kabanata 2

3 2 0
                                    

Napapagod na ako ngunit hindi naman ako pwedeng mag pahuli sa magaling kong kapatid kung saan saan na ako sumisiksik upang mag tago pero dahil sa mata niyang pula na siyang nag tataglay ng kapangyarihan na nakikita kung san ka man naroon ay lagi akong nalulugi

Naka ilang mura na ako sa isip ko pero lagi akong talo pag dating sa kapatid ko. Hanggang sa napagod na ako ng husto kaya lumabas na ako sa pinag tataguan ko. Hindi na ako nagulat na siyang pag labas ko ay nasa harapan kona ang kapatid ko. Napahinga na lamang ako ng malalim.

"Rogan Lessus. Sige naman na pumayag kana isang araw lang tayo don. Mga kaibigan ko lamang ang kasama natin. Ako na bahala na ipaalam ka kila ama at ina. Pumayag ka lang"  -pag pupumilit niya sakin

Nais niyang sumama ako sa kasiyahan nilang mag kakaibigan. Sa dagat ang gusto nila ngunit siya namang ayaw ko dahil sa taglay nitong init. Ayoko sa maiinit na lugar mas nais ko tumambay sa malalamig at puro pag eensayo sa aking kapangyarihan o kaya naman ay mag basa ng mga libro na nag lalaman ng kung ano-anong bagay na makakatulog sakin bilang protektor

"Morgan. Alam mong ayaw na ayaw ko sa maiinit na lugar tapos ipapasama mo ko sa kasiyahan niyong mag kakaibigan sa lugar na iyon? Hindi kaba nag iisip. Ayaw. Ko. Sumama. Tapos ang usapan"  -gaya nga ng inaasahan ko ngumuso siya sakin habang ang mga mata ay parang iiyak na. Tumalikod siyang nakayuko.

Huminga ako ng malalim saka ko siya tinawag. Isang tawag ko pa lang dito ay nasa harap ko na siya. Sabi na eh

"Patawad ngunit sasama lamang ako kung hindi iyon sa lugar na nais niyo. Kung mag babago kayo pupuntahan ay doon mo na lamang ako puntahan sa puno na pinag tatambayan ko madalas. Hindi ko ito sinasabi upang ibahin ang kasunduan niyo. Marami pa namang araw Morgan. Mauuna na ako kailangan ko pang mag ensayo" -matapos ko iyon sabihin ay lumakad nako upang pumunta sa lugar kung saan ako nag eensayo kung saan nag eensayo ang mga studyante sa lugar na ito

Hindi ito pang-karaniwang lugar lamang sapagkat ang mga naninirahan dito ay may taglay na kapangyarihan. Hindi ito apoy, tubig, hangin at lupa lamang gaya ng nababasa natin madalas. Bagkus ay sa isang nilalang dito ay lahat ng apat na aking nabanggit ay kapangyarihan nito. Sa madaling salita lahat kami ay may kapangyarihan ng apoy, tubig, hangin , at lupa. Ang pinag kakaiba lamang ay yung dagdag kapangyarihan gaya ng sa kapatid ko nakikita niya ang hindi nakikita ng iba, at nakikita niya ang isang nilalang kahit ito pa ay mag tago. Idagdag mo pa na bilis nitong pagkilos ng parang isang hangin.

Tanga ko naman sa parte na iyon. Lahat pala kami ay mabibilis kumilos sapagkat may kapangyarihan kami ng hangin.

Sa aming pamilya ay lunn'a si Morgan -ibig sabihin ay siya ang nangangalaga ng kalusugan sa aming pamilya, taga pag bigay ng unang lunas at nakakapag pagaling ng kung anong karamdaman

Ako ay isang protektor - ibig sabihin ay ako ang mag poprotekta sa aming pamilya. Binibigyan ako ng misyon ng aking ama at ina kung sino ang aking poprotektahan.

Baliktad ba na ako yung babae ngunit ako yung protektor?  Sa aming angkan ay nag lalaban laban kaming mga huling henerasyon upang makita kung sino ang protektok  o lunn'a.

At dahil ako ang nagwagi bilang protektor ay buong puso ko itong tinanggap ganun din ang aking kapatid.

Kami lamang na angkan ang binigyan ng ganitong posisyon dahil sinusunod lamang namin ang kultura ng aming ninuno. Gaya ng nakagawian kahit ilan pa ang anak mo ibig sabihin lamang nito ay kahit ilan pwede maging protektor o lunn'a.

Huminto ako sa isang kwarto. Isang kulay tsokolate na pinto ang tumambad sa'kin. Hinawakan ko ang hawakan nito saka ko pinihit upang mag bukas. Pag bukas ko ay isang madilim ang tumambad sakin , unang tapak ko lamang dito ay siya ring sunod sunod na pag bukas ng ilaw dito. Isa itong kwarto kung saan nag eensayo ang mga tulad namin. Ngunit ginagamit lamang ito ng iilan kapag oras ng ensayo. Hindi tulad ko na halos dito na tumira upang mas makabisado at humusay ang aking kapangyarihan.

once been ur'sWhere stories live. Discover now