CHAPTER 6
JAYMEE'S POV
Dumiretso ako ng canteen pagkatalikod ko sa kanila. Hayst! Badtrip talaga!
Pagkaupo ko sa bakanteng upuan ay sya namang pagpasok din nung mga bwiset kong kaklase.
Ay naku talaga! Tsss..."Hi classmate!" Ngiting ngiti na Sabi nung Oliver.
Abnormal siguro to! Di makaramdam grrr..Di ko sya pinansin at nilabas nalang yung notebook ko sa next subject. Makapag review na nga lang ng may magawa.
Naramdaman kong nagkanya-kanya ng hila ng upuan ang anim dito pa mismo sa pwesto na napili ko. tsk. mga bwisit talaga.
"Ang boring mo naman classmate puro ka nalang basa. Chill chill din pag may time" feeling close na sabi nung Oliver
Di ko nalang sya pinansin at pinagpatuloy ang pagrereview hanggang sa kusa na rin syang tumahimik.
Nagkwentuhan nalang silang magkakabarkada at buti nalang di na ako pinansin.
"Uy! Jaymee!" Napaangat ako ng tingin Pati yung magkakabarkada ay napalingon sa pinanggalingan ng tinig na yun.
"HeyySteven! Break time nyo?" Nakangiti ko ring bungad sa kanya. At isa isang nginitian yung mga barkada nya.
"Yep" nakangiti nyang sagot ,pero unti unting nawala yung ngiti nya ng makita kung sino ang mga kasama ko sa lamesa.
"Kilala mo sila?" Seryosong tanong ni Steven
"Ahhh... Mga bagong Classmate ko. Kanina ko lang sila nkilala" sagot ko.
Tiningnan ko yung mga classmate ko at bigla akong kinilabutan sa pagbabago ng aura nila. Parang mga sasabak sa gyera. Binalik ko ang tingin ko kanila Steven at kumunot at noo ko ng naramdamang ganun din ang aura nila. Ang sasama ng tingin nila sa isat isa. Parang ganito din yung mga aura nila nung nagkita kita sila sa pinagttrabahuan ko. Anong bang meron sa kanila??
"Ehem!" Pekeng ubo ko para maagaw ang atensyon nila. "Ahh. Steven. Una na kami ha. May gagawin pa pala kami" Sabi ko sabay tawag dun sa anim na parang ayaw pang magsialis kaya isa isa ko pang pinaghihila para lang magsitayo at lumabas na ng canteen.
"Ano bang problema mo??" Inis na sabi ni Aizen nang makalabas kami sa canteen.
"Nilalayo kayo sa gulo" nakapoker face kong sagot.
"Did we ask you to do that??"
Aba! Loko din tong isang to. Sila na nga iniwas sa gulo sya pang galit.
"Wow ha! Ganyan ka ba magthankyou? Kung alam ko lang sana pinabayaan ko nalang kayo dun makipagbugbugan." Naiinis kong sagot sa kanya.
"Tss! Sa susunod wag kang pakialamera" sabay talikod na sabi nya. Kasunod yung lima nyang kabarkada.
"Pagpasensyahan mo na mainit lang ang ulo" sabi ni Law sabay gulo sa buhok ko at sumunod na din sa mga kasama nya.
Haayy. Bwisit talaga!! Sa sobrang inis ko pumunta nalang ako sa next subject ko kahit di pa time.
Oliver's POV
Sumunod kami kay Leader papuntang tambayan sa loob ng campus. Parang bahay lang din yung tambayan namin. Kumpleto sa gamit at appliances at may mga kwarto din sa taas para kung trip naming magcutting at matulog, di na kami uuwi, dito nalang para di masyadong hassle.
