kabanata 3

3 2 0
                                    


ito ang pinaka ayoko pero may parte na gusto ko.

bakit?

Una. Ayoko. Dahil sa ilang taon kong nag aaral dito ay siya ring nakikita ko ang takot sa mga mata nila. Nangyari lamang ito nang minsa'y may nakaaway ako at ito ay isa sa anak ng nakakataas. Ayoko man gamitin ang aking kapangyarihan nung araw na iyon. Ay wala akong nagawa dahil masyado niya akong ginalit.

Pangalawa . Gusto ko. Dahil isa sa pinaka ayoko ay ang kaingayan. Natitiis ko lamang ito pag ang kapatid ko at barkada niya ang sanhi ng ingay dahil sanay na'ko sa lakas ng boses nila.

Dumiretso kami ng lalaking ngayon ko lamang nakilala sa pwesto kung saan nakalagay ang mga pag kain.

"Binibini anong gusto mo? sagot kona ito " - tumingin ako sa gawi niya nang bigkasin niya ang mga katagang iyon. Ganun parin ang bilis at lakas ng tibok ng aking puso pero hindi ko ito pinansin.

"Kaya kong bumili ng akin ginoo. Hindi na kailangan.  Salamat"  malamig kong sabi sa kaniya at nag pauna upang ibigay ang aking nais na kainin. Naramdaman kong nakasunod na siya sakin at nang tingnan ko ito ay nakanguso nanaman.  Hindi ba siya napapagod kakanguso jan?

Nang makuha na namin ang nais naming kainin ay nauna na akong pumunta sa pwesto ko. Ito ang lagi kong pwesto, pinaka dulo at sa harap ko ay bintana.

Isa lamang ang upuan dito kaya tiningnan ko siya habang nakanguso nanaman na nakatingin sa lamesa at upuan.

"Hala andaya bakit isa lang?"  Nakanguso niyang tanong sa kaniyang sarili at inilapag ang pagkain niya sa lamesa saka siya umalis at pumunta sa pwesto na may maraming upuan. Kumuha siya nito at idinala dito , inilagay niya ito sa harap ng upuan ko kaya nakaharang siya ngayon sa bintana.

Hindi ko ito pinansin at umupo na lang sa upuan ko habang nakanguso na nakatingin sa kaniya

Hindi ko maipaliwanag. Dahil hindi naman ako ngumunguso sa harap ng ibang tao. Tapos naka ilang beses akong nakanguso sa harap ng lalaking ito!

"Ayan jan ako. Tara na binibini kain na tayo"  nakangiti niyang sambit sa akin habang sinisimulan ang kain

Natulala ako sa ngiti niyang iyon..para itong nang hihipnotismo dahil hindi maalis sa kaniya ang tingin ko

"Ang gwapo ko ba binibini? "  -matapos niyang sabihin iyon ay bigla siyang natawa. Nagising ako sa pag katulala ko at sinimulan na ring kumain . Nangingiti ako pero pinipigilan ko ito.

Habang kumakain ako ay tumitingin ako sa likod niya. Nakaharang kasi siya sa tinitingnan ko. Palagi akong tumitingin sa bintana kapag ako ay kumakain ngunit dahil nakaharang siya ay hindi ako makatingin ng maayos.

Nakanguso akong bumalik ang tingin sa pagkain at malamyang sinimulan. Nang hindi kona ito matiis ay tinawag ko na siya.

"Ginoo maaari bang lumipat ka ng iyong pwesto?"  Malamig parin ang aking tinig tulad ng nakasanayan ko. Nag taas siya ng tingin sakin habang nanlalaki ang mga singkit na madilim na asul ang mata.

Muntik pa akong matawa nang may pagkain din sa mag kabila niyang pisngi. Ngunit hindi ko ginawa dahil maraming mata ang nakatingin ngayon sa amin

"B-bakit binibini?" Hindi niya muna ito mabigkas dahil puno ang kaniyang bibig . Nilunok niya agad ito saka uminom ng tubig matapos niyang gawin iyon ay . Maluha-luha siyang tumingin sakin habang medyo nakanganga ang kaniyang mapupulang labi.

"Inuulit ko ginoo. Maaari ka bang lumipat ng pwesto? " ngayon ko lamang inuulit ang aking sinabi sa ibang tao.

Ano na ang nangyayari sa akin?

once been ur'sWhere stories live. Discover now