CHAPTER 7

23 3 0
                                    

CHAPTER 7

JAYMEE'S POV

After ko mabasa yung sulat ni Eli, nagayos na ulit ako para sa pagpasok ko sa aking part time job.

Dahil medyo good mood ako today sipag sipagan ako sa pag aassist ng mga customer.

"Hi Sir! Ano po ang order nila?" Nakangiti kong tanong.

Habang nagsasabi ng order yung customer ay naaagaw ang atensyon ko nung anim na lalaking kakapasok palang sa store.

'What are they doing here?'

"Yun lang miss"  bumalik ang atensyon ko sa customer na nasa harap ko.

" Im sorry sir. Ano nga po ulit order nyo?"

Napakunot ang noo ng nasa harap ko. Akala ko magagalit sya buti nlang mahaba ang pasensya ni sir.
Inulit nya kung ano ano ang order pagkatapos ay dali dali ko itong inayos at ibigay sa kanya.

"Orders complete na po, thank you sir! Please come again!" Nahihiya ngunit nakangiti kong sabi.

Hindi na sumagot si sir pero nakakunot pa rin ang noo hanggang pagtalikod nya.

Bigla naman akong nakaramdam ng inis nung makita ko yung sumunod na customer.

Tss.. Hanggang dito ba naman

"Welcome to *name of store*, whats your order sir?" Walang kagana gana kong sabi.

"Hello miss! Can you give me *nagsabi na ng orders*"

"Dine in or take out sir?"

"Dine in. Make it 6 orders. Thank you"

"Drinks po?"

"Large iced tea"

"Yun lang po ba sir?"

"Yes! And oh I forgot. Add 1 extra large fries. Thanks"

"Ok sir, 1,084 po lahat"

"Here" sabay abot sakin ng tatlong 500 bill.

"I recieved 1500 pesos. Here's your change sir. *abot sakanya ng sukli* pahintay nalang sir"

Pagtalikod ko ay inayos ko kaagad yung order nya.

"Jane 6 large iced tea, pa prepare. Thanks." Sabi ko sa crew na nag pprepare ng drinks.
After kong ayusin lahat ng order nya ay nilagay ko lahat sa tray na nasa counter. Napansin kong nandun na din yung iced tea na hiningi ko kay Jane.

"Orders complete na po sir, kami nalang po magdadala nitong iba nyo pong order sa table nyo, thanks po."

Medyo marami rami rin kasi yung order nya kaya inabot ng tatlong tray.

"Okay. Thanks din Jaymee!" Nakangiti nyang sabi habang kinukuha yung isang tray

Nakilala nya ako?

Nakakunot lang ang noo ko na nakatingin sa kanya habang naglalakad pabalik sa pwesto nila.

"Ui Jaymee ha! Taray ng beauty mo. Tinanong kanina ni sir name mo. Type ka ata." Bigla namang singit ni Jane sa gilid ko habang bumubungisngis.

"Kaw ang nagbigay ng pangalan ko?"

"Syempre naman te! Tinanong eh. Alangan di ko sagutin tsaka helloooo! Ang pogi kaya! Akala ko nga name ko ang kukunin kaso pangalan mo ang kinuha. Ayiii!" Kinikilig na sabi ni Jane.

The Stupid RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon