Bumalik muli sa aking isipan ang sinabi ng lalaking iyon kung isang araw ay makakapasok sila bilang isa sa'ming tephes ay ibigsabihin lamang ay madadagdagan kami. At ang masaklap ay ang pinaka ayaw namin . Ang kaingayan .Sa ugali ng mga kaibigan ng aking kapatid at idagdag mo pa ang kaingayan ng lalaking iyon ay parang ito na ata ang pinaka masaklap na misyon na natanggap ko. Hindi ko maisip kung paano ko kakayanin o paano namin kakayanin ang kaingayan nila.
Kung hindi ko pa naipapakilala ang apat na kasamahan ko, ay ngayon ay aking ipapakilala ;
Lyses Tavúa . Ang babaeng laging naka tirintas ito ay naka ipit ng dalawa sa kanyang ulo. Tsokolate ang kulay nito na nabagay sa metal niyang mata. At pana ang kaniyang armas. Ang dagdag kapangyarihan nito ay kung sino man ang kaniyang titigan ay mapapa-sunod na agad nito.
Ryon Buenavisà . Ang lalaking berde ang mata at kulay ng buhok. Mahilig sa mga kutsilyo gaya ng dagdag kapangyarihan nito na nakaka pag-labas ng kung anong armas kung kelan niya ito gustihin.
Bhon Buenavisà. Kakambal ni Ryon . Hindi sila mag kamuka at ang kulay ng mata at buhok nito ay berde ang pinag kaiba lamang ay mas madilim ang pag-ka berde ng kay Bhon. Ang dagdag kapangyarihan nito ay ang teleportasyon at nakakakita ng hinaharap . Perpektong kapangyarihan ito para sa'min
At ang pang-huli kong kasama ay si Fayden Shero. Lalaking itim na itim ang buhok at itim na itim ang mata. Sa lahat ng kasama ko dito ay siya lamang ang madalas kong makausap. Nakakausap ko lahat sila ngunit mas komportble akong sabihin lahat ng hinanakit ko sa lalaking ito. Simula kasi ng mag umpisa ako sa pagiging hexes ay siya na ang nakakausap ko. Sabay kaming pumasok at natapos bilang hexes hanggang sa marating namin itong pagiging tephes. Masasabi kong isa ito sa taong pinagkakatiwalaan ko ng buo maliban sa pamilya ko.
Ang dagdag kapangyarihan nito ay kaya niyang ipakita sayo ang iyong kahinaan. Na tanging siya lamang ang makakapag alis.
At ang pang huling miyembro. Rogan Lusses . Ako iyon
Mayroon akong kulay metal na mata at kulay madilim na metal na buhok. Nakatali ng isa sa taas ang aking mahabang buhok. Espada ang lagi kong ginagamit. At bilang protektor tamang tama sakin ang malakas na makaramdam sa paligid bilang dagdag kapangyarihan.
Kaming lima ang miyembro ng tephes. Bihira kami mag pakita sa iba dahil narin siguro sa wala kaming kainte-interes sa mga pinag-gagawa ng ibang estudyante. Kinatatakutan kami dito sa eskwelahan. Hindi namin matukoy kung ano ang dahilan pero isa lang ang naririnig namin. Ito ay dahil sa away na naganap sa pagitan naming lima. Nakakaloko lang isipin dahil bago namin marating itong aming posisyon ay may away sa'min na naganap. Kami ni Fayden sa pagitan ng tatlo pa naming kasama . Lingid sa kaalaman ng ibang estudyante ay ito lamang ay isang pagsubok kung karapat-dapat ba kami sa posisyon na ito .
Sa away na iyon ay naging dahilan upang masira ang ibang gusali at maraming napahamak na estudyante. Masyado kasi silang nag mamayabang at kung ano ano ang iniisip. May harang na ginawa ang mga guro ngunit dahil sa mga tanga na estudyante ay nag sama-sama sila ng kapangyarihan. Ang harang na ginawa ng mga guro ay para lamang walang mapahamak ngunit nasira ito dahil sa pag sama sama ng lakas. Nag mamayabang sila sa kaiisip na kaya nila kaming pigilan dahil daw nag aaway daw kami at kailangan nila ito pigilan . At dahil masyado silang mayabang kaya't ang kapangyarihan na ginamit namin ay tumama sa kanila. May parte dito na sinadya namin ngunit may parte na hindi.
Noong una ay nag pipigil kami ng ngiti . Pero noong pag talikod naming lima at saktong walang nakakakita ay humalakhak kami ng humalakhak. Ito ay dahil sa pangingielam nila kaya tumama ang kapangyarihan na ito.