Chapter 2

65 3 1
                                        

JAYMEE POV

*Hinga malalim* 

'okay game na ako'

Another day na naman ng pakikibaka ko sa mga BULLY sa school.

Nasa Tapat na ako ng Gate ng University. As usual NERD outfit na naman. Buti nalang walking distatnt lang ang Apartment ko dito kaya kahit medo tanghali na ko magising makakaabot pa rin sa oras kasi walang hassle sa pagbyahe.

Ang dami kong kasabayan na mga estudyanteng pumapasok. Lahat sakin nakatingin. Malamang mga nagpapalano na naman ng mga gagawin nilang pagpapahirap sakin. hayst!

Nakapasok na ko't lahat-lahat sa classroom pero wala pa ring nangyayri. Kinakabahan na ako. Ang weird kasi ng Feeling. 

'siguro nagsawa na silang ibully ako' sabi ko sa sarili ko

'pero feeling ko talaga may kakaiba ee' 

Tiningnan ko lang yung mga classmates ko na abalang abala sa pagchichismisan.

Nakarating na ako sa upuan ko pero bago ako umupo sinilip ko muna yung ilalim ng upuan ko. 

Hmmm. Hindi naman kulang yung upuan. 

Pagkatapos kong sipatin ang upuan ko ay umupo na ako.

Maya-maya ay pumasok na rin yung prof namin at naglecture. Pagkatapos ay dinismissed na rin kami. 

Pagkalabas ko ay wala pa ring nangyayari. Kinakabahan na talaga ako. Pumunta muna ako sa Canteen para kumain dahil vacant ko naman ng 1 hour. Hindi pa kaya ako nag aalmusal dahil nga nalate ako ng gising.

Pagpasok ko sa canteen ay biglang sinalubong ako ng mga ITLOG na nagliliparan. 

"Ayan! bagay sayo yan! Di nararapat sa School na to ang mahihirap na katulad mo!" sigaw nung babaeng lageng nang aapi sakin. Si Sherly . Classmate ko sya sa dalawang subject ko. At isa sa mga pinuno ng mga grupong nangBUBULLY sakin.

Nakatakip lang ang mga braso ko sa mga mukha ko habang binabato nila ko. Sobrang lagkit na ng buhok at katawan ko. Sobrang daming itlog ang binato sakin. Lahat ata ng estudyante dito sa Canteen ay may hawak na itlog. Feeling ko nga mamaya puro pasa na ako. Kasi naman kahit sabihin mong mabilis mabasag ang itlog. Masakit pa rin pag binato sayo. Gusto nyo try nyo sa sarili nyo? JK!

"ANO BA! Tumigil na nga kayo!" sigaw nung lalaking kakapasok lang sa Canteen. May kasunod syang Lima pang lalaki.

Tumigil naman ang pagbabato sakin ng mga estudyante. Mukhang mga natakot ata.

Nilapitan ako nung lalaki. WAAAHHHH! ang gwapo nya.

"Okay ka lang Miss?" Tanong nya habang may inaabot na panyo.

"O-okay lang. S-sanay na ako." nauutal na sabi ko habang kinukuha yung panyo sa kamay nya.

"Sa susunod kasi matuto kang lumaban" sabi nya

"masasayang lang effort ko, di ko naman sila mapipigilan sa gusto nilang gawin sakin" paliwanag ko habang pinupunasan yung mga nabasag na itlog sa katawan at buhok ko. Di ako makatingin sa kanya kasi sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Tumalikod sya at humarap ulit sa mga estudyanteng nasa canteen.

"Oras na saktan nyo pa sya ulit ako na ang makakalaban nyo!" matapos nyang sabihin yan ay hinila nya na ako palabas ng canteen.

Huminto sya sa paglakad at humarap sakin ng nakangiti.

"Steve" Sabay lahad ng kamay sakin.

"Jaymee" sabi ko at tinanggap ang pakikipagkamay sa kanya.

"Sabihin mo sakin pag may nang api pa sayo ah"  nakangiti nya pa ring sabi. 

Tumango lang ako bilang sagot. 

"Tara!" hinila nya ulit ako papunta sa isa sa mga Bahay na nandun sa Loob ng university.

Bawat mga anak kasi ng mga ShareHolders ng school ay may mga sari-sariling Bahay/Tambayan sa loob ng School. Siguro isa sya sa mga anak ng mga Share holders kaya meron din syang ganun. 

Pagkapasok namin sa loob ay bumungad samin yung Lima nya pang mga kabarkada na mga nanunuod ng TV sa sala.yung tatlo nasa sofa habang yung dalawa nman ay nakasalampak sa carpet.

Di naman ganun kalakihan ang bahay na yun. Sakto lang talaga para gawing tambayan. 

Pinakilala sakin ni Steve yung mga Barkada nya.. Sila Fifth, Renz, Von, Ace at kenon.

Mga nakakatuwa silang kasama. puro mga mapagbiro. Mga gwapo naman silang lahat. Pero para sakin mas gwapo si Steve. Hala! ano daw?? ERASE! ERASE!

"Gusto mo bang maligo? Nandun yung CR" Sabi nya habang tinuturo yung CR nila.

"H-hindi. Okay lang ako. Tsaka masasayang lang yung malinis kong damit kasi panigurado mamaya madudumihan ulit ako" nakayuko kong sabi. Totoo naman diba? mamaya pag di ko na sila kasama panigurado may gagawin na naman sakin yung mga schoolmates ko.

"Wag kang mag alala Jaymee, di hahayaan ni steve na may mag api pa sayo" nakangiting sabi ni Renz habang nakatingin kay Steve. At nagtinginan na silang magkakabarkada. Ako lang ba yun o talagang may ibig sabihin yung tinginan nila.

"O-okay sige" Tumayo na ako at pumunta sa banyo nila. 

"May pamalit ka ba?"  tanong ni Steve na nakasunod pala sakin papuntang banyo.

"Oo, Lage akong may dala" yun lang at sinarado ko na ang pinto ng banyo. 

Pagkatapos kong maligo ay pumunta na kami sa kanya kanya naming mga klase. Hinatid ako ni Steve sa room ko para daw siguradong wala ng mang aapi sakin.

Dumating nga ang uwian na wala nang nagtangka na mang Trip sakin. Di ko na nakita sila Steve pagkalabas ko sa Last Subject ko. Siguro may mga klase pa sila. Dumiretso na akong umuwi sa apartment at nagbihis para sa pagpasok sa Part time job ko. 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[a/n]

Weee! nagustuhan nyo ba yung Story? Comment and Vote naman para alam ko kung ipagpapatuloy ko pa ba yung story. kasi naman nakakatamad mag isip ng susunod na mangyayari kung wala namang nagbabasa. pakiFollow na rin ako. SOLOMOT. :* 

Mwah! Mwah! TSUP! TSUP!

The Stupid RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon