kabanata 5

4 2 0
                                    


-kwento tungkol sa pag ibig.

Isang babaeng nilalang na walang bakas na lungkot ang mata habang nag lalakad sa kagubatan. Pakanta kanta pa ito dahil sa saya na kaniyang naramdaman. Kabaliktaran naman nito ang inararamdaman ng isang lalaki habang nakaupo sa sanga ng puno. Isa itong malakas na nilalang na siyang nag poprotekta sa mga nasasakupan. Palagi itong seryoso sa pakikipag usap. Ngunit nag bago iyon nang mahagip ng kaniya mata ang babaeng masayang kumakanta habang nag lalakad. Huminto ang paligid para sa kaniya na tanging ang babae lang na iyon ang kaniyang nakikita.

Huminto sa puno ang babae dahil sa pagod na maramdaman. Na siyang puno lamang din na kaniyang nauupuan. Umupo sa damuhan ang babae at isinandal ang ulo sa sanga.

Hindi alam ng lalaki ang kaniyang gagawin. Hindi niya napansin na tumalon na pala siya ng hindi nararamdaman ng babae. Hindi siya gumawa ng ingay. Lumapit siya sa babae at ito at pinag-masdan. Walang sinuman ang tatapat sa kagandahan nito wika ng kaniyang kaisipan.

Iyon ang simula ng kanilang pag iibigan ...

ngunit mag bago lamang iyon ng may nalaman ang lalaki na sikreto ukol sa kaniyang katauhan. Ilang araw niya itong iniisip na siyang
Hindi niya napapansin ang babae. Maalalahanin ang babae kung kaya't ito ay itinanong niya. "Ayoko man sabihin ito ngunit ito kay kailangan mo din na malaman"  saad ng lalaki

"Kahit ano man ito mahal ko. Andito lamang ako sayo" eka ng babae

"Nawa'y tama nga ang desisyon kong sabihin ito sayo. Mahal hindi tayo pwede para sa isa't isa"  malungkot na saad ng lalaki habang nakayuko at hindi makatingin sa babae

Nagulat ang babae sa sinabi ng kaniyang mahal , pinipigilan niyang umiyak ngunit ang kaniyang luha at taksil dahil sunod sunod itong lumandas sa kaniyang pisngi.

Tumaas ang tingin ng lalaki at nakita niyang umiiyak na ang kaniyang minamahal hindi niya kayang makita itong umiiyak o nasasaktan kung kaya't pinunasan niya ang luha ng kaniyang mahal.

"Kaya ba nitong nakaraang araw ay balisa ka? D-diba pangako natin sa isat isa ay kahit anong ma-mangyari ay mamahalin natin ang isa't isa? M-may kamalian ba akong hindi mo nagustuhan?"  Masakit na pag sasaad ng babae

"Mahal ko hindi iyon ang dahilan. Mahal na mahal kita at hindi iyon mag babago. Alam mo iyan . N-ngunit tadhana na mismo ang nag lalayo sa atin.- "

"- isa akong ....-isa akong mortal mahal ko. At iyon ang ipinag babawal sa ating lugar o mundo. Ayokong mapahamak ka. Kaya nakapag desisyon na ako. Patawad. Patawarin mo sana ako."

Nagulat ang babae sa sinasaad ng lalaking minamahal niya. Hindi niya inaakala na ang lalaking minahal niya ay isang mortal.  Ito ang batas sa mundo nila. Hindi pwedeng mag sama ang mortal sa mga nilalang na may kapangyarihan.

Napaatras siya sa gulat, nakita ito ng lalaki kaya't bumakas sa kaniyang mukha ang sakit. Alam niyang ito ang batas kung saan parehas lamang silang mapapahamak. Ayaw man niya ang kaniyang napagplanuhan ngunit para sa kapakanan ng kaniyang minamahal na dalaga ay kaniya itong gagawin.

"i-isa kang m-mortal?" ~

natigil lamang ang aking pagbabasa nito dahil ang pahina nito ay punit. Alam kong ito ay sinadyang pinunit dahil maliban sa tago ang libro na iyon ay sino pang gustong makaalam ng istoryang yon sa panahon ngayon diba?

Iyon ang isa sa dahilan kaya ako wala sa mga araw dito sa eskwelahan dahil maliban sa misyon na aking natatanggap ay tinatrabaho ko den ang pag hahanap ng kasagutan sa aking isipan tungkol sa punit na pahina sa librong iyon.

once been ur'sWhere stories live. Discover now