CHAPTER 7

26 0 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Rrrrrrriiinnnnnggggg!!!!" Tunog ng bell. Hudyat na ng pagtatapos ng recess at pagpapatuloy ng klase. Nagsitayuan ang mga estudyante at naghanda na para sa pagbalik nila sa kanilang classroom.

XED: "Tapos na ang recess pero wala pa rin si Leinad." sabi nito sa mga kasama.

BASTI: "Baka naman tinamad na siyang pumunta dito sa cafeteria." sagot nito.

CHOU: "Baka naman naiflush na sa cr." sabi nito na ikinatawa nilang lahat.

JP: "Tara na guys. Tanungin na lang natin siya mamaya kung anong nangyari." pagtatapos nito. At naglakad na sila palabas ng cafeteria.

Habang naglalakad ang magkakaklase pabalik ng kanilang classroom ay mapapansin ang pagiging tahimik at mag-isang paglalakad ni Resty kaya nilapitan ito ng dalawa niyang kaklase.

NICOLE: "Resty napansin lang namin na palagi kang nag-iisa at tahimik lang." panimula nito habang sinabayan nila ito sa paglalakad. "Ayaw mo bang makihalubilo sa ibang tao?" tanong pa nito.

RESTY: "Hindi lang ako sanay." maikling sagot nito.

NICOLE: "Paanong hindi sanay?" tanong ulit nito.

RESTY: "Solong anak lang ako. My parents are busy with their business kaya nasanay na akong mag-isa. Mga katulong lang ang palagi kong kasama." paliwanag nito.

MAWEE: "E paano sa school? Mag-isa ka lang din?" tanong nito.

RESTY: "Oo mag-isa lang ako. Sino ba naman ang gustong makipagkaibigan sa loser na katulad ko?" sagot nito.

MAWEE: "Bakit loser? Palagi ka bang natatalo sa mga contest sa school niyo?" matatawa sana si Resty sa tanong nito pero nakita niya ang kainosentehan ng tanong nito sa kanyang mga mata.

RESTY: "Hindi ganon. Sa katunayan, ako ng number 1 sa school namin dati. Ang ibig kong sabihin, palagi akong binubully sa school kaya walang gustong makipagkaibigan sa akin." sagot nito na medyo nangingiti.

NICOLE: "Ang sama naman nila. Hayaan mo dito walang bubully sa yo." sabi nito ng nakangiti.

MAWEE: "Oo nga walang bubully sa yo dito. Gusto ka naming maging kaibigan, pwede ba?" tanong nito.

NICOLE: "Friends?" tanong din nito.

RESTY: "Friends." sabi nito at ngumiti sa dalawa.

Nagsimula ng magkwento ang dalawang babae habang nakikinig lang si Resty dahil medyo naninibago pa ito sa pagkakaroon ng mga kaibigan pero nakikitawa na rin ito.

Pagdating sa kanilang classroom ay agad na hinanap ng magkakaibigan si Leinad pero hindi nila ito makita sa loob.

BRYAN: "Wala naman siya dito. Saan kaya nagpunta ang mokong na yon?" sabi nito.

KYLLE: "Baka nasa cr pa?" sagot nito.

XED: "CR? Isang oras sa cr?" saad nito.

JP: "Baka naman masakit ang tiyan at pabalik-balik sa cr?" sabi nito.

CHOU: "Tara puntahan natin. Wala pa naman ang teacher natin e." sabi nito sa mga kasama at naglakad na sila palabas ng classroom.

JP'S POV

Nandito kami ngayon sa hallway papuntang cr para tignan kung nandon si Leinad. Ano na kaya ang nangyari don? Medyo nagtataka ako kanina pa kasi nagpareserba siya ng upuan sa amin kaya alam kong pupuntahan niya kami sa cafeteria. May nakain kaya siya at sumakit ang tiyan niya?

POTTER'S FIELD ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon