7th Catch: Good Vibes

34 5 5
                                    

7th Catch: Good Vibes

Namie

Magse-second subject na in the morning pero wala pa rin iyong Stan na iyon. Kahit kailan talaga hindi punctual iyong nerd na 'yon. Tapos Physics pa ang second subject. Teka bakit ko ba hinahanap iyon ? Tss. Nahihilo tuloy ako.

Maya-maya biglang kumalabog ang pinto pabukas at iniluwa nito ang dalawang pawis na lalaki na halatang nagmadaling makarating dito.

Sa wakas nandito na rin si Nerd at ... 

Si Catch ?

++

Instead of listening to the lecture, I was throwing dagger looks at Catch. Tengene. Akala ko ba doon na siya titira ? 

'Aren't you happy?'

Who would be happy kapag pinaniwala ka at pinagmukhang tanga?

'Whogoat.'

Tigilan mo ako.

"Namie. Uyy Namie. " bulong ng katabi ko. Si Stan.

" What?!" I said while having a hard time controlling my temper.

" Kawawa naman iyang nasa harapan mo. Ex mo ba ? " I raised my brow because of what he said.

" Ex? You've got to be kidding me. " Hindi makapaniwalang sagot ko sa kanya.

" So, bakit parang pinapatay mo na siya sa isip mo ? " I rolled my eyes.

" Why do you care ? Just please , hindi porket hinatid kita kahapon may karapatan ka ng mangialam sa akin. We're not even friends. " Naiiritang sagot ko sa kanya. 

" Ahh. Sorry. " Tss. I know I'm rude , but this time I'm not sorry.

++

I was planning to go to the canteen to buy my favorite cola-flavored lollipop nang makasabay ko sa paglalakad si Catch. Nagkatinginan kami pero I see no reaction from his eyes. What-the-hell?

Mas nauna na siya sa akin since malalaki ang mga hakbang niya. Hinabol ko siya ng mapatigil ako. Wait...Bakit ko siya kailangang habulin ? Hindi ba siya ang may atraso sa akin? Bakit parang siya pa ang galit? Ughhh! Catch, ang sakit mo sa bangs kahit wala akong bangs ! 

Bumili ako ng sampung piraso ng lollipop at dumiretso na sa classroom . Hindi naman kasi ako pagagalitan kahit magklase akong may nakasalpak na lollipop sa bibig.

" Ang dami naman." nakayuko at hindi nakaharap sa akin na sabi ng katabi kong si Stan. Hindi ko siya pinansin kaya nagpatuloy siya.

" Pero mas makakatipid ka kung isang pack na lang ang binili mo. "

" Is it really your hobby to meddle with my life ? " walang gana kong sabi sa kanya.

" I'm not meddling, I'm suggesting. " nakayuko pa ring sabi niya.

" Tss. Just don't talk to me , 'kay? " sabi ko habang binabalatan ang isang lollipop na binili ko.

Hindi na siya sumagot, sign ng pagsunod niya sa sinabi ko.

++

Lunch time , pumunta ako ng canteen to eat with Jazz. Unfortunately, mukhang wala pa siya. I buy my food then look for some table to eat . Masyado ng maraming tao nang makita ko si Catch na mag-isang kumakain. Nagdalawang isip ako kung doon ba ako uupo. Since I think I don't have a choice even though I have, dumiretso ako doon at umupo para na rin makausap siya.

Napalingon siya sa akin nang umupo ako and he half-smiled. He just continued eating then maya-maya napatingin siya sa akin habang ako, nagdadalawang isip sa sasabihin ko sa kanya. 

Hindi maalis sa isip ko na sa ilang araw lang siyang nawala pero parang may akwardness. Ano bang nangyari sa Japan?

Nakatitig siya sa akin nang bigla siyang ngumiti. 

" Hindi mo ko matiis 'no? " natatawang sabi niya.

Iyong pag-iisip ko ay biglang na palitan ng pagkabwiset. So, another joketime for him ? Hindi niya ako pinapansin para makabanat siya ng ganyan? Tengene. 

" Why are you avoiding me ? Don't tell me para lang makabanat ka ng ganyan? " tanong ko.

" Of course not. I have my reasons. " sagot niya. I raised my brow, questioning, for him to continue telling. 

" I thought you're mad at me for leaving you. " nangingiting sagot niya.

" Mad at you? Sa lahat ata ng nambwibwiset sa akin, sa'yo ako hindi na gagalit!" Napasigaw ako dala ng emosyon.

" Sigurado ka ? " biglang lumaki ang ngiti niya. "Eh, ngayon pa lang, oh. Galit ka na. "

I calmed down a little.

" Fine. It doesn't matter anymore. Just tell me,  why did you lie, Catch? " pang-uusisa ko sa kanya.

" Well , I just half-lied to you. Hahaha. " What's so funny ? 

"First of , I was serious about me going to Japan kaya ako na wala for some days . And I lied when I told you I was staying there for good. I don't know pero , hahaha, pumasok lang sa isip ko na sabihin iyon nang kausap na kita sa phone. " At natatawa pa talaga siya. Haay , Catch.

"Ewan ko sa'yo. Pagkatapos kong mabahala for some days niloloko mo lang pala ako? Bwiset. " I said while rolling my eyes.

" If I know hindi ka man lang umiyak. " naiiling na sabi niya.

" Tss. Why should I? Asa ka naman. " I said then stuck my tongue out.

Tumawa lang siya at nagkwento lang siya ng nangyari sa Japan. Tss. Puro singkit daw nakikita niya. Para nga daw nakikipag-usap sa kanya ng tulog. Pumunta rin siya sa Harry Potter themed park doon at ipinakita sa akin ang picture niya habang umiinom ng Butter Beer. Nagpainggit pa ang loko.

Sinabi niya rin na maraming magaganda at wala daw ibang gwapo bukod sa kanya. Tss. Nadala niya ba ang lamig sa Japan dito sa Pilipinas? 

Naikwento ko rin sa kanya si Stan. Tawa siya ng tawa dahil ginawa daw akong driver ni Stan . Binatukan ko nga. Tss. Hindi ako ipinanganak para maging driver ng isang nerd. 

Minsan tumatawa-tawa din ako sa mga pinagkwe-kwento niya. Inasar ako ng mga kaklase ko pagdating ko sa classroom dahil nitong mga nakaraang araw daw ay palagi daw akong busangot at nagsusungit. Si Catch lang daw pala ang kailangan para mapatawa ako. Tss. Kung sinasama kaya nila ako sa kwentuhan at kalokohan nila, edi hindi ako nao-out of place pagkasama sila. Tss.

Well, this is me. Madali akong mainis at magtampo. Pero hindi ako marunong magtanim ng galit. Nakakapangit kasi 'yon. Kaya ikaw, huwag kang magtanim ng galit, baka mas pumangit ka. Haha.

'Ang saya mo ah?'

Che ! Haha . Huwag ka munang epal konsensiya. 

'Fine'

Wow. Ikaw nagsusungit ngayon. Hahaha.

++

"Hello Kuya! Paki sabi kay Mama baka 7 na ako makauwi . Maggagala lang kami muna ni Catch. Bye , Kuya Trick. Lav yah. " nakangiti kong pinatay ang phone.

Lumingon ako sa gilid ko at nakita kong nagtataka ang mukha ni Catch.

"What ? Masama na bang maging masaya at mabait ngayon?" Nangingiti kong tanong sa kanya. 

Napatawa na lang siya at napailing. 

++

A/N: Stan on the side :D 

CatcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon