Ano na ang aking gagawin. Kamusta na kaya siya. Mag mula ba ng lumisan ako ay nagawa niya na ang kaniyang pangarap. Paano na kaya ang buhay ngayon sa dating lugar. Kamusta na ang aking mga kaibigan. Kilala pa kaya nila ako. Ang batang tinuturuan ko, alam kong malaki na siya sapagkat ilang taon na rin nang lumisan ako. Ano na lang ang aking gagawin pag makita ko sila.Kay daming katanungan ngunit walang kasagutan..isang paraan na lang upang masagot ito ..ngunit ang paraang ito ay alam kong mahirap
Natigil lamang ang aking pag iisip nang may tatlong katok akong narinig sa aking pintuan. Narito ako sa aking silid upang mag impake. Wala na akong pakielam kung ito pa ay ikapahamak ko. Ang gusto ko lamang makita ay ang mga kaibigan kong naiwan noon gusto ko lamang sila makita, mayakap, makausap , at mag paliwanag.
Pag katapos ng tatlong katok ay kusang bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa nito ang naka bagsak na pulang buhok na bumagay sa pula na kaniyang mata at ang maputi niyang kutis. Ang aking kapatid
"Kung naririto ka lamang upang pigilan ako ay..huwag na hindi na mag babago ang aking isip.." malamig kong tugon sa kaniya nang maramdaman kong umupo siya sa likod ko
Nakaupo ako sa aking kama habang nag iimpake ng aking damit kaunti lamang ang dadalhin ko sapagkat alam kong hindi ako mag tatagal sa lugar na iyon
"Hindi ako pumarito upang sabihin iyon" -huminto siya pag ka sambit ng isang salaysay na iyon at ang pag hinga niya ng malalim na siyang naging dahilan upang lingunin ko ang aking kapatid
Mas matanda ito ng isang taon sa akin ngunit kung ang ugali ay pag uusapan mas mukhang mas matanda pa ako dito. Nakayuko lamang siya at ramdam kong may kadugtong pa ang sasabihin niya ngunit hindi niya masabi-sabi.
"Ang gusto ko lamang sabihin sa iyo ay ..hindi ko hahayaan na ikaw lamang mag isa ang pumaroon sa Dhaxes ..hindi ko na hahayaan na may mawalay pa sa ating dalawa .. tayo na lamang dalawa ang natitira sa ating pamilya...hindi ko kakayanin na pati ikaw ay mawala pa " -ang pag tulo ng kaniyang luha habang nakayuko ay siyang pag tulo din ng aking luha. Nag uunahan na parang nasa isang karera
Hinawakan ko ang balikat ng aking kapatid at hinila ito upang mayakap ..masyado nang masakit ang pinag daanan namin at wala ng mas sasakit pa sa isipang kami na lamang dalawa ang natitira ..ang mga magulang namin ay tatlong taon ng lumisan. Kasabay ng pag kawatak watak naming mag kakaibigan ay siya ring pag kamatay ng aming magulang
Pinatahan ko aking kapatid pero mas lumala pa yata ng agos ng aking luha sa imahe na tumatatak sa aking isipan ..ang ngiti ng aming magulang...
....ang huling ngiti
"Patawad hindi ko kayo naprotektahan..patawad hindi ko sila nailigtas..patawad kuya"
Niyakap niya ko ng mahigpit at isiniksik ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Dahilan upang mas marinig ko ang pigil na hikbi na kumakawala sa kaniya
"Huwag mong sisihin ang iyong sarili. Naroon din ako ng mangyari iyon ngunit wala akong nagawa. Ito rin ay ginusto ng ating magulang . Kaya huwang mong sisihin ang sarili mo "
"Naturingan akong protektor ng ating pamilya ngunit ...ngunit hindi ko manlang sila nailigtas. Kuya sa ilang taong pag laan ko ng oras upang makuha ang posisiyon na iyon ngunit hindi ko manlang ito nagamit upang protektahan sila"
"Ang sabi ko ay huwag mo ng sisihin ang iyong sarili. Isa kang protektor, at isa naman akong lunn'a ang siyang taga pag bigay ng lunas pero gaya mo ay wala din akong nagawa. Humahanga sila sa pagiging lunn'a ko ngunit hindi ko manlang ito nalunasan sa mismong pamilya ko "
"Tatlong taon...tatlong taon na tayong nag pahinga. At tatlong taon narin tayong nag hihilom sa ating sugat sa puso. Ito na siguro ang panahon upang tayo ay maningil...
Tatlong taon silang nag pakasaya..at tatlong taon din tayong nag luksa..
Ito na ang tamang oras upang gawin ang matagal ng plano"
||
Wow! First chapter is up mga love. Medyo na excite ako kasi its purong tagalog. Natatawa ako sa part na ang hirap sa purong english yet mahirap sa purong tagalog HAHAHA
feel me?!