NYLA'S POV
Andito kami ngayon sa harap ng Potter's Field Academy. Ang laki at ang ganda ng eskwelahang ito. Tama nga na dito ako nag-aral. Iilan lang kaming mag aaral dito ngayon kaya perfect talaga ito for me. Ayoko kasi pag crowded. Masyadong magulo. Madumi. Maingay. Nasa malalim akong pag-iisip ng may lumabas na medyo may katandaang lalake mula sa loob ng eskwelahan at may hawak itong mikropono.
: "Welcome to Potter's Field Academy my dear students. I am Mr. Ronaldo Ongpauco, the principal of this institution. I hope that you will have a great time studying and staying here. Everything you need are inside this institution. Come, follow me and we will stroll around the campus. Iwan niyo na lang ang mga gamit niyo diyan at bahala na yong mga guards na magbuhat papunta sa dorm ninyo." tuloy- tuloy na sabi nito na dinig sa buong campus at nagpauna ng pumasok sa loob.
Pagpasok namin ay nalula kami sa aming nakita. Sa harapan namin ay isang napakalawak ng garden na punong puno ng maraming naggagandahang bulaklak at may mga naglalakihang buildings sa paligid.
MR. ONGPAUCO: "This is Potter's Field Academy Garden. As you can see, it is full of different kinds of flowers. Flowers from the different parts of the world. Dito sa garden, pwede kayong maglaro, magpicnic, magpahinga. Siya nga pala si Mang Berto, ang ating gardener." tukoy niya sa lalakeng nakasumbrero na kasalukuyang nagtatanggal ng mga damong ligaw. Naglakad na ulit ang principal papunta sa unang building sa kaliwa.
: "ang gaganda ng mga bulaklak. Di ako magsasawang kunan ito ng mga litrato." saad ng babaeng may bitbit na camera sa aking tabi at sunod sunod na kinunan ang mga bulaklak sa garden. Napangiti na lang ako sa aking narinig at naglakad na para sundan ang principal.
MR. ONGPAUCO: "This three-storey building is Potter's Field Academy Mall." saad ng principal. Narinig kong nagbulungan ang ibang mga estudyante na parang namamangha. Sino ba naman kasi ang hindi? Mall sa loob ng eskwelahan? "Alam kong nagulat kayo na may mall sa loob ng eskwelahan. Sinadya talaga ito dahil nasa isang isla tayo. Ayaw naman ng pamunuan na maramdaman ninyong para kayong nakakulong. We do not want to take the fun out in you. Sa ngayon, self-service muna sa loob ng mall sa kadahilanang kokonti pa lang naman kayo. Pwede ang credit card o cash na pambayad. Maraming nakakalat na cctv sa loob kaya makikita namin kung sino man ang kukuha ng gamit na hindi magbabayad. Automatic expulsion ang parusa dito." pagpapatuloy ng principal na nagsimula na namang maglakad papunta sa susunod na building. Sino ba naman ang hindi magbabayad? Hello?! Requirement kaya na dapat mayaman para makapasok dito. Oh my G! Depende na lang kung may clepto dito. I'll be careful with my things na lang.
MR. ONGPAUCO: "Ito naman ang Potter's Field Academy Chapel." saad ng principal. Chapel daw pero kasing laki ng Cathedral. Haha. "Every sunday at 7 am ay may iniimbitahan ang eskwelahan na pari para magsagawa ng misa dito." sabi pa nito. Nag sign of the cross muna siya bago nagpatuloy ulit sa paglalakad. Nag sign of the cross din kaming lahat sa harap ng chapel at sumunod na ulit sa principal. Nakarating kami sa isang dalawang palapag na gusali at ito ay ang library ayon sa nakasulat sa taas ng unang palapag.
MR. ONGPAUCO: "This is the school library. Sa unang palapag ay puro mga babasahin. Books, newspapers, magazines. Sa ikalawang palapag naman naroon ang mga computers. A hundred computers. Nakaprogram lamang ang mga ito for research purposes. Sila pala ang mga librarians dito sa school," tukoy ng principal sa dalawang babaeng nakatayo sa harapan ng library. "sila sina Ms. Noreen Corpuz at Ms. Mirasol Esteban."
MS. CORPUZ: "Good morning sa inyong lahat." bati ng babaeng medyo payat na may kaliitan.
MS. ESTEBAN: "Welcome to Potter's Field Academy." sabi naman ng babaeng medyo mataba at nakasalamin.
BINABASA MO ANG
POTTER'S FIELD ACADEMY
Mystery / ThrillerAng bagong tayong eskwelahan kung saan mga piling estudyante lamang ang tinatanggap. Kung ikaw ay matalino, maganda, gwapo, mayaman, at talented, pwede ka sa eskwelahang ito. Lahat ng mga makabagong teknolohiya ay makikita dito kaya naman maraming g...