She's back to being an actress and it only means one thing, lots and lots of work to do. Mabuti na rin iyon kesa maburyo siya sa unit kakaisip ng mga bagay'bagay.
Matapos siyang sunduin ng manager sa airport humingi siya ng extension para makapagpahinga pa bago bumalik sa trabaho. Luckily, pinayagan naman siya nito at hindi na nagtanong marahil naramdaman nito na ayaw niyang pag-usapan iyon.
Sa tatlong araw na hiningi niya mula rito ay wala siyang ginawa kundi ang mag-isip'isip kagaya ng gusto niyang mangyari pag-uwi. Nagmukmok siya sa kwarto, nanood ng mga love story sa netflix at nag-exercise.
Hindi siya tinanong ng mga kasama niya sa condo at pinagpapasalamat niya yun. She needed time to think everything and space to breath properly.
Unti'unti natatanggap na niya ang nangyari sa kanila ni Axle ang pagsisinunggaling nito tungkol sa pustahan na naging sanhi kung bakit niya ito hiniwalayan.
Nang dahil sa takot kaya siya nito nasaktan dati at siya naman nang dahil sa hindi niya pakikinig rito patuloy silang dalawa naaapektuhan magpa'hanggang ngayon.
"Okay lang po ba kayo, ate?" Pukaw sa kanya ni Bannie
"Ah oo, okay lang. May iniisip lang. Ano nga ulit yung tanong mo sa'kin kanina?" Pag-iiba niya
"Ahm, ano po kasi itatanong ko lang kung ano ang gusto niyong kainin maglulunch na po kasi."
"Yun ba?"
Tumango naman ito sa kanya.
"Teriyaki at siomai nalang sa'kin. Bumili ka na rin ng sayo pati kay ate Deia mo para pagbalik mo sabay na tayong tatlo kumain. Pahatid ka na rin kay Mang Lino para di ka mahirapan."
"Sige po ate, alis na po ako."
"Ay teka, bilhan mo na rin si Mang Lino baka hindi pa 'yon kumain tanungin mo nalang kung ano ang sa kanya. Yun lang Ban, salamat." Ngiti niya sa assistant
"Okay po ate, balik din po kami agad." Sagot nito at lumabas na ng dressing room niya
May pictorial siya mamayang 3PM sa isang sikat na magazine at gagawin nila iyon sa may Makati kaya heto't naghahanda na siya.
Mi'makeupan lang siya at sa venue nalang magbibihis para hindi madumihan ang damit. Lahat ng kailangan niya sa pictorial naihanda na ni Deia at Bannie kaya hindi na niya kailangan problemahin yun.
Kasama niya ang makeup artist na si Wency at hairstylist na si Nash. Napag-usapan nilang pagkatapos nalang maglunch siya ng mga ito aayusan kaya ang dalawa ay busy muna sa pagkukwentuhan habang hindi pa nakakabalik si Bannie.
Ang manager naman niya ay may kinausap sa labas at hanggang ngayon hindi pa bumabalik.
Wala siyang maisipang gawin kundi kalikutin ang cellphone niya. Walang ganap sa groupchat nilang magkakaibigan kaya nawili nalang siya sa pagtingin ng mga stories ng iilan niyang kilala.
Ganun lang siya hanggang sa makabalik si Deia ang manager niya na may dala'dalang bouquet ng nag'gagandahang Tulips.
She teasingly smiled at her manager.
"Ganda naman n'yan. Sino nagbigay sayo? Ikaw ha hindi mo sinasabi sa'kin na may admirer kana pala." Tukso niya sa babae
Nirolyohan siya nito ng mga mata habang papalapit sa pwesto niya.
"Gaga! Sa'yo ito no may nagpapabigay, di sinabi kung sino." Sagot nito at inabot sa kanya ang bulaklak
"Ano ba 'yan akala ko pa naman sayo."
Inismiran lang siya nito.
"Ang haba talaga ng hair mo, Miss Trizh. Daming nagbibigay ng flowers at kung anu-ano pa. Sana lahat." Biro pa ni Nash
BINABASA MO ANG
THE HOTTIE SERIES 2: Henderson
Romance"Nothing hurts more than being disappointed by the single person you thought would never hurt you."