Nang makarating ako sa aming tahanan ay ganun na lamang sila kung gumalag habang ako'y pinapatakbo ng mabagal si Mira ang aking alaga.
Ang arko na makikita bago makarating sa aming tahanan.Isa itong malaking arko na kulay matingkad na itim na samahan mo pa na matingkad na pula.
Ang Dragon at Paro-paro na nakaukit sa taas at gitna na sumisimbulo bilang protektor at Lunn'a. Dragon bilang protektor. At paro-paro bilang lunn'a.
Maliban dito ay may naka ukit din sa aming balat. Sa kaliwang braso ang dragon na siyang protektor. At sa kanang braso ang paro-paro bilang lunn'a.
Sa katulad namin ay hindi namin ito pwedeng ipakita sa iba lalo na't may mga misyon kami na hindi pwedeng ipaalam dahil hindi namin kilala ang aming kalaban.sa ngayon.
Mapepeke mo ito gamit ang kapangyarihan ngunit bilang isa sa malakas sa aming angkan ay malalaman mo agad kung ito ba ay peke o totoo.
Bumaba ako sa aking alaga at dumiretso sa aming bahay. Hindi nako nag paligoy ligoy pa at tumungo agad kung saan namamalagi ang aking ama.
Pag bukas ko pa lamang ng pinto nito ay ramdam kona ang nakakatakot na presensya na nakapalibot sa buong kwarto.
"Ipinapatawag mo daw ako..ama" yumuko ako ng panandalian saka dumireto sa upuang malapit sa kaniyang lamesa.
Puting buhok, metal na mata, at malakas na enerhiya. Iyan ang nararamdaman ko sa aking ama.
"Bagong misyon Rogan anak. Ibibigay kona ang iyong bagong misyon."
Napangisi ako ng mag lapag siya ng papel sa kaniyang lamesa
"Sa wakas ilang araw akong namahinga ama. " Ngunit ganon na lamang ang gulat ko nang seryoso parin siyang nakatingin sa akin.
a-ano ang nangyayari?
"Maaari bang tingnan mo muna ang detalyeng aking nalagay sa papel anak?"
Tumayo ako at lumapit sa papel. Binuksan ko ito. At ganon na lamang ang aking pag kagulat ng makita kung sino ang aking babantayan.
"Isa siya sa kaibigan ni Morgan...Ang lalaking iyan ay hindi basta basta... May taglay siyang kapangyarihan na siyang nakakatawag ng pansin sa mga kalaban. At iyon ang hindi pwedeng mangyari sapagkat ang lalaking iyan. Ang siyang nakakaalam ng totoong kwento sa pulang puno. At kapag may makaalam pa nitong mga kalaban ay maari itong gamitin laban sa atin."
p-punong pula? ito ba ang p-punong aking n-nagustuhan? ngunit ang totoong kwento nito ay ang nakakaalam lamang ay ang aking bagong misyon. Napalingon muli ako sa lalaking nasa litatro
"Hinding hindi mo talaga ako binibigo" napabulong ko sa hangin.
"At alam ko din ang iyong kagustuhan na malaman ang totoong kwento sa punong iyon Rogan" napalingon ako bigla sa aking ama kasabay nito ang gulat na animoy may nagawa akong kasalanan at ito'y kaniyang nalaman
Napahinga ako ng malalim sa kadahilanang wala akong maililihim sa aking ama.
"Wag mo kong gamitan ng aking kapangyarihan ama at isa pa hindi ko gusto na malaman ang istorya sa kabila ng kagandahan ng punong iyon" tumalikod nako sa aking ama dala ang litrato ng aking bagong misyon
"Bakit mo sinabi sa iyong ama na hindi mo gusto malaman ang totoong kwento tungkol don?kahit na ito'y gustong gusto mo ng malaman?"
Andito ako sa ilog ni Liya. Kinwento ko sakaniya ang pinag usapan namin ni ama
Yun din ang ipinag tataka ko bakit ko sinabi sa aking ama na ayaw kong malaman iyon kahit ang totoo ay sa nais kong malaman ay ako na mismo gumagawa ng paraan upang malaman ang kwentong iyon.
"H-hindi ko alam. Basta ko na lamang iyon nasabi sa harap ni a-ama" nakayuko kong sambit habang iniisip parin ang lalaking aking babantayan ngayon.
siya..alam kong may espesyal sa kaniya ngunit hindi ko naisip na pati ang kwento tungkol sa p-punong iyon alam niya..
P-papaano? hindi kaya siya ang pumunit sa librong iyon?O hindi kaya ay kilala niya ang lalaki at babae sa kwento?
Pero imposible dahil sa sobrang tagal na ng punong iyon ay matagal na ring namayapa ang dalawa.
"Ngayon lang kitang nakitang naguguluhan sa isang bagay aking alaga" Napalaki ang mata ko ng marinig ko ang boses na iyon.
Lumingon ako sa itaas ng puno at hindi nga ko nag kakamali dahil nakita ko ang pulang kapa at madilim na pula na mata na siyang nakakapantindig ng aking balahibo dati .
Ngumiti ako ng abot sa aking mata saka tumalon sa sanga na siyang kinauupuan niya at saka siya niyakap.
"Mukhang hindi mo naramdam ang aking presensya, dahil ba ito sa iyong iniisip?" ang malamig niyang boses ang narinig ko sa aking tenga habang ako ay nakasiksik parin sa kaniyang kapa at mahigpit na niyakap siya.
Narinig ko naman ang kaniyang munting tawa "Ganyan mo ba ako gusto makita dahil sa loob ng ilang buwan ay ngayon pa lamang uli tayong nag kita". ginantihan din niya ako ng yakap.
Kronus. Ang lalaking nag turo sakin upang lumakas ang aking pisikal na lakas. Maliban kay Liya na siyang sa emosyon nag turo. Si Kronus naman ay sa pisikal.