pagsuko ko. The side of his lips rose a bit.
May dumaang tricycle. Hindi ko na hinintay pa si Nanay at sumakay na ako.
"Senyorito!" Bati ni manong sa kanya.
"Mang Ren. Kila Nanay Wilma ho." Sabi nito at umandar na ang tricycle.
Hindi ko alam na isa pala siyang Haciendero ng mga Sullivan! At malaya siyang nakakapasok sa El Dorado dahil sa kanila 'yon. I'm so reckless!
Tumigil ang tricycle sa bahay at nag-abot ako ng bayad.
"Ayos na, Neng. Binayaran na ni Senyorito Cross."
Pambihira! Magkakautang pa ako ng wala sa oras! Bakit ba pakialamero siya?
Bumalik na sa dati ang Sta. Ines. Mangilan-ngilan nalang ang mga army na nagbabantay, malaya ng nakakalabas na ang mga residente sa gabi dahil wala na dapat pag ipangamba pero kailangan pa rin naman mag-ingat.
Wala na rin ang mga pulis na umaaligid sa bahay namin matapos ang isang linggo kaya nakahinga na ako ng maluwag. They are such a pain in the ass!
Maaga akong gumising para mag-jogging ulit. Babalikan ko rin ang mga kabibeng naiwan ko.
"Jogging ulit, Rielle? Paano kung may makasalubong ka na nama—"
"Relax, Nay. Iiwasan ko na sila. Ayos na ba 'yon?"
"Siguraduhin mo lang." Sabi niya. "Magpapadala nalang ako ng pagkain mo dito. Umuwi ka kaagad at huwag ka ng lumabas at pumunta sa kung saan." Paalala niya saakin.
"Nay, pakikuha ulit kay Senyorito Cross ang mga gamit ko."
"Hindi nga binibigay saakin ni Senyorito. Gusto niyang ikaw ang pumunta doon at ikaw na rin ang bumalik ng damit na pinahiram niya sayo. Sumama ka na kaya sa akin?"
"Hindi na, Nay." Tanging sabi ko bago ako tumulak na palabas.
Ilang araw na ang lumipas simula no'ng pumunta ako sa Hacienda. Si Nanay ang inutusan ko na kunin ang gamit ko kay Cross pero nabibigo lang ako sa tuwing umuuwi siya na hindi ito dala.
Bakit hindi nalang niya ibigay kay Nanay? Napaka-arte namang Haciendero na 'yon. Saksakan ng kaartehan!
After I did my morning rituals, I decided na magpahinga na muna tutal wala naman akong gagawin sa bahay. Magmumukmok lang ako doon.
Kumusta na kaya si Mama? Probably, she's happy, now that I'm gone. Her bastard daughter is gone. Kaya wala na siyang dapat na ikahiya. She can do whatever she want to do. Makakalabas na siya ng bahay sa wakas. Hindi na siya mahihiyang humarap sa ibang tao. Hindi na niya kailangan pang magtago.

BINABASA MO ANG
Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)
Любовные романыLA TIERRA DE CONDE SERIES Series 2 Breaking the StoneHeart SYNOPSIS "No matter how strong a person you are, there's always someone who can make you weak." Balewala lamang kay Rielle ang mga natatamo niyang sugat sa katawan sa araw-araw na pakikipag...