8th Catch: Bitches
One month has passed nang magsimula ang klase. One week has passed nang simula akong ihatid sundo ni Catch. One day has passed nang simula akong iwasan ni Stan. And one hour has passed nang muli akong makatanggap ng sulat.
Akala ko noong una tumigil na kaya nawala na ito sa isip ko. Hindi ko inakala na mangangambala ulit ito.
Naglalakad ako noon nang mapatigil ako nang may maramdaman akong kakaiba. I look around me pero parang wala naman . Dumiretso ako ng biglang may humila sa akin pakanan patago sa loob ng isang classroom. Hindi ko na namalayan pero bigla na lang may tumapon na kung anong likido sa kaninang kinalalagyan ko. Kunot na kunot ang noo ko nang lingunin ko ang humila sa akin.
"Stan? " takang tanong ko.
" Uh.. Hi?" Alanganin niyang ngiti habang dumadaloy ang pawis sa kanya.
"What the freak just happened? " Tanong ko na wala sa sarili.
" Uhh.. Let's get out of this room first? " He suggests.
"Well, okay. " Sagot ko kaya lumabas din kami ng pinto.
We decided to go to the canteen since it is lunch time. While on our way, may dalawang babae kaming nakasalubong na tumatawa-tawa.
"Oh, so Namie is hanging out with the campus nerd? Hahaha. " natatawang saad ni, uhh... what is her name again? Dianne ata. Ewan .
" I know right. Loser with the loser. Good combination ! " natatawang sigaw ng isa na animo'y may bagong nadiskubreng mahalagang bagay.
I eyed them from head to toe. Bigla silang natahimik at umayos ng tayo. I smirked. Kahit sa simpleng tingin lang pala naaapektuhan na pala itong mga ito. Well, sa tapang nila, I can say that my middle finger can salute them .
" May sasabihin pa kayo? Kung kayo walang kwenta ang bawat segundo sa mundo,ibahin niyo ako. Hindi ako kasing walang kwenta niyo. " I smirked then raised my brow. Natauhan ata kaya umalis na lang sila ng may naiiritang mukha.
Nilingon ko ang katabi ko .
" Shall we ? " nakangiting tanong ko.
Tumango lang siya bilang sagot.
Sa isang buwan na naging kaklase ko siya , I can say na naging medyo malapit kami sa isa't-isa. Siguro kasi wala masyadong nagtiya-tiyagang kausapin siya. Pero ewan ko kung bakit may lakas siya ng loob kausapin ako gayong sa iba'y natatakot siya. Tss. Well, it doesn't matter, anyway.
Nakaupo kami sa table ng magsimula siya.
"Sorry . "
"Huh? Why are you saying sorry ? " tanong ko.
"Ako kasi ata ang target noong prank sa hallway . Ikaw pa ang muntik na matamaan. Mabuti na lang..."
"Dumating ka. The thing is hindi naman ako natamaan , so are you. Ayos na iyon . Don't think too much. Akala ko pa naman ako lang ang may talent na ganyan. " ngumiti ako to lighten the mood. And good thing, ngumiti din siya.
We just ate and talk about whatever dahil wala si Catch na manggugulo sa amin. Naging lahi kasi niya ng mga nakaraang araw ang biglang pagsingit kapag nag-uusap kami. Kaya sa mga ganitong pagkakataon, sinusulit na.
Kinuha ko ang tissue at ipinunas sa gilid ng bibig niya nang makitang may dumi dito. Upon doing that, I felt a flash from my side. At ang bwiset na dalawang babae ay naroroon na naman.
" How sweet..." mapang-asar na sabi ni Chesca ...ata?
" They're so cute. " titig sa litrato na sabi ni Dianne.
Mahaba ang pisi ko. Pero gaano man kahaba iyon, pwedeng-pwedeng maputol.
I rose from my seat na sinabayan din ng pagtingin ng dalawa sa akin.
" Oh , Namie . Gusto mo bang ipasa ko sa'yo? "Mapang-asar na sinabi ni Dianne.
" Ipasa sa akin?Ano namang ipapasa mo sa akin? Maybe you mean , sa phone ko? " nangingiting sabi ko sa kanya.
They rolled their eyes in unison.
"Porket ba wala si Catch ngayong araw nakikipaglandian ka? Sa isa pang Loser Nerd ?! " maya-maya'y naghihisteryang sigaw ni Chesie.. uhh Chesca pala.
" Funny. I didn't know that eating with a friend already means flirting. If you have any problem about me using a tissue to remove a dirt from his face , just tell me. I can do it to you. Kaya lang naisip ko, kakailanganin ko ang maraming tissue, buong mukha mo kasi iyong madumi. " natatawa-tawa kong sabi. Narinig ko na din ang munting hagikgikan sa palagid. Tss. Attention again. I hate attention. Hindi ako katulad ng mga babaeng ito na attention seeker.
Nanlalaki ang mga mata nila habang naghahanap ng salita para masabi. Ang boring nilang kausap. Sinenyasan ko ang nangingiting si Stan na aalis na kami. Naglalakad na kami nang makaramdam ako ng lamig. Nilingon ko ang dalawa at tatawa-tawang nag-apir.
Susugudin ko na sana sila pero pinigilan ako ni Stan . Tinignan ko siya pero umiling lang siya.
Hindi man ako nabasa ng prank sa hallway , sa kagagahan naman ng dalawang 'to , oo.
Nagkakaguluhan na ang iba sa canteen habang ako nakatitig sa dalawa, tinitimbang kung ano ang gagawin.
"Oo-oops... " pa-inosente kunwari na sabi ni Dianne. Siniko-siko niya si Chesca at umalis sa harapan ko.
I smirked. Nabasa na ako lahat-lahat pero sa isang titig ko lang,bakit nawawala ang tapang nila?
Ni minsan wala pang nakakita ng pagkagalit ko. Nagsusungit ako minsan . Nangbabara. Pero ang magalit ? Hindi pa.
Kaya siguro kapag tumahimik na ako at tinitigan kung sinomang bwiset sa buhay , sila na ang lumalayo.Pero honestly,kahit ako hindi ko alam kung paano ako magalit.
Naglakad na ako palabas ng canteen habang sumunod ata si Stan. Sinabihan ko siya na magpapalit ako. Dumiretso ako sa locker room , at kumuha ng damit na pampalit. Mabuti at nandito ang PE shirt ko. I changed my clothes . Mabuti at tubig lang ang inorder ko at hindi ako nanglalagkit ngayon.
Pumunta ako sa lababo at naghilamos. Kinuha ko ang panyo sa bulsa at pinunasan ang mukha. Inayos ko ang damit ko at naglakad na palabas ng may makita akong nakadikit na sticky note sa wall.
At ito na naman ang pakiramdam. Nagtayuan na ata lahat ng buhok sa katawan ko kung pwede lang. Hinila ko ito mula sa pader at nagmadaling umalis sa banyo. Kung nandoon man iyong taong nag-iwan noon, I don't want to be enclosed in a place with him/her.
++
Nakatitig sa kawalan habang nakaupo sa upuan sa harap ng study table na may librong nakabukas na pinagpatungan ng mobile phone, iyan ako ngayon. I'm bothered again. But I don't want to think about this. I know overthinking won't do me any good,but you see? It is part of being a living person. To overthink and think of every damn possible reason for a thing that just happened.
I picked up the sticky note that I pasted in my phone's screen.
Namie,
Bitches are witches in your life ,my Princess.
Want to punch them hard?
So am I.
~Lightning
"Namie ! Kain-Ano 'yan ? " masayang pagbulaga ni Catch habang nagte-trespass sa kwarto ko na kaagad na napalitan ng nagtataka niyang mukha.
++
BINABASA MO ANG
Catcher
JugendliteraturHow are you going to stand from the fall if the one who pushed you is the one that you expect to catch you ? /On Hold