THIRD PERSON'S POV
Eksakto ala una ng hapon ay nagsimula ang orientation program. Lahat ng mga estudyante, faculty and staff ay nasa loob na ng auditorium. Pumunta sa harap ng mikropono si Ms. Soriano, ang emcee ng gaganaping programa.
MS. SORIANO: "To our beloved principal, Mr. Ronaldo Ongpauco, faculty and staff, my dear students, a pleasant afternoon. Today, we will be having a simple orientation program for us to know each other even better. Without further ado, may I please call on our principal, my fellow teachers and the school staff to please come up the stage." saad ni Ms. Soriano. Tumayo at umakyat sa stage ang may labingtatlong katao at isa- isa silang magsasalita. Nauna sa lahat ang may hawak pa rin ng mikropono na si Ms. Soriano. "I hope that you still remember my name. I'm Ms. Angeline Soriano, your class adviser as well as your english teacher. I hope that we will have a good time and memories for the whole school year. Thank you and welcome to Potter's Field Academy." pagtatapos ng guro saka ipinasa ang mikropono sa kasunod sa linya. Nagpalakpakan naman ang mga estudyante.
MR. MARCELINO: "Hello everyone. I'm Mr. Steven Marcelino, your Science teacher." sabi ng lalakeng may suot na salamin, matangkad, maputi, at gwapo. Kapansin pansin na nagtinginan ang mga babaeng estudyante sa isa't isa na may matamis na ngiti sa mga labi habang nagpapalakpakan. Sumunod naman ang isang lalakeng nakadamit ng puti na halatang isang doktor.
DR. CHAN: "Magandang hapon sa lahat. I am Dr. Godofredo Chan, isa akong pediatrician at ako ang inyong magiging school physician." sabi nito at iniabot ang mikropono sa katulad niyang nakadamit din ng kulay puti.
DR. CUA: "Hello everyone. My name is Dr. Justin Cua, your school dentist." sabi nito sabay ngiti kaya nakita ang pantay pantay na ngipin nito.
Habang nagpapakilala ang iba, merong isang tao sa loob ng auditorium na tahimik lang at nag-iisip ng malalim. Sulitin niyo na ang kasiyahang nararamdaman niyo dahil nalalapit na ang inyong katapusan. Iisa-isahin ko kayo. Damay damay na ito. Paglalaruan ko ang mga buhay niyo. Lahat kayo magbabayad. Lintik lang ang walang ganti. Sa isip nito habang nakakuyom ang mga kamao. Let the game begins. Pagkasabi niya nito ay biglang may sumabog sa stage.
Nagulat ang lahat sa pangyayari. Nagtilian ang mga babae. Nakita na lang nila na nakahandusay sa sahig ang isa mga mga security guards na nakilalang si Brando Gaspar. Sabog ang mukha. Sumabog ang mikropono na hawak hawak niya habang nagpapakilala sa sarili. Agad siyang pinulsuhan ng doktor pero wala na itong pulso. Kitang kita sa mukha nilang lahat ang takot at pangamba kaya agad nagsalita ang principal para pakalmahin ang mga tao sa loob.
MR. ONGPAUCO: "Mga kasama, kung maaari ay kumalma tayong lahat. Isang aksidente lamang ang naganap. Tatawag ako ng mga pulis para imbestigahan ang pangyayaring ito. Ms. Soriano, kung maaari ay ilabas mo muna ang mga bata. Masyadong sensitibo ang pangyayaring ito para sa kanila. Ipapadala ko na lang sa mga kwarto nila ang kopya ng school rules and regulations." sabi nito kaya inakay na ni Ms. Soriano ang kanyang mga estudyante palabas ng auditorium. Mahahalata pa rin sa ilan sa kanila na medyo nashock pa rin sa pangyayari kaya minabuti niyang dumaan muna sila sa cafeteria para kumuha ng malamig na inumin at ng mahimasmasan sila sa nangyari.
Habang nasa cafeteria ay nagtipon-tipon ang magkakaklase at nag-usap para makilala nila ang isa't isa. Isang lalake ang nag-initiate ng usapan at nagsimulang magpakilala ng sarili.
MIO: "Hello everyone. Ako nga pala si Marc Emil Lucas. You can call me Mio. Mahilig akong kumain pero hindi tumataba. Haha. Sa eskwelahang pinanggalingan ko, ako ang former vice president ng SSG." sabi ng lalakeng matangkad, medyo payat, chinito at maputi. Sumunod naman ang nakaupo sa kanyang kaliwa na isa ring lalake.
BINABASA MO ANG
POTTER'S FIELD ACADEMY
Mistério / SuspenseAng bagong tayong eskwelahan kung saan mga piling estudyante lamang ang tinatanggap. Kung ikaw ay matalino, maganda, gwapo, mayaman, at talented, pwede ka sa eskwelahang ito. Lahat ng mga makabagong teknolohiya ay makikita dito kaya naman maraming g...