Epilogue

2.7K 49 5
                                    

A/N: Thank you for making it to this part! Nawa'y nagustuhan niyo ang kabuuang kwento nila Axle at Kyrin. I know it wasn't a unique story but I'm grateful for your support. Thank you for the love and I hope you'll still be with me 'til the last Hottie Series. See you on Vea and Vinn's journey! Keep safe everyone :)

_____

Axle Jaze Henderson's POV

Axle used to believe that love at first sight is not true and just a mere thought. Nothing special.

Pero mapaglaro ang tadhana dahil pinaranas sa kanya iyon. Pinatunayan nito sa kanya na totoo iyong nangyayari at hindi gawa-gawa lamang ng isipan. He had it firsthand so he doesn't have any reason not to accept that matter. Hindi naman niya ikakaila kasi naramdaman niya mismo kung paano nakuha nito ang kanyang atensyon kahit pa nga wala naman itong ginagawa.

The girl was simply standing beside him and nothing more. Hindi siya nito kinausap o tinignan para masabi niyang nagpapapansin ito sa kanya. She didn't do anything for him to feel something. She was just there waiting for her turn like him. That's it.

It wasn't just a coincidence but a destiny. Axle believes that everything happens because it is meant to occur. Kyrin happened because she's meant for him. They're meant for each other. No questions needed. Case closed.

Kaya hindi niya makalimutan ang unang beses na nakita si Kyrin. Akala niya una iyong sa mall kung saan dumaan ito sa harapan nila ng teammates niya pero nitong nakaraang linggo niya napagtantong hindi pala iyon.

It was a year ago at a coffee shop. He was busy looking for something to order in the menu placed above the counter when someone caught his attention.

Simple lang ito nakaputing bestida at flat sandals sa paa. Nakaipit ang kabilang bahagi ng buhok nito kaya't napagmasdan niya ang side profile nito. Hindi man buong mukha ang kanyang nakita pero masasabi niyang maganda ito. Isang anghel kung ituring niya dahil sa kulay ng suot.

"Yun lang po ba, ma'am?" Narinig niyang tanong ng isang staff rito

Tumango ito at may ngiting sumagot.

"Yes, yan lang." Malambing ang boses nitong saad

Napamura siya nang tumatak sa tenga niya ang tinig na iyon. Pati boses maganda rin.

"Take out o dine in po?"

Bahagya nitong kinagat ang pang-ibabang labi bago nagsalita.

"Uhm, take out.."

Nakangiti namang nagtipa ang babaeng staff sa computer saka sinabing maghintay lamang muna ito sandali para sa mga inorder.

"Okay, thank you." Bago pa ito tuluyang maglakad paalis ay nagtama pa ang kanilang mga mata dalawa

It happened in a split second but she easily took his breath away and made his heart beats two times faster than the usual.

Fck!! Tahimik niyang mura sa isipan.

Natulala pa siya kaya hindi niya namalayan na turn na niya pala sa pila.

Putol'putol tuloy siyang nagsalita kaya tumikhim siya at kinalma saglit ang sarili.

That was their first real encounter. Pangalawa na 'yong sa mall pero nitong bago niya lang naalala.

Siguro natatandaan ng puso niya ang babae kaya nung masilayan niya ulit ang kagandahan nito ay tuluyan na siyang nabighani at natulak na ligawan ito.

Hindi pa man nasasabi nila Sean at iba niyang teammates noon na pormahan ito ay may plano na siya. Mas tumindi lang ang kagustuhang makilala ang babae nang hindi na ito mawala pa sa isip niya. Gabi'gabi na lamang niya itong napapanaginipan. Para bang nakarehistro na ito sa utak niya at ayaw mabura. Ganoon ang nangyari kaya makalipas ang ilang araw ay inumpisahan na niyang magpadala rito ng kung anu-ano.

THE HOTTIE SERIES 2: HendersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon