Chapter 3

29 2 0
                                    

JAYMEE POV

Nakaupo lang ako ngayon dito sa canteen habang kumakain. Isang linggo na mula nung niligtas ako ni Steve mula sa mga nambubully sakin. Pagkatapos ng pangyayaring yun ay parang hangin nalang ako sa mga schoolmates ko. Di ko alam kung ano bang sumanib sa kanilang anghel at sa wakas tinigilan din nila ako.

Sa loob din ng isang linggo na yun ay mas naging close ko pa si Steve at yung mga kabarkada nya. Minsan nakakasama din namen yung Bestfriend ko na si Katelyn.

Pero dahil minsan di naman kami sabay ni Bes ng vacant dahil sa isang subject lang kami magkaklase, ako lang ang kumakain mag isa. Di ko rin kasi alam ang Schedule nila Steve. Minsan bigla nalang silang sumusulpot. Basta ang weird lang.

Nakatingin lang ako sa may entrance ng Canteen ng lumitaw dun si Steve at ang mga kabarkada nya kasama si SHIRLEY??? teka? bat kasama nila si Shirley?

remember Shirley? sya yung isa sa mga pasimuno ng pangbubully sakin.

Nakatingin lang ako kela Steve na parang seryosong nakikipagusap kay Shirley habang yung lima naman nyang barkada ay may sarili din atang pinag uusapan.

Umupo sila sa bakanteng lamesa sa may tabi ng entrance. Di siguro nila ko napansin kasi nasa may bandang likod ako.

Abala lang ako sa pagkain ng fries at pagmasid kanila Steve nang may biglang umupo sa bakanteng upuan sa harap ko.

Seryoso yung mukha ng lalaki na nakatingin sakin. Tiningnan ko lang din sya habang nakakunot yung noo ko. ‘problema nito?‘ sa isip-isip ko.

Nakatitig lang sya sakin at ganun din ako. Pero parang nakita ko na sya kung saan. Di ko lang matandaan.

"Wag kang magtitiwala sa mga taong akala mo kakampi mo." pagkasabi nya nyan ay bigla nalang sya tumayo at iniwan akong nakatulala.

'nung ibig nyang sabihin?' Tsk!

"Uy si Jaymee yun ah!" narinig kong sabi ni Ace kela Steve. Dun lang ako natauhan kakaisip dun sa sinabi nung lalaki.

Ngayon ko lang din napansin na wala na si Shirley sa lamesa nila. Lumingon si Steve at parang nagulat na nakita ako.

Nginitian ko lang sila nung lumapit sila sa lamesa ko.

"Kanina ka pa dyan Jaymee?" seryosong tanung ni Steve.

"Oo kanina pa ko dito, bakit?" nakangiti kong sagot

"N-Napansin mo ba kaming pumasok?" parang kinakabahang tanung ni Renz.

Nu bang nangyari sa mga to?! ah siguro akala nila magagalit ako kasi kausap nila si shirley. Hayst! talaga tong mga to.

"Hindi. busy ako kanina kasi kausap ko yung Classmate ko about sa thesis namin. Di ko napansing andyan kayo" pagsisinungaling ko nalang para di na sila kabahan na baka nakita ko sila.

"aahh ganun ba? Kumain ka na?" biglang umaliwalas ang mukha na sabi ni steve.

"Tapos na katatapos ko lang" nakangiti kong sagot. Grabe ha! kanina pa ko nakangiti sa kanila. Ang gwapo kasi ni Steve. Hayst!

"Ahmm Jaymee, pwede Favor?" -steve

"anu yun?" -ako

"Pakigawa naman nung Assignment namen sa Math, di na kasi namen magagawa dahil may practice pa kami ng Basketball. Kakalabanin kasi namin yung college of commerce next week" pagmamakaawa nya habang nagpapuppy eyes.

"Yun lang pala. Sige walang problema" sagot ko kaagad

"ay pati na rin pala yung sa Natsci namen."

Di na ko nakapagSalita dahil nilabas na nila yung mga notebook nila at nilapag sa harap ko. Ngumiti nalang ako sa kanya. Haha katuwa talaga sila parang mga bata.

After nun tumayo na kaming lahat at sabay sabay na kaming lumabas ng canteen.

Naghiwalay lang kami nung sa paliko na papunta sa Business Ad building. Pupunta pa raw kasi sila ng gym para magpractice. Ako naman diretso na papuntang next subject ko. Grabe bigat ng bag ko. Dagdagan daw ba kasi ng anim na notebook. pero okay lang, para naman kay Steve at sa barkada nya.

STEVE POV

"wew Steve! galing mo talaga mang uto" natatawang sabi ni Fifth.

kakaliko lang namen papuntang gym. Haha. Kakatawa talaga yung Pulubing Nerd na yun. Kung di nga lang sa pustahan di ko talaga didikitan yun. Nakakabwiset syang kasama. Bukod sa Panget na nga, Ang Cheap pang manamit.

"Akala ko nakita nya tayo kanina na kausap si Shirley" tatawa tawa ring sabi ni Renz.

Dahil din sa bwiset na pustahan na yan kailangan pa kong lumayo muna sa Girlfriend ko para di makahalata si Panget.Tsk! Di bale pag nanalo naman ako kaming dalawa makikinabang. *evil laugh*

Papasok na kami ng Gym ng makasalubong namin sila Aizen at ang barkada nya na palabas naman ng Gym. Kakatapos lang siguro nilang magpractice. Sila ang makakalaban namin next week.

Naglalakad lang kami ng bigla akong banggain sa balikat ni Aizen.

"Ay Gagong to ah!" Akmang sasapakin ko na sya ng awatin ako ni Von at Kenon.

Bwiset talaga tong Aizen nato! Hindi porket sila may ari ng school na to, hindi ko na sya papatulan.

"Nakaharang ka kasi sa daraanan ko"

Ay gago talaga! pagkasabi nun tinalikuran na ako at naglakad.

"BWISET! BWISET!" sa sobrang inis ko sinipa ko yung basurahang nasa harap ko. Buti nalang walang laman.

Nakakabwiset talaga yung pagmumukha ng Aizen na yun. Bukod sa napakayabang, inagawan pa ko ng pwesto bilang MVP last year. Bwiset talaga!

Hintayin mo lang Aizen. Darating din ang araw na matatalo din kita.

______________________________________________________________________________________________________________________________

[a/n]

Sorry po sa mga typo-errors. NakaMobile lang po si ako.

Ayan! 3 chapters in 1day. Next time na ako mag UD pag naka 20 votes na ako. Comments rin kau.

--JHOEYNESS

The Stupid RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon