Chapter 29

42 0 0
                                    

Chapter 29
Miss

Magkasabay kaming pumunta ni Cross sa eskwelahan, tutulong siya sa pinapagawa nilang bagong building na malapit nang matapos. Sinabi niya rin sa akin na hindi niya pa nakakausap si Sofia dahil madalang na lang itong pumunta sa Hacienda. Pero sinigurado naman niya na kakausapin niya ito.

Tuwing sabado at linggo naman, tumutulong ako sa paggugupit ng mga gagawing bandiritas at kung ano-ano pang kailangan sa pista. Maraming mga kabataan din ang aktibo sa nalalapit na selebrasyon. Tulong-tulong sa pag-aayos ang lahat.

"Sorry, may inasikaso lang. Nagmeryenda ka na?" Tumabi si Cross sa akin, hinapit niya ang baywang ko at marahang hinalikan ang ulo ko.

He's wearing white shirt na hapit na hapit sa kanya at board short. Bagong ligo dahil basa pa ang kanyang buhok, nanuot din sa aking ilong ang pabango niya. Napapikit ako at mabilis lamang na dumilat. Hindi lang sa text niya ako obsessed, pati na rin sa amoy niya!

Ibinaba niya ang gunting na hawak ko at hinaplos ang kamay ko.

"You don't need to do this, Rielle. Marami namang tumutulong."

"Hayaan mo na, Cross. Boring sa bahay, wala akong ginagawa."

"Hi, Senyorito." Bati ng mga katuwang ko sa paggugupit. Hindi man lang nila napansin na may kausap 'yong tao!

Iginala ko ang aking mga mata at doon ko napansin ang mga matang mapanuri na nakatingin sa amin. Ang iba naman kahit busy, napapasulyap pa rin at nagbubulungan pa. Nandito kanina si Adair, tumutulong, hindi ko na makita ngayon. Nakita ko rin ang grupo nila Fred na nag-aayos ng barikada, nang makita ako, agad silang kumaway sa akin. Ang mga kaibigan ni Cross na sina Ralph, Fernan, at Kevin na ganoon din ang ginagawa.

Lumapit si Andeng at ngumisi.

"Ate, huwag kang masyadong magpapagod, baka kami ang pagalitan ni Senyorito." Panunukso nito.

"Andeng!" Pigil ko sa kanya. Tinawanan lang ako at bumalik na sa kanyang ginagawa.

"Saan ka nga pala galing?" Tanong ko. Idadagdag ko pa sana kung bakit hindi niya manlang ako tinext kung nasaan siya o kung ano ang ginagawa niya ngunit pinigilan ko ang sarili. Baka isipin niya na naman na obsessed ako which is totoo naman.

"I texted you. Hindi mo nabasa?" Oh!

"S-sorry, nakalimutan ko sa bahay. Hindi ko alam na...magt-text ka." Bulong ko, medyo napahiya.

"Galing akong Rancho. Maraming produktong iaangkat sa Maynila sa makalawa. Bumisita din kasi si Lolo Manuel at si Mayor kaya medyo natagalan akong makapunta dit—"

"Ayos lang, Cross! Trabaho mo iyon at hindi mo kailangang sabihin sa akin lahat ng mga ginagawa mo."

"I'm sorry. I should have told you."

"Ayos lang. Nai-text mo naman, hindi ko nga lang nabasa kasi hindi ko dala. Ayos lang talaga, Cross."

Tumahimik na ako. Nakakahiya lalo na at maraming nakikinig at nakatingin sa amin ngayon.

"Mag-meryenda muna tayo, Rielle."

May sinenyas siya sa kasama niyang driver. Lumapit ito at inutusan ni Cross. May dala na itong dalawang plato na may lamang pansit at tinapay pagbalik. Iyon din ang meryendang niluto ng mga kabataan para sa amin.

"Itigil mo muna 'yan, Rielle. Kumain ka na muna." Sabi nito at pinigilan na ako sa ginagawa. Tumayo siya at kumuha ng juice para sa kanya at tubig naman para sa akin.

"Sasama kang luluwas ng Maynila sa makalawa?" Hindi ko napigilang magtanong.

"Uhmm, maybe. May mga kailangan pa akong pirmahan sa opisina, at may mga meetings din na pupuntahan."

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon