KILLER'S POV
Papadilim na ang buong paligid. Nandito ako ngayon sa ilalim ng isang puno na nasa dulo ng eskwelahan at nakaupo. Ngayong hindi na sila makahihingi ng tulong sa labas ng isla, nag-iisip ako kung paano ko sila iisa-isahin. Kung papaano ko sila papatayin lahat. Walang matitira, lahat damay. Simula na ito ng paghihiganti ko. Simula na ito ng pagbabayad nila sa kasalanan nila. Simula na ito ng paniningil ko. Pasalamat nga sila at ganon lang ang introduction ko sa nalalapit nilang katapusan. Hahaha. Mas masarap sana kung nakikita ko silang naghihirap bago sila mawala sa mundong ito. Bago mawala ang mga walang kwenta nilang buhay.
Habang nag-iisip ako ng malalim ay may napansin akong isang babae na naglalakad. Aba kung sinuswerte ka nga naman. May makakatikim na naman ulit ng lupit ng paghihiganti ko. Tumayo ako at sinundan ang babae. Hindi man lang niya napapansin na may sumusunod sa kanya. Nang medyo malapit na ako, napansin ko na nakasuot pala siya ng earphone. Kaya pala. Wala man lang siyang kaalam-alam na ito na ang katapusan niya. Hahaha. Pumasok siya sa library. Inayos ko ang sarili ko, pinalipas ang ilang minuto at pumasok din ako sa loob.
: "Good evening. Anong maipaglilingkod ko sa yo?" bati niya ng may matamis na ngiti makapasok ako sa loob.
"Magandang gabi din Ms. Esteban. Manghihiram lang sana ako ng libro." sabi ko sa kanya at kinapa ko sa aking bulsa ang pocket knife na lagi kong dala.
MS. ESTEBAN: "Sure. Hanapin mo na lang diyan ang kailangan mo." sabi nito. Nang aktong aalis na ako papunta sa mga shelves ay ibinalik na niya sa kanyang tenga ang kanyang earphone. Ayos! Sa loob-loob ko at kunwari ay pumunta na sa mga shelves.
Ang hindi alam niya alam ay umikot lang ako sa mga shelves para makapunta sa likuran niya. Kinuha ko ang pocket knife sa aking bulsa at dahan dahan akong lumapit. Hindi niya ako napapansin dahil busy siya sa pakikinig sa kanyang cellphone. Nang makalapit ako ay agad kong tinakpan ang kanyang bibig ng aking kaliwang kamay at sinaksak siya sa dibdib. Hindi pa ako nakuntento at ibinaon ko pa ng mas madiin ang kutsilyo sa dibdib niya. Pinilit niyang tumingala at tignan kung sino ang gumawa nito sa kanya at laking gulat niya ng makitang ako ang sumaksak sa kanya. Lumalabas na ang mga dugo sa kanyang labi. Tinanggal ko na ang kamay ko sa kanyang bibig dahil hindi na naman siya makakasigaw. Hinugot ko muli ang kutsilyo at sinaksak siya sa may bandang puso. Hindi ko ito masyadong naibaon kaya nakaisip ako ng mas magandang gawin. Hinila ko pababa ang kutsilyo. Ngayon wakwak na ang kanyang dibdib. Kitang kita ko ang puso niya. Tinignan ko muna siya sa mukha. Lumuluha siya habang patuloy pa rin ang paglabas ng dugo sa kanyang bibig. Ngumisi ako at ng akmang hahawakan ko ang puso niya ay nanlaki ang kanyang mga mata na parang alam na niya ang aking gagawin. Hinila ko ang kanyang puso. Ipinakita ko ito sa kanya habang tumitibok tibok pa sa aking palad. Ang bait ko talaga. Ipinakita ko pa ang puso niya bago siya malagutan ng hininga. Haha. Unti-unting pumikit ang kanyang mga mata, tanda na wala na siyang buhay. Simula na ito ng katapusan ninyong lahat. Hahaha. Sa sobrang tuwa ko ay sinaksak ko pa si Ms. Esteban sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Nang mahimasmasan ako ay itinigil ko na ang pagsaksak sa kanya.
Heto ngayon si Ms. Esteban, nakaupo at naliligo sa sariling dugo. Wakwak ang dibdib at maraming saksak sa iba't-ibang parte ng katawan. Ibinuka ko ang kanyang bibig at ipinasak ang kanyang puso sa kanyang bunganga.
Naglakad ako papunta sa comfort room ng library para maghugas ng aking mga kamay. Nakita ko na may konting talsik ng dugo sa aking damit. Sh*t patay! Pano na to? Sana walang tao sa labas. Sana walang makakita sa kin. At lumabas na ako ng cr dire-diretso sa labas ng library.
Paglabas ko ng library ay pinakiramdaman ko ang aking paligid. Walang tao. Ayos to. Makakapunta ako sa aking kwarto na walang makakakita sa kin. Madilim na rin ang paligid kaya hindi na rin mahahalata ang mga talsik ng dugo sa aking damit. At naglakad na ako ng may ngiti sa mga labi.
BINABASA MO ANG
POTTER'S FIELD ACADEMY
Mystery / ThrillerAng bagong tayong eskwelahan kung saan mga piling estudyante lamang ang tinatanggap. Kung ikaw ay matalino, maganda, gwapo, mayaman, at talented, pwede ka sa eskwelahang ito. Lahat ng mga makabagong teknolohiya ay makikita dito kaya naman maraming g...