CHAPTER 4

114 3 1
                                    

JAYEL'S POV

Nandito kami ngayon sa cafeteria at nagtipon tipon pagkatapos ng naganap na aksidente sa auditorium. Napagpasyahan ng mga kaklase ko na magpakilala daw kami sa isa't isa at inumpisahan na ng lalakeng nagngangalang Emil.

Kanina ko pa napapansin na panay ang tingin sa kin ng ibang mga babaeng classmates ko pero may isa na bukod tangi na hindi ko man lang makitang sumulyap sa kin. Kung yong iba eh panay ang pa-cute sa kin, siya naman, parang hindi ako nakikita. Ano kaya ang pangalan ng babaeng ito?

Ang dami ng nagpakilala. May mga muntik ng magkapikunan at may mga nagparamdam na agad ng interes sa kaklase pero hindi pa rin siya nagpapakilala. Ang tagal naman niya. Sana siya na. Gusto ko ng malaman ang pangalan ng babaeng ito. Hanggang sa...

: "Talaga? Pwede mo bang idrawing para sa kin yong mga favorite kong anime characters? Nakalimutan ko kasi sa bahay yong mga posters nila e." sabi nito. Sa wakas nagsalita na din siya.

: "Sure. I'd love to." sagot naman ng nagpakilalang Nicole.

: "Maraming salamat. Ako nga pala si Maureen Madamba. Simula noong bata ako, anime na lagi ang pinapanood ko at yong kuya ko naman, binibilhan ako ng mga gamit na anime ang design. Close kami ng kuya ko kaya lumaki ako na one of the boys pero babae po ako. Hehe." mahabang pahayag nito. Kaya pala hindi man lang ako pinapansin, one of the boys pala.

Hindi ako palakibo na tao pero nag-isip agad ako ng paraan para mapansin niya ako. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong tumingin naman siya sa kin. Gusto kong mapansin niya ako. Kaya agad kong sinagot yong sinabi niya.

"Walang nagtatanong." sagot ko. Hindi ko alam kung bakit yon ang nasabi ko. Tinignan niya ako pero imbis na irapan ay nginitian pa ako. Medyo nagulat ako sa ginawa ni Mawee dahil akala ko iirapan niya ako sa kabastusang nagawa ko. Iba talaga itong babaeng to, sa isip isip ko at ipinakilala ko na rin ang aking sarili.

"I'm Jaylord Sunga." sabi ko. Wala na akong balak na dagdagan pa ang sinabi ko. Tutal, ipakilala lang naman daw ang sarili. At hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako.

MAWEE: "Yon lang? Wala ka ng sasabihin tungkol sa buhay mo? Hindi mo man lang ikukwento kung bakit hindi ka marunong ngumiti?" sabi niya na nakangiti pa rin. Medyo nailang ako sa biglang pag-iba ng tibok ng aking puso kaya pinatamaan ko na lang ulit siya.

"Ang sabi lang kanina, ipakilala ang sarili. Hindi sinabing magkwento ng biography." patama ko sa kanya.

MAWEE: "Oo nga no? Dapat pala pangalan ko lang din ang sinabi ko. Ang daldal ko kasi talaga." sabi niya ng nakangiti pa rin. Bakit ganito? Bakit hindi man lang siya nagalit sa ginawa ko? Pero at least napansin niya na ako. Haha. Sasagot pa sana ako ng may umawat na sa amin.

: "Hep" sabi ng isang lalake kaya hindi na ako nakapagsalita pa. Nakilala namin ito bilang si Paul. May mga sinabi siya na weirdo siya pero ang nakapagpabalik ng interes ko para makinig ay ang kanyang tanong.

PAUL: "Btw, ano kaya yong nangyari kanina? Isa kayang aksidente o sinadya?" tanong niya sa amin.

Lahat kami ay natigil at biglang nagseryoso. Oo nga ano? Parang nakapagtatakang isa yong aksidente. Microphone na ilang minuto pa lang na ginamit, biglang sasabog? Imposible din naman na gagamit ang eskwelahang ito ng mga mumurahin at hindi safe na gamit. Bakit bigla na lang itong sumabog? At sabihin na nating aksidenteng pagsabog nga, bakit ganon kalakas ang impact na ikinamatay pa ng security guard?

KEN: "Ang sabi ng principal aksidente raw. Baka nga aksidente talaga." sagot nito.

IZZA: "Oo nga baka aksidente talaga. Sino naman ang gagawa ng ganong bagay sa guard?" pagsang-ayon nito.

POTTER'S FIELD ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon