Chapter 35

1.8K 27 0
                                    

October is the month for their long overdue vacation. Two weeks of just relaxing and having fun, away from stress and work.

Nakaready na ang isang katamtamang laki na maleta niya. Sa loob nun ang mga damit niya pantulog, pangligo at pangpasyal. Bathroom necessities, makeup niya at iba pang useful para sa kanya. She's super excited and ready for their short break.

Maiiwan sila Deia at Bannie dahil may mga aasikasuhin ang mga ito kaya wala siyang kasamang iba bukod sa sarili niya at mga kaibigan.

"Magpapahatid ka kay Mang Lino?"

Binalingan niya ng tingin ang manager.

"Hindi na, dadalhin ko ang isang kotse tas iiwan ko nalang sa basement ng condo ni Franz para pag-uwi namin may masasakyan ako." Saad niya

"Okay, enjoy your short vacay dahil pagbalik mo trabaho nanaman."

"Yeah, I will. Basta call me kung sakali mang may mangyari about man sa career ko o hindi. 'Kay?"

"I won't disturb you unless it's crucial and necessary for you to know. Kung meron man tas kaya ko naman solusyunan di na kita tatawagan. You need that break Trizh and I'll give it to you."

Napangiti siya sa sinabi nito.

"Thanks, D. May pasalubong ka sa'kin."

"Loka, kung di pala ganun sinabi ko wala akong pasalubong??"

"Siguro. Joke! Syempre meron no takot ko lang mawalan ng manager na masipag at mapagkakatiwalaan." Kindat niya rito

"Ah so, pasalubong lang pala katapat ko. Thank you ha. Well appreciated." Sarkastiko nitong sabi na tinawanan niya lang

Nagkwentuhan pa sila hanggang sa dalawin na siya ng antok kaya nagpaalam na siya ritong matutulog na. Tumango lang naman si Deia sa kanya dahil may ginagawa ito sa laptop.

At exactly 4AM, lumabas na siya ng unit at tinungo ang basement kung saan nakaparada ang tatlo niyang sasakyan. Pinili niya ang isang itim na Audi at yun ang minaneho patungo sa condo ni Franz.

Mabilis lang niya narating ang building kung saan nakatira ang kaibigan dahil bukod sa walang traffic, wala pa masyadong sasakyan sa daan.

Iniwan nalang niya sa sasakyan ang mga gamit niya para hindi siya mahirapan tutal bababa din naman sila mamaya pagkarating ng van na sasakyan nila patungong airport.

Pagkapasok niya sa unit ni Franz andun na si Vea ang kaibigan nilang doctor. Nagbeso at nagyakapan silang tatlo bago siya naupo sa isa sa mga couch.

"Nagpahatid ka lang ba o nagdrive?" Usisa sa kanya ni Franz

"Nagdrive. I brought my car para may magamit ako pag-uwi natin." Sagot niya rito

"Okay, mabuti kung ganun. Saan pala mga gamit mo?"

"Nasa kotse iniwanan ko. Mamaya ko nalang kukunin pag-alis natin."

"Sabagay, hassle pagdinala mo pa dito tas bababa din naman tayo. Okay so, you want something to eat girls while waiting for the others?"

"Yes please, hindi ako kumain sa condo diretso punta ako rito." Aniya

"Ikaw V, hindi ka rin kumain?"

Nilingon naman sila nito mula sa pagbabasa ng magazine.

"Chicken sandwich lang at gatas." Simpleng tugon nito

"Alright, I'll prepare you food muna. Wait lang." Saad ni Franz saka pumasok sa kitchen nito

Kinse minutos lang ata ang dumaan at tinawag na silang dalawa ni Vea.

THE HOTTIE SERIES 2: HendersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon