JAYMEE'S POV
"Ano pong order nila mam?"
tanong ko dun sa costomer na nakapila.
Andito na ko ngayon sa Part-Time-Job ko sa isang fast food chain. Dahil dagsa ang costomer, in-assign muna ko ng manager namen na tumao sa counter.
Grabe lang! ang haba ng pila ng bawat counter. Parang walang katapusan ang pagdagsa ng mga tao.
Nung sinabi na ni Ateng customer ang order nya, in-assist ko kaagad para mabilis din ang usad ng pila.
"Ano pong order nila sir?" tanong ko dun sa next costomer pagka alis nung nauna.
Nakayuko lang sya at parang may kinukuha sa bulsa nya. Nung pag angat ng mukha nya ay bigla akong kinabahan..
Iginala ko agad ang mata ko sa loob ng store at hinanap ang gustong makita ng mata ko.. And there he is! Kasama ng mga barkada nya. Nakapwesto sila sa pang waluhang tao.. Mga nagkwekwentuhan. Napangiti nalang ako nung nakita ko syang tumatawa.
Di ko alam kung bakit simula nung mapalapit ako sa kanya, iba yung feeling.
"Hello miss! yuhoo!"
napatingin ako dun sa lalaking nagwawagayway ng kamay nya sa harap ko.
"kukunin mo ba ang order ko o tutunganga ka nalang dyan?" As usual! Sungit pa rin. Sya ata pinakamasungit sa kanilang magkakabarkada.
"Yes ACE?, nu nga ulit order mo?"
nakangiti kong sabi kay Ace.
"Tatlong 2 piece-- Wait! Kilala mo ko?" nanlalaki ang mata at parang gulat na gulat na tanong nya. Nakaturo pa yung hintuturo nya sa dibdib nya.
Ay. Shete! Hindi pala ako naka Nerd outfit ngaun. Pero okay lang na sabihin ko sa kanila na dito ko nagtatrabaho. Mga kaibigan ko naman sila e.
"yeah!" natatawa ko pang sabi
Nakakunot pa rin ang noo nya at maimtim na nakatitig sakin na halatang naghihintay ng susunod ko pang sasabihin.
"Jaymee to baliw!"
"huh? but how ---" di makapaniwalang nakatitig sa akin
"mamaya ko na sasabihin. Break ko after 5 mins. weyt nyo nalang ako dun sa table nyo. Sa ngayon ano muna order nyo, kasi mahaba na po ang pila" mahaba kong paliwanag sa kanya at tinuro pa yung mahabang pila sa likod nya.
"A-ah O-okay" di pa rin makapaniwalang sabi nya.
"Wait ka namin sa table namin" sabi nya habang kinukuha na ang mga order na sinabi nya.
Tumango lang ako at ngumiti.
After ng isa pang customer ay nagBreak muna ako.
"Hi guys!" masigla kong bati sa kanila. Mga nakakunot naman ang nuo na tumingin sila sakin.
"Guys, I forgot. Dito pala nagpapart time job si Jaymee" biglang singit ni Ace
"Oh talaga? Nasaan na sya" sabi ni Steve na luminga linga sa paligid ng Store. Pati din yung apat na mokong ay luminga linga na rin. Ay naku! mga shunga.
"I'm Here!" nilakasan ko pa ang boses na sakto lang din para tumingin sila sakin.
"Ahmm Miss, Its absolutely obvious that you're there. We're not blind and if you don't mind pls. leave us alone. We don't even know you, besides we're looking for our friend!" iritableng sabi ni Von.
