9th Catch: Nominated
" Grabe, ang sakit ng tiyan ko sa kabusugan. " hawak-tiyang sabi ni Catch.
" More like, masakit ang tiyan mo sa katakawan. " natatawang pang-aasar ko .
" Ako pala ang matakaw akala ko ikaw,eh. " Sinabi niya na parang may bagong discovery.
" Tss, nangibang-bahay ka pa nga para lang makikain. Para naman wala kayong pambili. " Nakita ko namang napangiti siya pero hinayaan ko na lang. Nakatingin lang kami pareho sa langit. Nakatingin sa mga naggagandahang bituin na kumikinang sa dilim ng gabi.
" Namie..."
"Oh? " tanong kong hindi pa rin nakatingin sa kanya.
"Alam mo bang susungkitin ko ang mga bituin para sa'yo?" Lumingon ako sa kanya. I smirked.
"Sige nga,gawin mo nga. " I said challenging him.
"Susungkitin ko pero... "He smiled.
"Ikaw ang gumawa ng panungkit. Hahaha." Habang tumatawa siya nang parang walang bukas ay tinulak ko siya dahilan para bigla siyang mapatigil at mapahawak sa railings ng veranda.
" Niloloko lang kita ihuhulog mo na ako kaagad. Grabe, Namie. Hindi ko alam na ganyan ka . " He crossed his arms at tumalikod pa siya para kunwari nagtatampo.
"Hoy, huwag ka ngang magdrama diyan! Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit wala ka kanina. " sabi ko na ikinalingon niya.
"What? But I told you already! Masama ang pakiramdam ko kanina. " pagpapaliwanag-kuno niya.
" Masama ? Like what? Masakit ang tiyan, nahihilo, nasusuka, may cancer, may heart disease o buntis? " tanong ko.
" Namie, I didn't know that being pregnant is considered as 'masamang pakiramdam' . Basta ang hirap i-explain. It seems like iyong mga sinabi mo ay nagsama-sama,well, except sa cancer and heart disease. " pagpapaliwanag niya ulit.
I just rolled eyes and tinignan ang phone kong kanina ay nagvibrate.
1 message received
I opened the message and I read that it came from Stan.
From: Stan
Namie! Napadaan ako sa office kanina and narinig ko ang pag-uusap ng mga teachers and isa ka sa nominated para sa School Council's President. Akala ko ayaw mo ?
Nanlalaki ang mga mata ko habang binabasa ko ito.
"Problem? " Narinig kong tanong ni Catch.
"Ssshhh. Huwag ka munang magulo. " Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Naramdaman ko namang lumapit siya para silipin kung anong ginagawa ko.
Siniko ko siya. "Ano ba? Kailan ka pa natutong makichismis sa text messages ko? "
" Uhh, ngayon lang ? " Sinamaan ko siya ng tingin .
"Fine. " Natatawang nakataas ang kamay niya as a sign of defeat.
Hindi ko muna nireplayan si Stan. Pumasok na kami sa loob ng kwarto ko at maya-maya lang pagkatapos akong bwisetin ni Catch kung sino 'yon ay umuwi na din siya. Pumunta pala dito ng walang sasakyan ang kumag. Nagpahatid pa kay Kuya Dino, ang kapal .
++
To: Stan
What? Anong nominated? Ni wala nga akong interes sa mga ganyan,tapos tatakbo pa ako as President? Like, what the f***?
Sent.
There are two ways para mapasama ka sa pagpipilian sa eleksyon: first, i-nominate mo ang sarili mo. Second, ang pagnominate sa'yo ng isang teacher.
Now, since I didn't nominate myself,this means only one thing...
My phone vibrated and it is a reply from Stan.
From: Stan
This means some teacher nominated you.
To: Stan
Tss. But who is that effin teacher?
Sent.
From: Stan
Baka si Sir Que?
Bigla akong napaisip. Pero... alam ng lahat especially our adviser na ayokong tumakbo sa kahit anong eleksyon.
To:Stan
Malaman ko lang na siya ang gumawa no'n , susugurin ko talaga siya. Arggh! Kainis.
Sent.
From: Stan
Chill! Haha. Many people will support you! :)
I don't know kung pampagaan ng loob iyan or what, pero whatever it is ,hindi ko pa rin tanggap.
To:Stan
Night.
Sent.
++
"Sir! " sigaw ko pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Sir sa loob ng classroom.
" Yes, Miss Valdez? "Nakangiting tanong ni Sir.
" I am nominated as the School council's president. " saad ko.
He smiled. "It is a problem because ?"
"I didn't nominate myself. That means some teacher did. Is it you,Sir? " I said emphasizing the word Sir.
"Yes. But it is the decision of the whole classroom. " He smiled and looked at my classmates. Napatingin din ako.
Kanina pa pala sila nakatingin sa amin. I rolled my eyes. Matagal nang gusto ng mga kaklase ko ang maging student leader ako, pero ngayon lang natuloy ang pagtakbo ko. Tss, hindi kasi katulad ng mga dating teacher namin si Sir Que, pagsinabi niya kasing sige, talagang mangyayari. Kainis.
Nagngitian lang ang mga kaklase ko.
"Give it a shot Namie! Subukan mo lang! " Sigaw ni Marko mula sa dulo.
I mentally rolled my eyes. I raised my right hand then shouted, " Whatever!"
"Whatever means Yes , Namie! Hahaha!" Natatawang saad ni Catch. Hinayaan ko na lang silang magtawanan at umupo na . Tumingin ako sa kaliwa ko, at ngiting-ngiti si Stan . Inihilamos ko ang kamay ko sa mukha niyang natatawa.
Maybe you think I'm overacting. But you don't know what I'm feeling right now. Para makarelate ka, let's putnit this way,it is as if you are force to do something you loathe to do.
++
BINABASA MO ANG
Catcher
Teen FictionHow are you going to stand from the fall if the one who pushed you is the one that you expect to catch you ? /On Hold