3rd Catch : The Catcher (Part 2)

81 7 5
                                    

"So you're really leaving , huh? " pagbabasag ko sa katahimikan.

" Oo. " 

" Hindi talaga akong pwedeng sumama ? " sabi ko habang kunwari'y nagmamakaawa. 

" Ang kulit mo talaga. " sabi niya sa akin . Maya-maya bigla siyang tumawa ng malakas. 

" Are you crazy? Bigla ka na lang tumatawa diyan ." kunot-noong tanong ko sa kanya. 

" I'm Catch . I'm not Crazy. Hahaha. Wala naman, naalala ko lang 'yong hitsura mo kanina. That was so epic , Namie ! Hands down ! Hahaha !" And he laughed there like there is no tomorrow. Hawak-hawak niya pa ang tiyan niya habang hinahampas naman ang hita niya. 

" Catch and Crazy? Parang wala kasing pinagkaiba . Alam mo 'yung parang match made in heaven 'yong words. And add the fact that they both start in letter C . Parang mas bagay pa nga 'yong pangalan na Crazy sa'yo ! Hahaha ! " iyan ang sinabi ko para malihis ang topic sa kahihiyan ko kanina. 

After hearing what I've said he just glared at me then smirked.

" Ganoon ba ? " sabi niya then bigla akong kiniliti sa beywang. Shit ! Malakas pa naman kiliti ko doon !

" Ano ba Catch !? Huwag ka ngang- " sigaw ko at biglang tumayo sa bench na kinauupuan namin nang may mabangga't matapakan ako pagkatayo ko. Tumalikod ako at nakakita ng isang lalaking nakayuko habang aligagang pinupulot ang libro't salamin na nalaglag nang marahil ay nabangga ko siya .

" S-sorry. " nauutal na sabi niya nang mapulot niya na ang mga gamit niya. I was about to say sorry pero mabilis pa sa kidlat , wala na siya sa harapan ko. Nagmamadali siyang tumakbo nang mabangga siya sa isang poste. Napahawak ako sa bibig ko to suppress my laughter. Pero si Catch , talagang ang lakas ng tawa. Ang weird noong lalaki. Well, kung first look mo talaga sa kanya , with his book and outfit, you'll be  able to conclude that you've met the Legend- the legendary Nerd. 

Nilingon ko si Catch na hindi parin na kakaget-over sa nangyari. 

" Hoy ! Tama na . Crazy ka talaga ." Sabi ko sabay hampas sa kanya. 

" Aray! Pasa ba ang ipapadala mo sa'kin as remembrance ? " sabi niya sa akin nang sa wakas ay tumigil na siya sa katatawa. 

" Well , not really but you gave me an idea. " I was about to smack him again pero nakaiwas siya sa pamamagitan ng pagtayo sa kinauupuan niya. 

" You wish . Hahaha ! " sabi niya at nagtatakbo like a crazy bastard, again.

" Hey , wait for me ! " sigaw ko sa kanya noong medyo malayo-layo na siya.

Lakad-takbo ang ginawa ko dito sa maluwang na parke para mahabol siya . Maya-maya ay hindi ko na siya makita. Tumigil na ako sa paghahanap sa kanya at lumapit sa isang puno at naupo sa bench sa ilalim nito. 

Ganito naman palagi,eh. Tinataguan niya ako. Marahil na rin sa pagod ay isinandal ko ang ulo ko sa puno at pumikit. Pakiramdam ko ay may gumalaw but I didn't bother to open my eyes. If that's a murderer , huwag muna siyang magulo, napagod ako sa katatakbo. 

Minutes passed and unti-unti na akong hinihila ng antok ng mag-ring ang cellphone ko.

Incoming Call...

Edge

After seeing the caller , I answered it then closed my eyes. 

"Kuya."

CatcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon