CHAPTER 8

15 0 0
                                    


Habang abala ang mga Classmates ko sa pag susulat ng mga grupo nila, ako ay nakatunganga lang.

"Hays.. Ako nalang kaya mag isa.. Madali lang naman ata. Kaya ko na naman siguro yun" nakapangalumbaba kong bulong sa sarili.

Kumuha na ako ng 1/4 sheet at isusulat na sana ang pangalan ko ng bigla akong tawagin ng professor ko.

Kunot noo akong napatingin sa harap, nandun yung anim na ugok habang nakatingin sakin.

"Yes po?" Tanong ko dun sa professor namin

"Baket di ka pa pumunta dito sa harap. Ipapaliwanag ko na yungnakaassign na project senyo."

"Po?"

"Diba kagrupo mo sila? Bat di ka pa pumunta dito."

"Pero mam hindi ko po sila kagrupo. Mag isa lang po ako"

"But your name is here" habang pinapakita sakin yung papel na may nakasulat na grupo. "And I dont allow individual for this project. Sa kanila ka na sumama dahil wala na rin namang iba pang grupo na pwede kang salihan, lahat sila ay kumpleto na"

Wala akong nagawa kundi pumunta na rin sa harap. Nakangiti akong tiningnan ni Oliver at Red na sinuklian ko naman masamang tingin habang ang iba naman ay busy naman sa pakikinig kay prof.

"Okay , for this group, i will assign you guys the korean cultures and literature. You need to create a report that explains about korea and their languages. you also need to identify their way of living and how they adopt culture of other countries."

"Okaaayy ma'am" sabay sabay na sabi ng mga kagrupo ko.

"I'll give you 3 weeks for this project"

Nagsitango lang sila at bumalik na sa kanya kanya nilang mga upuan habang ako ay prinoproseso pa rin ang nangyari.

'Kagroup ko sila?? Argh!"

Napailing nalang ako at bumalik na rin sa pwesto ko. Habang naghihintay na magdismiss ang prof namin ay nagbasabasa muna ako ng mga references for the next subject.

"Classmate may meeting daw tayo mamayang lunchbreak" biglang sabi ng katabi kong si Oliver

Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pagbabasa.

After ng ilang minutes ay nagdismiss na rin ang Prof. namin at lumabas na ako para pumunta kaagad sa next subject ko.

Lumipas ang mga oras at lunchbreak na kaagad. Dumiretso na ako sa Cafeteria para makakain kaagad at para makapagreview na rin dahil may long quiz kami sa next na subject ko.

Habang papasok ng Cafeteria di ko maiwasang makarinig ng mga bulong bulungan ng mga chismosang bubuyog sa tabi tabi.

'duh! ayan na naman yung losyang na panget'

'oo nga ee. pasalamat sya pinagbantaan tayo ni Steven na galawin sya kundi kanina pa yan napagtripan'

'tsk.. ewan ko nga ba kung baket nandito pa yan. di naman sya bagay sa school nato.. pwee'

Di ko nalang sila pinansin at nagtuloy tuloy na sa pagpila sa counter para makabili ng pagkain ko... habang papalapit ako ay may bigla nalang bumuhos na malamig sa ulo ko. Napahinto ako sandali at unti unting nilingon kung san nang galing ang JUICE sa ulo ko.

"Oopss..sorry nadulas sa kamay ko" nakangiting sabi ni Shirley habang nakaangat pa rin ang kamay sa ere na may hawak ng plastic cup na halatang pinaglagyan ng juice.

"ganyan na pala ngayon ang nadudulas sa kamay..." pabulong kong sabi.

"May sinasabi ka?" nakataas ang kilay na sabi ni Shirley habang pinupunasan ang kamay na nabasa rin dahil sa *pagkadulas* umano nung juice sa kamay nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Stupid RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon